Skip to main content

Ang Huling El Bimbo -McDO

Naalala mo ba si Karen? (kaka-tats diba?)



Nakapag-pa cheeseburger ka na ba? (Eto nakakatawa)



Eto ang bago ng McDO, a classic in the making.



WOW! Mabaliw-baliw ako sa bagong commercial na iyan ng Mcdo. Kung sino man nakaisip niyan. Saludo ako. Astig para sabayan ang Eraserheads fever at ang theme napakalupit.

Hindi ko mapigilan biglaan mag-post, bukas pa sana naka-schedule ang susunod kong post sa blog ko pero dahil sa saglit na commercial na iyan biglang nag flashback ang mga ala-ala ng nakaraan. Napapanahon ang komersyal para sa buhay ko, bukas b-day ko na at taon-taon sa araw na iyan ay hindi ko maiwasan mag-reflect hindi lang sa nakaraang taon kundi magmula pa ng magsimula akong magkamalay.

Magandang naipakita sa komersyal na kahit gaano katagal ang lumipas may mga bagay na hindi nagbabago. May mga ala-ala na masarap ngitian at balik-balikan. Ang High School life, si Perslab bigla ko naalala. Bumalik ang mga tagpo kung saan at paano kami nagkakilala, mga bagay na dati niyong ginagawa at pinag-uusapan. Mga kalokohang kayo lang ang nakakaunawa, simpleng tinginan na nauuwi sa walang hintong tawanan. Mga daldalan namin sa upuan sa klase, mga kopyahan at hindi matigil na pagtetext hanggang sa umaga. Bumalik sa akin iyong saya ng isang araw nagising na lang ako mahal ko na pala ang kaklaseng mula bata kasama ko na. (ayoko muna magpaka-emo, sa balentayms edition na ng blog ko)

Lahat tayo may kanya-kanyang kwento tungkol ke perslab, marami tulad ng sa kanta at sa komerxal hindi na natin sila nakita siguro mula ng graduation. Diba nakatutuwang isipin na sa oras na magkita kayo pakiramdam mo kahit gaano katagal ang lumipas eh parang kahapon lang ito nangyari? Ang pagitan ng huli at muling pagkikita ay tila balewala dahil sa oras na masilayan muli natin sila ay tila ba continuation ng naudlot niyong istorya.

Mahaba at makulay ang istorya namin ni Perslab, puno ito ng drama, comedy at maging unting horror pero isa lang ang masasabi ko sa kanya.

"Tinuruan mo ang puso ko na umibig ng tunay"


Bago kayo bumalik sa panahon, iiwan ko sa inyo ang awiting Huling El Bimbo. (ako iyong nag-gitara, iyong BF ni Perslab iyong kumakanta hahahaha astig noh? Censya na sa maingay na bata at asong tumatahol) Enjoy!


huling el bimbo namin ni jet(3).mp3 -

Comments

  1. astig! yan na pala bgong commercial ng mcdo.

    favorite ko ung kay lolo at karen. si lolo may kabit! - si gina!

    haha

    si jof pla to.

    ReplyDelete
  2. ako rin, na-cucutan ako sa bagong commercial ng mcdo! hehe

    uy, ano nangyari sa inyo ng perslab mo? hehe intriga ba.

    ReplyDelete
  3. ngek. bkit may horror ang istorya nyo? =)

    pero ang ganda talaga ng bagong com ng Mcdo noh. naalala ko rin perslab ko. tsk3x.

    @ joffred : haha! kabit pala ni lolo si gina? ngayon ko lang nalaman ah!. hihihi...

    ReplyDelete
  4. Joffred, oo nga, mas maganda si Gina, hehehe pero itong bago favorite ko. Salamat sa pagdaan.

    Pam, you'll know more about ke perslab, 2nd lab at ms. U as i continue posting. Mahabang kwento eh. Meron akong balentyms edition. hahaha

    Izangel, eh kaya may horror kasi sa experience namin iyon ng elementary pa ako. Abangan ang Balentyms edition ng blog ko. hahaha EMO.

    ReplyDelete
  5. hehehe this is really kyut... ui nakarelate siya... hehe!

    ReplyDelete
  6. You also thought the commercial was great?! HAHAHAH, it was awesome!

    ReplyDelete
  7. Wahhh! Ang sakit naman sa dibdib ng commercial na toh.

    Ang pers lab ko? Haha, ewan, hindi pa ata ako naiinlab eh.

    anyway, nice post. fan din ako ng e-heads!

    ReplyDelete
  8. hoy sino si perslab? haha. ang cute ng boses ng boyfriend ni perslab. lab ko na xa. hahahahahaha. :)

    ReplyDelete
  9. napanood ko na din yan bago ka pa magpost.. grabe.. hirp nman nun.. ksama mu kumain perslab mo kasama ang juwaers niya??ampf yun ahh.. martyr si kuya.. pag-ibig nga nman..

    ReplyDelete
  10. ganyan tayo eh. makikibreak sa first girlfriend pero di mai-let go. hehe...
    ayoko ng commercial na ito. may epekto kasi sa akin eh. nadedepress ako. parang sinasabi ng commercial na di dapat ako nagpari.
    haynako.

    ReplyDelete
  11. -yhen1027, syempre naman! hehehe tumitibok din ang puso ko kahit na kyut ako. hahaha

    -josh!nice to see you here! you're right. it's my fave of all time. so far.

    -Akina Bukolmo, mahirap iyong ganyan denial

    -Chaching, bias ka! hahahaha mga blogistang nagtatanong, eto po si PERSLAB ko.

    -Neto, ganun talaga, kung saan lang sila masaya bakit hindi mo pa pagbigyan?

    -utoysaves, hahaha marami pang dahilan kung bakit hindi ka dapat nagpari hahaha pero saludo ako sayong paniniwala.

    MABUHAY ANG MGA KYUT!

    ReplyDelete
  12. dahil wala ako sa pinas, the other day ko din lang napanood ito sa youtube. panalo talaga!

    haayyss... ang mga matatamis na ala-ala nga naman ng kahapon... isa pang hayysss...

    ang galing mo palang mag-gitara parekoi. clap clap clap!

    ReplyDelete
  13. pahabol:
    HAPPY BIRTHDAY nga pala!

    ReplyDelete
  14. wow nagustuhan ko un bagong commercial ng mcdo kaya lng parang ang sad noh? :( hehehe

    wow reminiscing ang bata!! hehee

    ReplyDelete
  15. Revsiopao, nakatutuwa at natikman ko na naman ang siopao mo. ahahaha Salamat sa pagbati. Ang ala-ala masarap lang balikan kapag matamis, haays din..

    Kuletz, as you well know..hindi lahat ng lab story happy ending pero diba tulad ng sabi niya?

    (kahit hindi man kami sa huli, siya pa rin ang perslab ko) hahaha

    ReplyDelete
  16. haha. nakakatuwa naman yung mga commercial. ngayon ko lang nakita bagong commercial ng mcdo. ayos! :D

    naku mga kwento ng perslab tragic yan. pero sabi mo nga,,,, tinuruan nila tayong umibig.. kahit masakit... panalo :D

    ReplyDelete
  17. even misteryosa my friend also post something about this commercial.. in my amazement too.. I also have to give my review on this by the coming days..



    Join Senior Bloggista Campaign.. See http://painuminmoko.idlip.net/?p=104 for more details :)

    ReplyDelete
  18. Cutter Pilar, good to see you here. hahaha parang iba interpretation ko sa last line mo. "Kahit masakit, panalo" hahaha salamat sa pagdaan

    Jeniffer, i will take part kahit newbie ako. ahahaha salamat sa comment

    ReplyDelete
  19. salamat sa kwento..
    sa totoo lang idol, na-curious ako dun sa mga komersyal na yan...
    nabasa ko kase yan sa post ni gillboard..lols

    hahahaha.. hahanapin ko palang yung mga commercial na nasa blog nya... at dito ko nakita yung isa...

    p.s.
    pakihanap din po yung komersyal ni Lumen at ni Aling Obang...lols

    ReplyDelete

Post a Comment

WhAt Do YOu Say?

Popular posts from this blog

MIDNIGHT DJ-What are you most afraid of?

Ano ang una mong naiisip kapag umuulan kahit mataas ang sikat ng araw? Nagpapasintabi ka ba mga engkanto tuwing mapupunta ka sa kagubatan? Ano ang agad pumapasok sa iyong isipan kapag nabanggit ang Balete Drive? Kilala mo rin ba ang anak ni Janice? One of the many interesting things about the Philippine Culture is the fact that the wide majority of the population believes in the supernatural be it local myths, scary creatures,ghost stories or even things as basic as the "pamahiins". Some may even argue that this is a bit odd considering that we are a predominantly catholic nation where creatures like that don't exists in our Bible, but on a deeper thought, is that really a contradiction? I notice that much of the urban legends I grew up with actually is connected to our faith in one way or the other. One good example is the story about the "Tiyanaks", you know...usually unborn and victims of abortion, these babies turns into monster to seek revenge and kill peo...

I STUMBLED UPON

Halos alas-tres na ng umagA ng makita ko ito habang naglilikot sa internet. Pinaglalaruan ko kasi iyong stumble upon at sa pamamasyal, maliban sa mga photoshop related things. Eto nakita, ultimate wala lang ang mga ito pero some of it are really interesting. Here you go. A rat can last longer without water than a camel. Your stomach has to produce a new layer of mucus every two weeks or it will digest itself. The dot over the letter "i" is called a tittle. A raisin dropped in a glass of fresh champagne will bounce up and down continuously from the bottom of the glass to the top. A female ferret will die if it goes into heat and cannot find a mate. I know some people like that! A duck's quack doesn't echo. No one knows why. A 2 X 4 is really 1-1/2 by 3-1/2. During the chariot scene in "Ben Hur," a small red car can be seen in the distance. On average, 12 newborns will be given to the wrong parents daily! That explains it! Donald Duck comics were banned from F...

Kwentong Barbero

Nakarinig ka na ba ng kwentong barbero? Kahapon matapos ang humigit kumulang apat na buwan, muli na naman naitanong sa akin ng isang barbero ang tila ba script na paulit-ulit natatanong sa akin tuwing ako ay nagpapagupit; Mamang Barbero: “Putulin ba natin iyong patilya mo?” Dahan-dahan akong lumingon sa aking likuran tila ba isang eksena sa isang ma-dramang pelikula at sa oras na magtagpo ang aming mata (actually naka-salamin siya) ay binigkas ko ang palagi kong sagot, "Sige po!," Hindi ko pers taym magpagupit pero maraming pers taym ang experience ko kahapon. Sa kauna-unahang pagkakataon ay imbis na ako ang dumayo sa barber shop o parlor, ako iyong pinuntahan ng barbero. (sosyal lols!). Perstaym ko rin maputulan ng patilya gamit ang isang orihinal na labaha. Perstaym akong gumawa ng blog post dahil sa isang barbero. lols! Kilala si manong barbero dito sa amin bilang "the Wandering Barbero" dahil wala siyang sariling pwesto. Tulad ng karamihan, bata pa ako meron ak...