Skip to main content

Ang Kasaysayan ng Nawawalang Tsinelas.

Eto ang aking blog response sa kalokohan nila Lord CM, KOSA, MARCO, Mulong at Dhianz.

Nabasa niyo na ke Lord CM ang kwento ng naiwang tsinelas ni Snow White sa pagmamadali nito pag-uwi bago mag hating-gabi. Nabasa niyo na rin kung paano naipaghiganti ni Marco ang makabagbag damdamin kinahinatnan ng kanyang tsinelas sa kamay ng malupit niyang lolo. Nakita na rin natin kung paano sinuntok ni KOsa ang kaklase dahil sa isang sapatos na walang hamak inapakan ang nananahimik niyang mga paa pero alam niyo na ba ang "Kasaysayan ng Nawawalang Tsinelas?"

Photo by: Z. Pavilo

Naglalaro noon si Pepe sa tabing ilog na mas kilala natin ngayon sa pangalang "The Great Canal" (Pasig River). sa gitna ng kasiyahan, basaan at kotongan sa tubig ay hindi niya namalayan na unti-unti na pa lang tumataas ang tubig. Dahil dito, hindi nagtagal at natangay na nang bumibilis na agos ng tubig sa ilog ang noon ay mga nanahimik na tsinelas ni Pepe. Kung hindi pa nagtatakbo umuwi si Marcelo dahil sa napagtripan siya ng barkadang "Progpagandista" nila Graciano, Juan at syempre ni Pepe, ay hindi pa sana mahihinto ang kanilang paglalaro. Napagdesisyonan na nilang umuwi dahil baka abutan sila ng nanay ni Marcelo sumbungero.

Eksena sa Pampang:

Pepe: Sa aking hinuha ay tila ba nawawala ang kapares ng isa kong sapin paa.

Graciano: SAPIN PAA? Haller? Tsinelas na lang noh. yuck ka talaga!J

Juan: Tsinelas ni Pepe wer na u? Uuwi na us!. (sa hindi kalayuan hinahanap ni Juan ang Tsinelas)

Pepe: Hindi na ba kayo nahiya sa inyong sarili? Ganyan na ba kayo magsalita? hindi niyo ba alam ang hindi magmahal ng sa sariling wika ay higit pa sa isang hayop at malansang fish?

Graciano: Whatever! Tara umuwi na tayo.

Juan: Pepe bakit mo tinapon ang tsinelas sa ilog? baka makita ka ng MMDA? Lagot ka kay BF

Pepe: Hindi ko na rin magagamit ang tsinelas, maigi pang itapon ko na rin to sa ilog. Malay mo may makapulot nung isa, siguradong hahanapin niya ang kaperas nito. Naway magamit niya ito.

Lingid sa kaalaman ni pepe, sa kabilang panig ng ilog nagsesenti si Andres at naghihimotok sa araw-araw niyang pagtitinda ng abanico habang nakayapak. Sa gitna ng pagsenti nito sa tabing ilog ay hindi sinasadyang natanaw niya ang tsinelas. Hindi niya napigilan sumigaw. "RAMBO!!!", dali-dali siyang tumalon sa ilog at kinuha ang nasabing tsinelas.

Andres: Eto ang pangarap kong tsinelas, lahat sila may rambo na. ako na lang wala. Salamat. Kanino kaya ito galing?

Binagligtad niya ang mga napulot na tsinelas sa pag-aakalang makikita niya ang pangalan ng dating may-ari nito. (Dapat talaga kasi may pangalan iyon kasi pare-pareho itsura ng rambo diba?)

Sa halip na isang pangalan ang nakita niya ay ang mga katagang....






















http://noli-at-elfili.blogspot.com.




















And the rest as they say is history..






(Public Apology: Ang Blog post na ito ay sadyang kathang isip lamang at ang pagkakapareho ng pangalan, pangyayari ay sadyang dala lang ng mahigpit na pangangailangan dahil sa sadyang mahirap gawan ng kwento ang tsinelas)

Mga kapwa blogistang walang magawa? Pwede na ba? lols!

Comments

  1. atig! gawan ba ng kwentong kalokohan ang isa sa pinaka magandang tagpo ng buhay ni rizal? hehe

    ang ganda. nakakaaliw tlga. :p

    ReplyDelete
  2. Hehehe :D Ayos brod...ipasa mo na sa ibang blogero yan at ng makagawa rin sila ng kwentong gaya ng sayo

    ReplyDelete
  3. lols
    makabayan?

    sige sige,
    welcome to the group...
    ang kwento ng tsinelas.
    hahaha

    ReplyDelete
  4. ayan... ayan... umpisa na ang iba't iba kwento ng tsinelas... abangan na lang natin kung sino ang susunod na magkwento....


    ayos bro... hehehe

    ReplyDelete
  5. Ngekz...hahaha sabi ko na nga ba kayo ang unang ma-aatrak sa kahit anong post na my "TSINELAS" sa titulo. ahahaha sensya na ala ako maisip eh nagkataon nakakita ako ng ano, kaya naisip ko si pepe.

    ReplyDelete
  6. gusto daw ba ng modern pepe... hehe.. nwei, nice one! ;-)

    ReplyDelete
  7. Juan: Pepe bakit mo tinapon ang tsinelas sa ilog? baka makita ka ng MMDA? Lagot ka kay BF

    bwahahahahaha! si BF ang kawal ni Padre Damasong Reypist! :D

    ang kukulit nyo... tsinelas pala ah! :D

    ReplyDelete
  8. Hang khulet ng entry na 'to!
    This made my morning Marlon. Sulit ang pagpupuyat ko. Na-miss ko ang blog-hopping after few days of hibernation.

    Sosyal si Ka Pepe... may account sa blogspot.com! Ha ha ha.

    At talaga naman ang dialogue nila Graciano at Juan... bonggang-bongga din! Hehe.

    Kailangang mabasa ko ngayon din ang iba pang mga alamat tungkol sa tsinelas...

    Dumaan ang isa pang kyut!

    ReplyDelete

Post a Comment

WhAt Do YOu Say?

Popular posts from this blog

I STUMBLED UPON

Halos alas-tres na ng umagA ng makita ko ito habang naglilikot sa internet. Pinaglalaruan ko kasi iyong stumble upon at sa pamamasyal, maliban sa mga photoshop related things. Eto nakita, ultimate wala lang ang mga ito pero some of it are really interesting. Here you go. A rat can last longer without water than a camel. Your stomach has to produce a new layer of mucus every two weeks or it will digest itself. The dot over the letter "i" is called a tittle. A raisin dropped in a glass of fresh champagne will bounce up and down continuously from the bottom of the glass to the top. A female ferret will die if it goes into heat and cannot find a mate. I know some people like that! A duck's quack doesn't echo. No one knows why. A 2 X 4 is really 1-1/2 by 3-1/2. During the chariot scene in "Ben Hur," a small red car can be seen in the distance. On average, 12 newborns will be given to the wrong parents daily! That explains it! Donald Duck comics were banned from F

MIDNIGHT DJ-What are you most afraid of?

Ano ang una mong naiisip kapag umuulan kahit mataas ang sikat ng araw? Nagpapasintabi ka ba mga engkanto tuwing mapupunta ka sa kagubatan? Ano ang agad pumapasok sa iyong isipan kapag nabanggit ang Balete Drive? Kilala mo rin ba ang anak ni Janice? One of the many interesting things about the Philippine Culture is the fact that the wide majority of the population believes in the supernatural be it local myths, scary creatures,ghost stories or even things as basic as the "pamahiins". Some may even argue that this is a bit odd considering that we are a predominantly catholic nation where creatures like that don't exists in our Bible, but on a deeper thought, is that really a contradiction? I notice that much of the urban legends I grew up with actually is connected to our faith in one way or the other. One good example is the story about the "Tiyanaks", you know...usually unborn and victims of abortion, these babies turns into monster to seek revenge and kill peo

You're The 1, Goldilocks!

"One day in your life, you'll remember a place...someone touching your face, you'll come back and look around" -One Day in Your Life Michael Jackson I guess glancing through old photos on a rainy afternoon with that song playing on the background is all took for me to act on this impulse to write this post. After all, I've been feeling a bit sentimental these past few days perhaps because I know that "one day" in my life is once again drawing near. I have nothing but great memories of my childhood and if there is one person whom I know I should be thanking right now--it's my mom. I am the "bunso" in the family and was often the object of jealousy from my "Ate" and "Kuya" because I was a "Mama's Boy". I guess it can't be helped given that I was different, maybe she felt that I needed the attention more than my older siblings who were 7 and 9 years old already when I was born. Also, I think the fact that