Skip to main content

Hook

Isa sa magandang bagay ng pagkakaroon ng bata sa bahay ay ang pagkakataon muling maging bata.






Kagabi, muli kong pinanood ang pelikulang "HOOK" kasama ang aking apat na taong pamangkin na si Joshua. Muli na naman akong napunta sa Neverland at kasabay ni Peter, muli na naman lumipad ang aking isipan. Bagets na bagets pa ako ng una kong mapanuod ang movie pero sariwang-sariwa pa sa isip ko ang pangarap na nabuo matapos kong mapanuod iyon. Tulad ng maraming bata at maging ng ilang-isip bata, minsan ko rin ninais makalipad. Minsan ko rin pinangarap maramdaman ang hangin habang lumulutang ang iyong katawan patungo sa dulo ng mundo na tila walang katapusan. Ngunit, masasabing tulad ni Peter sa pelikula, nadala rin ako ng bilis ng panahon at ako rin ay nakalimot. Iba na ang dating sa akin ng pelikula ng panoorin ko ito kagabi. Sa halip na muli akong mangarap lumipad ay bigla akong nangarap muling maging bata.

Marahil kasing imposible ng paglipad ang pangarap ko na muling maging bata. Kahit hindi masyadong halata sa aking height, sa totoo lang ako po ay MEDYO bata na lang. Marami na akong naging karanasan, natutunan at siguro ilang bagay na nakalimutan at gustong talikuran. Mahirap man tanggapin, ngunit ang tunay na buhay hindi katulad ng sa Neverland, hindi ka mabubuhay ng puro imagination. Sa totoong mundo kelangan ng realization. Hindi nakapagtatangkang hindi alam ni Peter ang kanyang Happy Thought na kanyang kailangan para makalipad. Ako man, kung tatanungin hindi ko alam kung anong tunay na makapagpapasaya sa akin. Marami akong pangarap at gustong gawin ngunit hindi ako siguradong sapat ba ito para ako ay lumipad sa tuwa. Maraming tao sa totoong mundo na katulad kong nalilito at tila ba walang pupuntahan. Kaya siguro ganun na lang aking pagnanais muling maging bata dahil mabuti pa ang isang bata sigurado sa kanyang sarili. Alam niya kung ano ang kanyang Happy Thought.

Maraming matutunan ang mga matatanda sa mga bata. Hindi ko maiwasan mainggit at humanga sa kanilang tingin sa mundo. Natutuwa ako tuwing naririnig ko si Joshua sabihing "WOW" sa isang bagay na sa mata ko ay balewala. They know how to appreciate even the smallest things in life. Isang bagay na tayong mga matatanda ay nahihirapan gawin dahil sa ating paghahangad ng mga bagay, dahilan kung bakit hindi natin napapansin ang mga magagandang bagay na nangyayari sa araw-araw. Isa pang bagay ang gusto ko sa bata ay ang kakayahan nilang mangarap na tila ba walang imposible. Minsan sila si Superman, minsan sila si Spiderman, minsan sila Peter Pan. Kaya nilang maging kung sino man nila naiisin. Sana taglay ko pa rin ang katulad na enthusiasm sa lahat ng bagay gusto kong gawin. Gusto ko pa rin mangarap at maniwalang walang imposible.

Minsan, naranasan ko na rin lumipad sa sobrang tuwa ngunit siguro talagang malakas ang gravity dahil ilang ulit na rin ako nahulog. Sa bawat pagkakataon ako ay nasaktan at nag-isip na hindi na muling bumanggon pero dahil rin sa karanasan kong lumipad ay mas lalo akong nagkaroon ng pag-asa na matatagpuan ko rin ang aking "Happy Thought" at ang Neverland kung saan hihinto ang panahon.


Comments

  1. Truly there are a lot of W.O.N.D.E.R.F.U.L. things that we can learn from children:
    W - onder
    O - ptism
    N - aïveté
    D - dependence (healthy)
    E - motions
    R - esilience
    F - ree Play
    U - niqueness
    L - ove

    And these are our innate gifts.
    We just forget along the way.
    The good news is, even as adults, we can always re-visit the CHILD WITHIN!

    ReplyDelete
  2. hook pala a. krokodayl at ticking ng alarm clock lang ang katapat nyan! :)

    ReplyDelete
  3. REVSIOPAO! ASTIG ka talaga mag-comment. hahaha akalain mo naisip mo iyon? sa bagay, THAT's what i would expect sa kapwa cute.

    Cutter Pilar, Nye! pano na ang kalaban ni peter eh tinalo mo na?

    ReplyDelete
  4. You should watch TinkerBell's movie too!

    ReplyDelete
  5. Hey! thanks for dropping by. Yup! i've actually seen Tinkerbell, I have an 8 yr old niece and a 4 yr old nephew so i guess it can't be helped.

    ReplyDelete
  6. Hey Marlon, nice post. I dreamt of flying too when I was a kid.. as in parang Peter Pan. until now. haha!

    to Chyng,
    talaga Tinkerbell Movie meron? haha, nahuhuli ako sa balita, lolz

    ReplyDelete
  7. kung minsan kasi, sa kakamadali nating maging grown-up, nakalimutan na nating mag-enjoy ng pagiging bata.ü
    but it's never too late to be young again, basta may konting imagination at isandamukal na trust sa sarili at sa Diyos, soar high lang tayo.ü

    i updated the link na. God bless!

    ReplyDelete
  8. kung minsan kasi, sa kakamadali nating maging grownup, nakalimutan na nating ma-enjoy ang pagiging bata.
    pero may time pa naman tayo eh.ü basta ba may imagination, may tiwala sa sarili at sa Diyos at basta ba bukas sa lahat ng pwedeng mangyari, maeenjoy na rin natin ang nawala nating childhood.
    I adjusted your link na. thanks for the heads up and GOd bless!

    ReplyDelete
  9. Utoysaves, salamat po sa iyong comment. Tama ka, at siguro nga hind pa masyadong late to become a kid again. hehehe salamat sa pag-ayos ng link.!

    ReplyDelete

Post a Comment

WhAt Do YOu Say?

Popular posts from this blog

MIDNIGHT DJ-What are you most afraid of?

Ano ang una mong naiisip kapag umuulan kahit mataas ang sikat ng araw? Nagpapasintabi ka ba mga engkanto tuwing mapupunta ka sa kagubatan? Ano ang agad pumapasok sa iyong isipan kapag nabanggit ang Balete Drive? Kilala mo rin ba ang anak ni Janice? One of the many interesting things about the Philippine Culture is the fact that the wide majority of the population believes in the supernatural be it local myths, scary creatures,ghost stories or even things as basic as the "pamahiins". Some may even argue that this is a bit odd considering that we are a predominantly catholic nation where creatures like that don't exists in our Bible, but on a deeper thought, is that really a contradiction? I notice that much of the urban legends I grew up with actually is connected to our faith in one way or the other. One good example is the story about the "Tiyanaks", you know...usually unborn and victims of abortion, these babies turns into monster to seek revenge and kill peo...

I STUMBLED UPON

Halos alas-tres na ng umagA ng makita ko ito habang naglilikot sa internet. Pinaglalaruan ko kasi iyong stumble upon at sa pamamasyal, maliban sa mga photoshop related things. Eto nakita, ultimate wala lang ang mga ito pero some of it are really interesting. Here you go. A rat can last longer without water than a camel. Your stomach has to produce a new layer of mucus every two weeks or it will digest itself. The dot over the letter "i" is called a tittle. A raisin dropped in a glass of fresh champagne will bounce up and down continuously from the bottom of the glass to the top. A female ferret will die if it goes into heat and cannot find a mate. I know some people like that! A duck's quack doesn't echo. No one knows why. A 2 X 4 is really 1-1/2 by 3-1/2. During the chariot scene in "Ben Hur," a small red car can be seen in the distance. On average, 12 newborns will be given to the wrong parents daily! That explains it! Donald Duck comics were banned from F...

Kwentong Barbero

Nakarinig ka na ba ng kwentong barbero? Kahapon matapos ang humigit kumulang apat na buwan, muli na naman naitanong sa akin ng isang barbero ang tila ba script na paulit-ulit natatanong sa akin tuwing ako ay nagpapagupit; Mamang Barbero: “Putulin ba natin iyong patilya mo?” Dahan-dahan akong lumingon sa aking likuran tila ba isang eksena sa isang ma-dramang pelikula at sa oras na magtagpo ang aming mata (actually naka-salamin siya) ay binigkas ko ang palagi kong sagot, "Sige po!," Hindi ko pers taym magpagupit pero maraming pers taym ang experience ko kahapon. Sa kauna-unahang pagkakataon ay imbis na ako ang dumayo sa barber shop o parlor, ako iyong pinuntahan ng barbero. (sosyal lols!). Perstaym ko rin maputulan ng patilya gamit ang isang orihinal na labaha. Perstaym akong gumawa ng blog post dahil sa isang barbero. lols! Kilala si manong barbero dito sa amin bilang "the Wandering Barbero" dahil wala siyang sariling pwesto. Tulad ng karamihan, bata pa ako meron ak...