Skip to main content

Moral of the Story

Lumabas na nga pala ang bagong libro ni pareng Bob Ong. Kapitan Sino gusto na kita makilala. Sana may mag-introduce sa aming dalawa. Showing na rin ang Angels and Demons. Hindi ko pa napapanood, paano ba naman iyong mga manlilibre sa akin eh nagpapakipot pa. Iyong iba naman kelangan may kapalit, virgin pa ako kaya ayoko.







Long silence....







ayon, hindi na. So aun. May ticket na ako. Yehey!


Teka, ano ba topic ko ngayon? si Bob Ong? Angels and Demons? hindi ako ganyan kababaw. Mas may mahalaga pang dapat pag-usapan. Ilang oras ko rin binuo sa isip ko to. Ayoko rin naman ilabas ang galit ko sa kalokohan ni Hayden Kho (pre kung mapadaan ka dito, suntukan nalang kayo ni Pacquaio o kaya pakamatay ka na lang! kanta! kanta ka pa dian, mali naman lyrics lols!)

Ok, seryoso na.

Kilala niyo ba si Squidward? Iyong kontrabida sa Spongebob Squarepants? Oo, siya iyong kontrabida doon. Isa siyang octopus na sobrang sarcastic kaya sobra siyang nakakatawa. Pero sa tagalog version ah. Kasi hindi ako marunong mag-english. Hindi ko naman siya dating pinapansin dahil akala ko pambata lang talaga ang spongebob. Pero simula ng mapanood ko ang Tagalized version nito sa Nick sa TV5 eh naaliw naman ako dahil sa sobrang nakakatawa ang kanyang mga komentaryo at ang kanyang ugali at personality. Siya lang ang kontrabidang katutuwaan mo.




Naruto-kun,

Wala pa atang one week ng magsimula akong mag-plurk at doon nakita ko na marami rin palang blogger na mahilig kay Naruto maliban sa akin at kay SUPER G. Nandian si Dhianz-chan at Jenski-Chan, pati na rin si Dylan. Uhm...ano ba meron kay naruto-kun at gustong-gusto siya ni Hinata at ng mga blogger babes nato? Dahil ba sa Kage-bunshin ito? O sa Kyuubi? Eh bading naman iyon na habol ng habol kay Sasuke. (Uy...joke lang iyon ah baka batuhin niyo na lang ako ng kunai diyan.) Actually, fanatic din ako ng Naruto pero ang peyborit ko talaga si Shikamaru. Kahit sabihin pa natin magaganda ang mga kowts ni Naruto eh wala pa ring tatalo sa "How Troublesome".





STRAWHAT CREW-ONE PIECE!!!

Kung trip niyo ang Naruto at ang Anime's, sigurado magugustuhan niyo ito. Ito ang da' best anime kung kowts, humor at labanan din lang ang pag-uusapan. One day gagawa ako ng post para kumbinsihin kayo manood at subaybayan ang one piece dahil hindi buo ang buhay mo kapag hindi mo napanood ito. Dahil sa anime nato, gusto ko na matuto ng salitang Hapon dahil hindi ako makapaghintay ng ilang oras bago nila ma-sub ang programang ito. Kung maalala niyo ay minsan ko na rin silang na-i-feature ng mag-Brownout Pictorial ako. Ang post kung saan gumamit ako ng China Phone para kuhaan ang anime' action figures na gawa ng Hapon at ibinibenta dito sa Pilipinas diyan sa Comic Alley.




So ano ba ang punto ko sa post na ito at ano ang nais kong iparating? Sa kalagitnaan ng aking depression dahil sa marami at iba't-ibang dahilan. Aking napatunayan na isa sa pinakamagandang paraan para muli kang makatayo ay ang pag-pick up ng mga new hobbies o bagong pagkaka-abalahan. Nakakagulat na ang dating mga bagay na hindi ko pinapansin at hindi kinahihiligan ay matutunan mo rin palang mahalin at ma-appreciate. Kelangan lang i-approach mo ang anumang bagay ng may open mind at walang pre-judice, totoo ito sa kahit anong bagay kasing simple man ng isang palabas o kasing komplikado ng isang relasyon.


Isa pa, ang anime's o cartoons ay isang magandang paraan para makalimot sa isang pag-ibig dahil hindi tulad ng sa mga pelikula, kadalasan dito walang love-team at hindi ka mainggit.

Light post muna. Masyado na ako mainit eh.

Comments

  1. old time favorite ko tong si spongebob pero aliw na aliw ako kapag si squidward ang kasama niya. parang isang tanga at isang mas tanga na nagpapagalingan haha, para lang yung kasama natin sa opis kung minsan hehehe...

    isa pang kinahiligan kong cartoons ay yung god save our king, sa animax kaya lang natapos na kasi season nila e, ewan ko lang kelan next season.

    minsan kapag depressed ako, may iniisip, o naguguluhan, time out muna nood nang cartoons and somehow parang nakaktulong, nakakatawa ka, and nakakarelax sa isip...

    ReplyDelete
  2. Rhodey, ako naman baliktad. Dati badtrip ako diyan lalo na iyong english version. Wala akong hilig sa pambata na palabas eh...(syempre hindi na ako bata--medyo na lang) pero nakakatuwa naman talaga yan si squidward eh kaya pwede na. para nga akong loko kapag natatawa diyan.. Same goes with naruto and one piece, wala akong paki-diyan kasi noong ipalabas ang anime's na yan dito sa pinas eh nasa states ako noon. Mahilig naman ako dati sa anime, ghostfighter, hunter x hunter, ippo, lupin III, pati slumdunk...noong musmos pa ako, zenki, sarah ang munting prinsesa, remi, at kung ano ano pa. hehehe

    ReplyDelete
  3. mas matutuwa ka pag napanood mo yung arabic na spongebob..kakaiba kase yung tawa dun ni spongebob--parang laging may hika..merong ksmang sabit sa lalamunan, hehehe...

    naging paborito ko naman one piece dahil sa term ni lufee na "goma-goma"..natatawa ko dun!(ambabaw)...

    mahilig siguro ko sa mga kasabihan kaya napalapit sa puso ko si naruto-kun..
    eh tapos nagkakilala pa kami ni dhianski-chan..ayun na! nagkasabwatan na kami sa plurk!hehehe....

    gusto ko din mapanood yung angels and demons..
    kya lang mahigpit ang sked ko ngayon..
    haii...
    all work and no play ika nga nila..
    hehehe...

    ReplyDelete
  4. Jenski-chan! hehehe ganoon? nakakainis nga ang tawa ni spongebob, buti na lang talaga napapawi ni squidward ang lahat...

    uhm..uber ganda na ng one piece ngayon ep 401 na nga eh..lupit na ng storyline at syempre madami na sa crew kaya mas funny,

    Naruto kun naman, maganda nga mga kowts tska maganda iyong fight sequence kasi ninja pero nababagalan ako sa phasing, pero ok pa din! hehehe

    Iyong angels? eto pinapanood ko online..lols
    darating din yang rest day!

    ReplyDelete
  5. naku wala ata akong pinapanuod sa mga nasabi mo pre,dahil ang pinapanuod ko ay yung mga geographic channel,mga tungkol sa bible,yun kasi ang mga hilig ko eh.

    gawa-gawa ko lang yun,lols

    ReplyDelete
  6. teka teka teka... na-excite akoh sa post... usapang naruto... abah special mansyon pa palah akoh ahh... =)

    ReplyDelete
  7. teka nga... pakoment muna kay squidward... well napanood koh 'ung english version.. naks.. actually mahilig akoh manood nang english na may subtitle... naaliw akoh don... ayos... nakikinood kc akoh non sa pamangkin koh... kakatuwa ren yang palabas na yan... ang kukuletz...

    eniweiz...

    more excited about naruto... yeah obvious bah adik akoh!.. lolz...

    teka actually i'm watchin' d' japanese version w/ english subtitle... mas aliw akoh don... i like shikamaru too... actually minsan ang sinusulat nilang linya eh "what a drug" or kaya naman "what a pain".. alam koh kc adik akoh... wehe... kakatuwa sya... ang galing galing... so smart.. kaso nga minsan tamad... tinatamad syah... wehe...

    teka... hey... oo magrereact akoh... nde bading si naruto-kun... hehe... hinahanabol nyah si sasuke dahil itoh ang isa sa unang naka-bond nya nung maliit syah... he wanna save d' friendship.. at gusto nya ngang makabalik itoh sa konoha.. kaso mukhang nde na mangyayari... kaya naman... gagawin nyah eh basta nde magamit ni ... tsk nag-freeze utak koh ahh... oorochimaru palah... tsk!... 'ung katawan ni sasuke... kinuwento daw eh noh... alam moh naman kaya ang story... wala lagn... adik lang akoh...

    well for sure nga mas maraming mas magandang palabas den than naruto...pero ngaun naruto adik akoh... ahh yan palah 'ung mga hitsura nang akatsuki... yeah nine na nga lagn silah...

    sige laterz... sori ha napakoment masyado... usapang naruto eh... wehe... teka mamaya manood uletz ako... laterz. Godbles! -di

    ReplyDelete
  8. at tsaka loves koh si naruto kc mula bata pa sya eh naabutan ko na sya... oh devah... yeah napanood koh noon ang umpisah nang naruto... hanggang lumaki sya although may mga episodes na namiss nung sa gitna... pero naabutan koh at nabantayan ang paglaki nyah... lolz... at tsaka sya kapag may goal sya nag-sstick syah... at talang pinapanindigan nyah... tulad na lang na mula bata sya na gusto nyang maging hokage... i know he will laterz... at nakaka-make a difference sya sa ibah... lahat nagbabago ang perspective kapag nameemet nilah si naruto... ang tsaka ang kuletz nya at ang funny... kakatuwa... at mahilig sa ramen... pareho kme... naks... adik tlgah noh... oo si ms. pretty dylan eh maka-naruto kaya nagkakasundo kme... si jenskee bah?... akoh kc nagsabi sa kanyah na sya si jenskee-chan eh... =) so 'unz... humirit pa tlgah akoh eh noh... sensya nah...adik lang... hihiritan koh pa sana every character sa naruto eh...pero laterz nah... nga palah akoh si hinata...lolz...laterz. Godbles!

    ReplyDelete
  9. oh yeah si super G-kun den =) ang kuletz koh... alis na nga... lolz.

    ReplyDelete
  10. ahhh nabasa koh koment ni jenskee-chan sau... ahh she likes ren palah ang naruto... yahoo... at kakulitanz koh kc sa plurkville yan eh... aalis na tlgah akoh d2... wehe..laterz...

    Godbless!

    dhianzkee-chan =)

    ReplyDelete
  11. paborito ang spongebob, pero hindi dahil kay spongebob at hindi rin dahil kay squidward...kundi dahil kay Patrick! walang kokontra, hehehe

    pag naruto ang usapan o anime, sina ex ang naaalala ko kaya hindi na ako nanonood ng mga nasabing programa...

    pero sa puntong "para maka-ahon ka sa depression e mainam na magpick up ng new hobby o pagkakaabalahan" sang-ayon ako diyan. Dahil sa depresyon ay nag-aral akong maggitara...(nakalimutan ko na ulet) natuto akong magbadminton (nakasali pa ko ng tournament)...

    napanood ko na ang angels & demons (ayoko munang mgwento,panoorin mo muna)

    ReplyDelete
  12. Hari ng Sablay, walang halong biro adiktus din ako sa National Geo, Discovery at History Channel. Geeky type...hahaha basta anything thought provoking

    ReplyDelete
  13. Dhianz, 2 am ng umaga ka na nag-comment at nagawa mo pang magkwento ah? hehehe hindi ka rin talaga adiktus. Sige, magkwento din ako.

    Unang encounter ko sa Naruto ay sa dos, sakto kasing isang buong linggo akong nakakauwi ng hapon eksakto sa palabas na Naruto. Natandaan ko iyong episode kung saan nagkwento si Gaara tuwing kanyang existence, kung saan pinag-uusapan nila iyong dalawang uri ng sugat, iyong nakikita at hindi nakikita..tagalized siya kaya sobrang lalim ng kowts.. pero ang ikinatuwa ko ng husto eh iyong kay shikamaru...

    Matapos ang chuunin exam, diba hinabol nila sila gaara sa forest at may eksena doon nagpaiwan siya para salubungin iyong mga humahabol sa kanilang sound ninja? Akala niya noon mamamatay na siya kaya naikwento niya iyong mga pangarap nya at buhay niyang naiplano na. sabi niya gusto niya lang naman daw mag asawa ng at mag-kaanak ng isang lalaki at babae, tapos gusto nya unang mamatay kesa sa asawa niya para hindi na niya problemahin yong mga anak niya..basta mga ganun..hehehe

    ReplyDelete
  14. Dhianz, nasubaybayan ko lang din ang naruto mula unang episode through DVD's tapos iyong nauubos na ang episodes doon pumunta na ako sa internet, doon sa site ni SUPER G...lols, naaliw din ako sa pagbabasa ng subtitle...

    uhm...nasaan knb? updated ka ba sa kwento? hehehe atska iyong picture diyan sa baba, damit nga yan ng akatsuki pero hindi yan ang akatsuki, ONE PIECE CREW po sila, ganyan ang mga fans, pinaghahalo nila ngayon ang tatlong pinaka-sikat na anime na inaabangan every week, ONE PIECE, NARUTO at ang BLEACH. nagkataon pinagtripan nila ipasuot ng akatsuki costume ang mga piratang yan lols...

    at...ang dalawang peyborit kong character ay si SHIKAMARU at Hinata..ang kyut kasi..nyahahaha

    Totoong si Naruto ay may kapangyarihan mabago ang mga tao sa paligid niya, lalo na doon sa simula ng shippuden noong iniligtas nila si gaara. Ilang beses akong kinilabutan ng ihabilin sa kanila ni Kazekage Gaara ang future ng mundo ng Ninja. hehehe

    at syempre, the best thing about it ay kapag bumibyahe sila. nakakatuwa kasi patalon-talon sila ng mga puno...lols!

    ReplyDelete
  15. Deth, PAAATRIICK? hahaha bakit? gusto mo tumira sa ilalim ng bato? ahahaha kung sabagay, medyo nakakaaliw ang katangahan niya.

    Wag mo naman idamay ang anime's sa bitterness mo sa mga ex mo..nyaahaha try mo rin, maganda yan. bata ka pa naman diba? (aktwali, ang anime kahit anong age mo pwede mo ma-appreciate)

    wow naman tournaments! nanalo ba? hehehe, nagmamarunong din ako magitara. senti boy kasi ako..lols

    ReplyDelete
  16. hehe... pasensya na ha... naeexcite kc akoh pag usapang naruto... muntik na maibuga 'ung kape koh... umiinom kc akoh nang coffee ngaun... adik tlgah akoh ngaun sa narutoh... hayz... ahh... natawa akoh kc sabi moh patalon talon silah sa puno... hahaha... oo nga... nde na lang silah mag-jeep or mag-tricycle noh... or mag-airplane... tsk!... or kaya kahit jet lang... lolz... nandon pa lang akoh sa episode almost 70 nang shipuden... i have about 30 more pa maka-catch up... i'm havin' fun naman... i'm watchin' it w/ my niece... haha.. natuwa naman akoh at nagkuwento kah pah.... ahhh... bagong palabas palah 'ung na nakadamit akatsuki lang... pero wala akong balak panoorin... stick w/ naruto muna akoh... hanggang sa muli... Godbless! -di

    ReplyDelete
  17. tournament pero sa beginners level lang...inter-company yun, five teams kame natalo namin yung tatlo- yung pang-apat natalo kame (yung pang-apat e ofism8 namin) ok na rin, sa company pa rin namin napunta yung gold for beginners.

    ReplyDelete
  18. Dhianz, syempre kapag anime's ang pinag-uusapan kwento to the highest level..hahaha, uu...kapag natapos mo na iyong naruto (i mean, kapag nakapag-catch up kna, in between the waiting for the next episode) start with ONE PIECE. SOBRANG GANDA rin iyon at hindi mo siya ma-compare sa naruto kasi ibang storyline kaya walang competition, unlike doon sa bleach.

    malapit mo na pala abutan iyong highlights ni Shikamaru. iyong laban niya againsts AKATSUKI.

    ocge, hindi na kita istorbohin diyan.

    ReplyDelete
  19. Deth, ah...ok pa rin kasi 3-1 one ang inyong standing. siguro ganoon mo siya na-enjoy para sumali ka ng tournaments..hehehe galing!

    ReplyDelete
  20. Naku walang katapusan ang One Piece... Di ko alam kung nasang episode na ko sa Shippuden.. pero crush ko talaga si Shikamaru!.. Wahahaha.. Na-adpot ko nga yung "What a drag" nya eh.. yun kasi dubbed sa English.. lolz

    Ang galing ng tactics and strategies nya.. Ahaha.. Kakatuwa.. Nakuha na nya attention ko since Naruto pa lang.. lalo na yung Final Exam..hehe

    ReplyDelete
  21. Dylan,

    SANA nga hindi na matapos yang ONE PIECE. hehehe maganda yan,promise. hehehe depende siguro sa nag-sub iyong "what a drag", sa pinapanood ko kasi laging "How troublesome" at syempre kayo ko gusto si shikamaru dahil sobrang astig nga mga plano niya. ang galing mag-isip...hehehe

    ReplyDelete
  22. Hai marlon! why dont you put some reviews about chibimarukochan? It's also nice movie though..

    ReplyDelete
  23. ai..nag-aabang na din ako sa Kapitan Sino..hindi pa niya ibinibigay sakin ung book...gggrrr..

    uu nga noh..buti nlang may tagalize na na spongebob..aheks

    ReplyDelete
  24. waaah.. ala aqng mahanap na kapitan sino, tagal q ng nag hahanap si lolo bo nman oh! :))

    peyborit q din ung naruto at one piece! da best! :)) kelan pa nasali sila luffy sa naruto? hahaha.. bagay bagay! wahahaha..

    sarap manuod ng mga anime! :))

    ReplyDelete
  25. Chrysanti! hi! good to see you here again. Too bad that post is in FIlipino...I'm sorry i'm not familiar with chibimarukochan, i wonder if it has subs, i'll check it out...

    Vanvan, out na tong kapitan sino eh? hindi pa nga lang ako nakakapunta sa bookstore

    Kox, Ganyan talaga si bob ong eh, pasuspense, sold out ata on the pers day...lols! kagagawan yan ng mga fans, natawa nga ako una ko makita yang crew sa akatsuki uniform.

    ReplyDelete
  26. makikisabat.. yeah i like shikamaru den naman.... tamad na smart.... yeah tama si ms. dylan pretti-chan... minsa ang dubbed sa english eh "what a drag..." nakakaaliw nga sya sa linya nyang iyon... minsan nga pati pagpatay nagn alarm clock nyah tinatamad sya eh... so funny... pero syempre between him and naruto akoh... pero shikamaru is one of my fave for sure... Godbless! -di

    ReplyDelete
  27. Mahilig ako sa cartoons pero kailangan ko pa silang makilala. Ang c-cute nila.

    Buti light post ka muna..kala ko nga lalagnatin ka na sa init..(joke)

    ReplyDelete
  28. sa tagalised version ng spongebob, napag-alaman na ba talaga kung sino kina spongebob, patrick at squidword...ang totoong bading?

    ReplyDelete
  29. Mulong
    - Palagay ko si Squidward.. ;)

    ReplyDelete
  30. Marlon! he gave me a tagalog song! gyahahahaha.. do you mind to check the translation of the lyrics?

    btw, i added you on my blogroll!

    Have a nice weekend marlon! :)

    ReplyDelete
  31. si sailor moon lang kilala ko e.haha

    tama ka pag gusto mo makalimot magandang pag tuunan ng pansin ang panonood ng cartoons! kadalasan dito pa tayo makakapulot ng kailangan nting advice kesa ang manood ng soap opera. nakaka aliw pa. :)

    ReplyDelete
  32. wala akong masabi... hindi ko kapanahunan ang naruto... ang alam ko yan yung pinabili saken dati ng anak ko para bala niya sa DS... hehehe.

    ReplyDelete
  33. akala ko squid si squidward.. octopus ba talaga xa??
    peborit ko talaga ang spongebob show, mas gusto ko kasi ang mga palabas na madaling iabsorb ang istorya, tipong mababaw pero nakakaaliw. un ang mas worth subaybayan, hahaha! ^____^

    PS. kuya adik na sa mysoju ang kapatid ko wahekhek

    ReplyDelete
  34. bro adik din ako ke naruto, nasimulan ko kasi adventure niya kaya hanggang ngayon eh follower na aq. ok kasi astig... nararamdaman ko kasi me chakra din akong makapagpapalabas ng power ko, astig,hehe

    slamat nga pala sa pagbisita sa aking blog

    ReplyDelete

Post a Comment

WhAt Do YOu Say?

Popular posts from this blog

MIDNIGHT DJ-What are you most afraid of?

Ano ang una mong naiisip kapag umuulan kahit mataas ang sikat ng araw? Nagpapasintabi ka ba mga engkanto tuwing mapupunta ka sa kagubatan? Ano ang agad pumapasok sa iyong isipan kapag nabanggit ang Balete Drive? Kilala mo rin ba ang anak ni Janice? One of the many interesting things about the Philippine Culture is the fact that the wide majority of the population believes in the supernatural be it local myths, scary creatures,ghost stories or even things as basic as the "pamahiins". Some may even argue that this is a bit odd considering that we are a predominantly catholic nation where creatures like that don't exists in our Bible, but on a deeper thought, is that really a contradiction? I notice that much of the urban legends I grew up with actually is connected to our faith in one way or the other. One good example is the story about the "Tiyanaks", you know...usually unborn and victims of abortion, these babies turns into monster to seek revenge and kill peo

I STUMBLED UPON

Halos alas-tres na ng umagA ng makita ko ito habang naglilikot sa internet. Pinaglalaruan ko kasi iyong stumble upon at sa pamamasyal, maliban sa mga photoshop related things. Eto nakita, ultimate wala lang ang mga ito pero some of it are really interesting. Here you go. A rat can last longer without water than a camel. Your stomach has to produce a new layer of mucus every two weeks or it will digest itself. The dot over the letter "i" is called a tittle. A raisin dropped in a glass of fresh champagne will bounce up and down continuously from the bottom of the glass to the top. A female ferret will die if it goes into heat and cannot find a mate. I know some people like that! A duck's quack doesn't echo. No one knows why. A 2 X 4 is really 1-1/2 by 3-1/2. During the chariot scene in "Ben Hur," a small red car can be seen in the distance. On average, 12 newborns will be given to the wrong parents daily! That explains it! Donald Duck comics were banned from F

Kwentong Barbero

Nakarinig ka na ba ng kwentong barbero? Kahapon matapos ang humigit kumulang apat na buwan, muli na naman naitanong sa akin ng isang barbero ang tila ba script na paulit-ulit natatanong sa akin tuwing ako ay nagpapagupit; Mamang Barbero: “Putulin ba natin iyong patilya mo?” Dahan-dahan akong lumingon sa aking likuran tila ba isang eksena sa isang ma-dramang pelikula at sa oras na magtagpo ang aming mata (actually naka-salamin siya) ay binigkas ko ang palagi kong sagot, "Sige po!," Hindi ko pers taym magpagupit pero maraming pers taym ang experience ko kahapon. Sa kauna-unahang pagkakataon ay imbis na ako ang dumayo sa barber shop o parlor, ako iyong pinuntahan ng barbero. (sosyal lols!). Perstaym ko rin maputulan ng patilya gamit ang isang orihinal na labaha. Perstaym akong gumawa ng blog post dahil sa isang barbero. lols! Kilala si manong barbero dito sa amin bilang "the Wandering Barbero" dahil wala siyang sariling pwesto. Tulad ng karamihan, bata pa ako meron ak