Skip to main content

Ang Katuparan at Simula ng Isang Pangarap



Nalalapit na ang tinatawag ng marami na “The Day That Would Change the World”. Ang inagurasyon ni Barack Obama bilang ika-44 apat na presidente ng Amerika at bilang kauna-unahang Black President sa kasaysayan nito. Ilang dekada pa lang nakakaraan ng sambitin ni Martin Luther King Jr. ang makasaysayan niyang “I Have a Dream Speech” kung saan sa Washington D.C sa harap ng may akda ng dokumentong Emancipation Proclamation na sanay nagpalaya sa kanya at milyong tao na kapwa niya naniniwala at nangangarap ng pantay na karapatan ang mga katagang. “I have a dream that one day this nation will rise up and live out the true meaning of its creed: We hold these truths to be self-evident: that All men are created Equal.”

Naging mapalad ako na nabigyan ng pagkakataon na mapag-aralan ang kasaysayan ng Estados Unidos. Hindi ko inaakala na kahit ang isang bansa tulad ng Amerika na tinitingala ng buong mundo lalo na ni Juan ay may mga baho rin at problema na parang kailan lang ay hindi malulunasan. Isang malaking pagbabago ang dala ng pagkakapanalo ni Obama, hindi lang sa sitwasyong political ng Amerika at ng mundo kung hindi sa pagtingin ng tao lalo ni Juan sa mga taong kabilang sa minority tulad ng mga African-Americans. Aminin man nating Pinoy o hindi, meron tayong ugali, paniniwala or karakter na tulad din ng mga Amerikano. Namana natin maging ang ideolohiyang “White Supremacy”. Kita ito mula sa maliliit na bagay tulad ng paniniwalang ng maraming pinay na kapag maputi ka maganda ka at maging sa malalaking bagay na tila hindi natin napapansin tulad ng pagkakaroon ng idea na higit ang lahing Pinoy sa lahat—maliban lang siguro kay Uncle Sam. Ang paglalakbay ko sa blogosperyo ay nagpakita sa akin ng iilang halimbawa ng aking mga nabanggit. Isa na rito ang kelan ko lang nabasa na entry ni Joffred, isang kapwa blogista na nasa America ngayon. Kinuwento niya ang usapan ng kanyang ina sa dalawa pang Pinay na kapwa nila nasa America. Kinuwento ni Joffred ang isang babaeng tinawag niyang Jessa dahil sa bibig niya nagmula ang iniisip ngunit hindi kayang aminin natin mga Pinoy. “Bobo ba ang mga Black?” Isa lang iyan sa mga stereotype na meron tayo patungkol sa mga itim, sa mga muslim, mga taong may kapansanan, sa mga taong singkit, intsik, bumbay, at kung anu-ano pang uri ng tao. Bilang isang pinoy na hinubog sa kulturang dominante ay katoliko, hindi ko maiwasan mangamba at mag-isip paano pa kaya kung walang simbahan na nagtuturo na mag-isip tayo ng mabuti sa iba?.

Pareho lang din ako ng karamihan, meron akong sariling stereotypes, mga bagay na pinaniniwalaan at mga bagay na hindi pinaniniwalaan pero alam ko na hindi dahilan ang mga ito upang hindi respetuhin ang pagkakaiba ng mga tao. Naniniwala ako na ang pagkakaiba ay hindi para higitan ang bawat isa kung hindi para mapunan natin ang kapwa natin pagkukulang. Kung meron man tayong dapat gayahin sa America, sa palagay ko ayon ay ang kakayahan nila makita hindi ang pagkakaiba-iba nila kung hindi ang kakayahan nilang kilalanin ang kanilang pagkakapareho at ang iisa nilang layunin. Siguro higit ng patunay na sila ang pinakamakapangyarihang bansa sa mundo.


Halos limang dekada pa lang ang lumipas. Kung iisipin, isang talambuhay ng isang ordinaryong tao, isang generasyon lang ang kinakailangan upang mabago ang sitwasyon at kalagayan ng mga itim sa America. Isang henerasyon lang ang kailangan upang matupad ang ilang daang taon ng pangarap na pagkakapantay-pantay sa pinakamakapangyarihang bansa sa mundo. Sa pagbabasa ko ng blog ni Howie Severino, nakita ko ang linyang ito sa isang post niya tungkol kay Obama.

Just the appearance of a black man as president of a mostly white superpower can have an impact down to the smallest village in Mindanao with a television. Can an intelligent and patriotic Muslim-Filipino boy (or girl) now dream of becoming president of a mostly Christian nation? No? That's what was once said about a black man leading America!
























Hindi ba’t nakatutuwang isipin paano kung totoo nga’t sa katuparan ng pangarap ni Martin Luther King ay magbubunga ang isang pangarap. Pangarap na kung iisipin ay imposible? Hindi makakaila na sa isang mahirap na bansang tulad ng Pinas, kahit ang pangangarap dapat ay may limit. Isang magandang halimbawa ang nabasa ko sa blog ni Otep na nagkataon din ang pangalan ay “Libre ang Mangarap”. Dito, nabasa ko ang post na may pamagat na. “ang Pangarap ni Benjie”, Tungkol ito sa I-Witness episode na kapapanood ko lang kanina “Batang Kahoy”, Si Benjie ay isang batang araw-araw ay namumulot ng kahoy sa buong kamaynilaan sakay ng isang padyak. Katulad din ni Otep, halos bagsakan ako ng langit ng sabihin niyang ang pangarap niya balang araw maging driver ng truck ng basura. Sa kabilang banda, hindi na nakakagulat kung ganito kasimple ang pangarap ni Benjie gayon ang tanging ang alam niya isulat ay ang kanyang sariling pangalan. Pero bilang isang taong mas mapalad na nakapag-aral, nalulungkot ako na ang isang bata tulad niya na dapat nangangarap maging doctor, abogado, maging isang artista, basketball player o maging Captain Barbell ay maagang namulat sa hirap ng buhay at dahil dito, sa murang edad kahit ang pangangarap hindi libre sa isang batang tulad niya.

Ang inagurasyon ni Obama hindi pa man nagaganap ay isa ng kasaysayan sapagkat simbolo ito hindi lang ng kanyang pagka-presidente kung hindi dahil kinakatawan nito ang pagbabago. Hindi lang sa konteksto ng America maging ng sa buong mundo. Hindi dahil sa hahawakan niya ang pinakamakapangyarihan pwesto sa mundo kung hindi dahil kasabay nito ang pagpapatunay ng ang pagbabago kung nanaisin ay posible, ang pangarap kahit gaano ka-taas at ka-imposible ay maari pa rin abutin.

"There are many things we do not want about the world. Let us not just mourn them. Let us change them"-Ferdinand Marcos


Cute bloggers note: Sorry sa mali-mali kong pagtatagalog. I am more comfortable writing in English lalo na kung seryoso. I really should start working on my other blog.

Comments

  1. he looks cool with that light saber..hehehe!

    i love his platform--CHANGE, let's see how'll he accomplish this :)

    ReplyDelete
  2. magaling magaling!

    salamat pla at naligaw ang pngalan ko dito sa blog mo. salamat tlga.:p

    isa sa ma paborito kong speech ay ang "i have a dream" ni martin luther king. ang kanyang mga pangarap ay matutupad na. isa rin ako sa pinalad na mpagaralan ang kasaysayan ng america at dito ako namulat sa salitang "pagkaka-pantay pantay" pinatunayan ngayon ng bansang america ang tunay na meaning ng kanilang demokrasya. ngayong nahalal ng bilang pangulo si obama,tingin ko ay mawawala narin ang mga racial issue na kinakaharap ng mga minority sa america. sana ay magsilbing halimbawa ito sa mga ibang bansa lalo na sa pilipinas.

    btw, aattend sana ako sa innauguration ni obama kaso fist day un ng classes ko. may pasok. badtrip! hehe

    ReplyDelete
  3. Hi Nice blog!
    Care to link?

    ReplyDelete
  4. Lucas, Salamat at napadaan ka. Exactly...Symbolic talaga iyong presidency niya in more ways than one.

    Joffred, I suggest you miss the class and go for it. wahahaha malay mo may i have a dream speech siya. hahahaha, Marami na rin tayong ginaya sa america bakit hindi pa iyong talagang magaganda diba?

    Alpha, thanks for visiting. I will check your site.

    ReplyDelete
  5. sure, mate :) added you on my roll too..thanks for the drop.

    ReplyDelete
  6. lols.. si obama nga!!!

    ReplyDelete
  7. i lab obama.. ang galing galing nya... kaso pinahihirapan nya kami ng mga narses na makatapak sa US... :D ehehehe. pero ay layk him the same... change talaga..

    it's time to change things...
    it's time to move on...

    clear... :D

    ReplyDelete
  8. Hi Marlon. Good post. I like Obama. My brother voted for Obama last election, too. Yeah, after the Bush admin it's time for a much needed change.

    ReplyDelete
  9. nakikiraan lang po.

    i like your post. just read "pareng barak" by Boying Pimentel. ang dami palang pinoy , dito at sa US, na ayaw kay obama dahil lang sa siya ay itim.

    yes, obama is a sign of hope for americans. hope he sustains it.

    hope na maging okay din ang mga policies niya sa trade and international relations especially in dealing with third world and muslim nations.

    kudos.

    ReplyDelete
  10. kosa salamat sa pagdaan,

    Cutter Pilar, ahehehe kahit kelan ka may comedy noh?

    Cel at Easyjedi, salamat at nagustuhan niyo ang post ko.

    Easyjedi, i haven't read the book, i also haven't heard of it before. I just did a quick glance, if i am not mistaken book ba siya? Bad thing for OBAMA kung boboto ang pinoy sa election doon. Matatalo siya simply because his black. This is one mentality pinoys have na sana magbago.

    ReplyDelete
  11. nyahaha! bagay ky obama ang saber! pero in fairness, gusto ko si obama dahil kamukha niya ang ama ko. wee...

    ReplyDelete

Post a Comment

WhAt Do YOu Say?

Popular posts from this blog

MIDNIGHT DJ-What are you most afraid of?

Ano ang una mong naiisip kapag umuulan kahit mataas ang sikat ng araw? Nagpapasintabi ka ba mga engkanto tuwing mapupunta ka sa kagubatan? Ano ang agad pumapasok sa iyong isipan kapag nabanggit ang Balete Drive? Kilala mo rin ba ang anak ni Janice? One of the many interesting things about the Philippine Culture is the fact that the wide majority of the population believes in the supernatural be it local myths, scary creatures,ghost stories or even things as basic as the "pamahiins". Some may even argue that this is a bit odd considering that we are a predominantly catholic nation where creatures like that don't exists in our Bible, but on a deeper thought, is that really a contradiction? I notice that much of the urban legends I grew up with actually is connected to our faith in one way or the other. One good example is the story about the "Tiyanaks", you know...usually unborn and victims of abortion, these babies turns into monster to seek revenge and kill peo...

I STUMBLED UPON

Halos alas-tres na ng umagA ng makita ko ito habang naglilikot sa internet. Pinaglalaruan ko kasi iyong stumble upon at sa pamamasyal, maliban sa mga photoshop related things. Eto nakita, ultimate wala lang ang mga ito pero some of it are really interesting. Here you go. A rat can last longer without water than a camel. Your stomach has to produce a new layer of mucus every two weeks or it will digest itself. The dot over the letter "i" is called a tittle. A raisin dropped in a glass of fresh champagne will bounce up and down continuously from the bottom of the glass to the top. A female ferret will die if it goes into heat and cannot find a mate. I know some people like that! A duck's quack doesn't echo. No one knows why. A 2 X 4 is really 1-1/2 by 3-1/2. During the chariot scene in "Ben Hur," a small red car can be seen in the distance. On average, 12 newborns will be given to the wrong parents daily! That explains it! Donald Duck comics were banned from F...

Kwentong Barbero

Nakarinig ka na ba ng kwentong barbero? Kahapon matapos ang humigit kumulang apat na buwan, muli na naman naitanong sa akin ng isang barbero ang tila ba script na paulit-ulit natatanong sa akin tuwing ako ay nagpapagupit; Mamang Barbero: “Putulin ba natin iyong patilya mo?” Dahan-dahan akong lumingon sa aking likuran tila ba isang eksena sa isang ma-dramang pelikula at sa oras na magtagpo ang aming mata (actually naka-salamin siya) ay binigkas ko ang palagi kong sagot, "Sige po!," Hindi ko pers taym magpagupit pero maraming pers taym ang experience ko kahapon. Sa kauna-unahang pagkakataon ay imbis na ako ang dumayo sa barber shop o parlor, ako iyong pinuntahan ng barbero. (sosyal lols!). Perstaym ko rin maputulan ng patilya gamit ang isang orihinal na labaha. Perstaym akong gumawa ng blog post dahil sa isang barbero. lols! Kilala si manong barbero dito sa amin bilang "the Wandering Barbero" dahil wala siyang sariling pwesto. Tulad ng karamihan, bata pa ako meron ak...