Skip to main content

YEAR-END REVIEW daw.

Kung ang buhay ay isang kanta, ito ay ang makabagbag damdaming MACARENA. Ang MACARENA. Magandang pakinggan, madali ka nitong madadala at pwede mo itong sabayan pero mahirap ito maintindihan. eeehh...MACARENA AYE! (anong language ba ulit iyon???)


Bagong taon na, maraming nagtatanong. Ano daw ba ang New Year’s Resolution ko? Sa isip ko tuloy, New Year’s Resolution na naman? Wala na akong maalala kung ano ang new year’s resolution ko last year, ibig sabihin hindi ko sila nagawa kaya naman bakit ko na naman sasayangin ang new year’s eve sa pag-iisip ng isang bagay hindi ko naman magagawa. Diba? Haller?


Wala talaga akong kabalak-balak magsulat ng kahit anong resolution, o kaya naman eh isang year-end review dahil sa loob ko alam ko na kapag ginawa ko iyon ay magiging madugo, madrama at baka makatanggap na ako ng tawag ke Charo Santos para bilhin ang istorya ko for MMK. Isa pa, ayoko ng bigyan pa ng isang dahilan si Cha-Cha tawagin akong Emo. (Wala akong one sided bangs, hindi ako naglalagay ng eye shadow, aybag yan…Agent ako remember?) Ngunit, subalit, datapwat, however, I think I owe it to my readers, ME, MYSELF and I na magsulat ng ganun so eto, at naisip ko para hindi siya ganun kadugo. Dadaanin ko ito sa kanta.

Nagsimula ang taong 2008 sa akin ng may ngiti sa aking mga labi, positibo tulad ngayon. Nasa TP pa ako nun, I remember pinapasok ako ni Madame Melda nun kasi daw kelangan mga Analyst sa Q.A. Aquarium, lahat daw nasa bakasyon at parang ako lang iyong walang mabuting gagawin sa Bagong taon kaya ayon. Sinalubong ko ang taon ng nakikinig ng problema ng mga customer at mga agent na hindi alam ang gagawin. Ngayon ko lang napagtanto na may basis pala iyong sinasabi nila na kapag nakabasag ka daw ng baso sa bisperas ng bagong taon, buong taon ka daw makakabasag ng baso. Sa akin lang, hindi ako iyong nakikinig ng problema, ako iyong binato ng mga problema at tulad ng isang kawawang agent. Hindi ko alam iyong gagawin.

Maling Akala--ERASERHEADS (Revived by Brownman Revival) ang kanta ko para sa simula ng taong 2008 dahil inakala ko or umasa ako na magiging maganda ang taon sapagkat ang dulo ng 2007 ay masasabi ko namang maganda sa kabuuan. Siguro katulad ngayon, more than anything umaasa ako na magiging maganda ang taon. Meron akong mga bagay na iiwan sa 2008 pero may mga bagay na magandang simulan at balikan ngayong 2009. (Ilang ulit na bang nagigising sa ibang kwarto) medyo ok tong linya. Sana Applicable sa akin.

"IF there's one thing in my life that's missing, i guess it's the time that i spent alone." eto ang unang linya ng kantang pinili kong theme song ng pangalawang bahagi ng taon 2008 para sa akin, ilang buwan o siguro taon na rin ang lumipas ng huli ako talagang nakapag-isa,nagkaroon ng panahon para sa sarili. Palagi na lang ako may ginagawa at pinipilit mag-busy-busyhan at palaging may iniisip hanggang sa siguro nakalimutan na kung ano ba ginagawa ko. Tulad nga sabi ni Kuya Gelo, siguro nga lahat nagdadaan sa gantong stage. Sa bilis ng mga pangyayari pakiramdam ko kelangan ko huminto dahil baka lalong hindi ako makarating sa gusto kong puntahan. Higit sa pumapangit na sitwasyon noon sa TP EDSA, naisipan kong mag-resign sa una kong trabaho matapos kung bumisita sa AFS office at makilala iyong mga kauuwi lang na batch. Nakita ko sila at naisip ko kung paanong pareho nila ako nung pag-uwi ko galing sa States. Sa parehong araw na iyon, muli kong narinig ang sarili ko ikuwento kung paano ako nabago dahil sa pagiging exchange student sa harap ng bumibisitang official ng America. Siguradong-sigurado ako tungkol sa sarili ko sa AFS, parang isang paalala na naliligaw ako ng landas (hindi ako nag-drugs) Hindi ko tuloy maiwasan itanong sa sarili ko, ano ba ang nangyari sa akin? Matapos noon. Naisip ko..It's time for a COOL CHANGE.

Sabi nila, the only thing permanent in this world, is change itself. Minsan ko na rin naitanong na kung totoo nga ang kasabihan na yan, bakit parang iyong mga bagay na gusto natin magbago noon pa ay parang hindi nagbabago, iyong mga bagay naman gusto natin hindi magbago. Sila pa iyong palaging natatangay ng paglipas ng panahon. Nagkakalokohan lang ba tayo? Again, it turned out isa lang pala iyong MALAKING MALING AKALA. Paano ko ba naman hindi naisip na ang pagbabago hindi lang always for the better, madalas pa nga, ang pagbabago ay ang paglala ng isang bagay. Kung may isa akong pwedeng baguhin sa buhay ko, walang pagdadalawang isip na isasagot kong sana magbago na siya. Hindi ko namalayan nagbago na pala siya, hanggang isang araw may nakita akong hindi dapat at sana hindi ko na nakita. Dito, pumapasok ang sunod na kanta, WAG Mo Nang Itanong ng Eraserheads. Kung ano ang nakita ko, wag mo ng itanong sa akin, dahil hindi ko rin naman sasabihin. Bakit sa tuwing naaalala ko ang purpose ko sa buhay ay palagi rin akong nagigising sa katotohan sa oras na umuwi ako ng bahay?. Wala akong pakialam na humarang sa akin ang mundo, kakayanin ko pero hindi ko magawa dahil parang kakampi pa ng mundo iyong taong dapat nakasuporta sayo. Pakiramdam ko pa nga siya iyong LEADER ng ANTI-MARLON's HAPPINESS MOVEMENT.

On to the last quarter of 2008, dito ko napagtanto na mahirap palang kasama ko sa isang bubong ang lider ng mga kalaban. Ang dapat na maging tahanan ay naging isang kulungan. So naisipan kong tumakas at ngayon andito na ako sa bago kong mundo na kung saan sana ay makapagsimula muli ako. Ang last quarter ng taon ay para rin sa basketball. Tambak ka na ng score ng kalaban pero hindi ka pa dapat sumuko dahil may oras pa. Ang hangga't hindi tumutunog ang buzzer pwede ka pang humirit kahit ng overtime kung saan pwede ka pa rin manalo. Teka, hindi basketbol ng viva hotbabes iyong theme song ko dito kung hindi WILL OF THE WIND. Sobrang lupit ng kantang to, para sa akin ito ang lyrics ng buhay ko ng huling tatlong buwan.


I spent half my life
Looking for the reasons things must change.
And half my life trying to make them stay the same.
But love would fade like summer into fall;
All that I could see was a mystery,
It made no sense at all.

Chorus:
The will of the wind, you feel it and then,
It will pass you blowing steady.
It comes and it goes, and God only knows,
You must keep your sails on ready.
So when it begins, get all that you can;
You must befriend the will of the wind.

I spent so many hours
Just thinkin' 'bout the way things might have been.
And so many hours trying to bring the good times back again.
And so it goes for lonely hearted fools;
They let their days slip away,
Until they give into...
(repeat chorus)

Coda:
So when it begins, get all that you can;
You must befriend the will of the wind.


I guess the song explains itself.

siguro nga ma-drama pa rin iyong naisulat ko.

siguro mamaya lang mag-ring na iyong phone ko dahil ke CHARO SANTOS

siguro nga tama si cha-cha na emo ako.

pero sa pagpasok ng taon, ang gusto kong kantahin ay ang With a Smile ng Eraserheads.

I'd like to think i can get by with a smile.

Comments

Popular posts from this blog

MIDNIGHT DJ-What are you most afraid of?

Ano ang una mong naiisip kapag umuulan kahit mataas ang sikat ng araw? Nagpapasintabi ka ba mga engkanto tuwing mapupunta ka sa kagubatan? Ano ang agad pumapasok sa iyong isipan kapag nabanggit ang Balete Drive? Kilala mo rin ba ang anak ni Janice? One of the many interesting things about the Philippine Culture is the fact that the wide majority of the population believes in the supernatural be it local myths, scary creatures,ghost stories or even things as basic as the "pamahiins". Some may even argue that this is a bit odd considering that we are a predominantly catholic nation where creatures like that don't exists in our Bible, but on a deeper thought, is that really a contradiction? I notice that much of the urban legends I grew up with actually is connected to our faith in one way or the other. One good example is the story about the "Tiyanaks", you know...usually unborn and victims of abortion, these babies turns into monster to seek revenge and kill peo...

I STUMBLED UPON

Halos alas-tres na ng umagA ng makita ko ito habang naglilikot sa internet. Pinaglalaruan ko kasi iyong stumble upon at sa pamamasyal, maliban sa mga photoshop related things. Eto nakita, ultimate wala lang ang mga ito pero some of it are really interesting. Here you go. A rat can last longer without water than a camel. Your stomach has to produce a new layer of mucus every two weeks or it will digest itself. The dot over the letter "i" is called a tittle. A raisin dropped in a glass of fresh champagne will bounce up and down continuously from the bottom of the glass to the top. A female ferret will die if it goes into heat and cannot find a mate. I know some people like that! A duck's quack doesn't echo. No one knows why. A 2 X 4 is really 1-1/2 by 3-1/2. During the chariot scene in "Ben Hur," a small red car can be seen in the distance. On average, 12 newborns will be given to the wrong parents daily! That explains it! Donald Duck comics were banned from F...

Kwentong Barbero

Nakarinig ka na ba ng kwentong barbero? Kahapon matapos ang humigit kumulang apat na buwan, muli na naman naitanong sa akin ng isang barbero ang tila ba script na paulit-ulit natatanong sa akin tuwing ako ay nagpapagupit; Mamang Barbero: “Putulin ba natin iyong patilya mo?” Dahan-dahan akong lumingon sa aking likuran tila ba isang eksena sa isang ma-dramang pelikula at sa oras na magtagpo ang aming mata (actually naka-salamin siya) ay binigkas ko ang palagi kong sagot, "Sige po!," Hindi ko pers taym magpagupit pero maraming pers taym ang experience ko kahapon. Sa kauna-unahang pagkakataon ay imbis na ako ang dumayo sa barber shop o parlor, ako iyong pinuntahan ng barbero. (sosyal lols!). Perstaym ko rin maputulan ng patilya gamit ang isang orihinal na labaha. Perstaym akong gumawa ng blog post dahil sa isang barbero. lols! Kilala si manong barbero dito sa amin bilang "the Wandering Barbero" dahil wala siyang sariling pwesto. Tulad ng karamihan, bata pa ako meron ak...