Skip to main content

COMMERCIAL

Medyo naging busy ang ka-kyutan ko these past few days kaya naman hindi ako nakakabisita ng ibang blog masyado at hindi rin ako mismo nakakagawa ng post pero in-between takes sa taping (Taping=transfer of work location, NBI Renewal at RDO change and soon medical exam.) ko ay paminsan-minsan ko rin nasisingit ang pagbisita ko sa sarili kong blog upang basahina ng mensahe ng mga dumadalaw. Nais kong pasalamatan si RHODEY at TONIO para sa AWARDS at kay JASONIZERS na nagbigay ng kakaibang ngiti sa aking mga labi.

Una, Rhodey... maraming salamat sa iyong MY FAVORITE BLOG AWARD. Simple lang naman ang rules/criteria para sa Award na ito.





1. dapat lagi mong binibisita ang kanyang pahina,
2. inform mong meron siyang tag/award sa pahina mo,
3. acknowledge mo kung sinong nagbigay sa iyo.
4. pwede mong ibigay sa kung ilang blog na mahal mo, malapit sa puso mo, o kaya ay paborito mo.
5. Lagyan mo na rin nang link.


Kay Pareng Tonio, para sa kanyang "Blog na may Award" Award. Salamat sa iyong award na ito at natutuwa naman akong nasama sa mga blogger na iyong binigyan nito. (Sino ba talaga kamukha ko?)


Pero bukod sa mga nasabing awards, meron pang isang bagay ang naging dahilan ng isang magandang ngiti sa aking mukhang. Tipong inis/tuwa/tawang ngiti pero sa huli, wala na akong ibang masabi maliban sa salamat. Alam naman ng karamihan na maliban sa ka-kyutan ko, isa sa mga dahilan bakit ako nabibista ng mga blogero ay dahil sa cute bloggers Id tulad nitong larawan na may titulong Exhibit A.


EXHIBIT A
cutebloggeridop0.th.jpg


Kapag pinindot mo ang imahe, eh dadalhin ka nito sa iba pang cute bloggers ID na aking katha tulad ng kapareho nitong larawan sa aking sidebar. Maliban doon, makikita mo rin ang ibang cute ID's sa kapag pinindot mo ang "Meet the blogger" link sa aking header. Nakakatuwa at patuloy pa rin ang pag-request ng mga tao dito at higit pang dumarami ang bloggers na meron nito sa kanilang pahina. Hindi naman kasi ito mahirap makuha, utuin mo lang ako ng unti meron ka na nian kaya naman nagulat ako ng makita ko itong larawan na tatawagin nating EXHIBIT B.

EXHIBIT B


Kitang-kita ang pinagkaiba ng EXHIBIT A sa EXHIBIT B. Una sa lahat, mapapansin mong di-hamak na mas matingkad at buhay ang kulay ng EXHIBIT A sa EXHIBIT B. Ikalawa, kapansin-pansin rin ang linis ng pagkakagawa ng original ID sa pirated version nito. Makikita rin na tulad ng isang piratang DVD, mali ang format ng nasabing EXHIBIT B sa EXHIBIT A. Kumbaga, sa pabalat ng DVD ang bida ay si John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, ngunit pag-uwi sa bahay ang toto palang laman nito ay ang PIDO DIDA ni Rene Requiestas at Kris Aquino. Higit sa lahat, wala naman ang maaring magkaila na di-hamak na mas cute ang lalaki sa EXHIBIT A sa EXHIBIT B. (Ay, eto foul na. lols!)

Agad ko naman kinausap si Jasonizers ukol sa nasabing usapin at naniniwala naman akong hindi niya lang talaga alam na pwede pa lang mag-request sa ID at ako ang tamang tao para dito. Matapos ang dalawang minuto at kalahati na pagkainis ko ng makita ko ang Pirated version ng ID ay agad ko rin naman na-realize na dapat pa nga akong matuwa dahil isa lang itong patunay na maraming na-kyutan sa aking munting katha para sa lahat ng blogerong magnanais nito.


Para sa kumpletong process paano kumuha ng original at certified cute blogger ID. I-click lang ang ID ko sa sidebar at ang header para makakuha ng ID. Ang ID ay tinatanggap sa lahat ng establishments sa buong universe kaya...APPLY NA!

Comments

  1. lon!! panalo ka talaga! iba ang kyut na nasa sistema mo! lolzz

    uu nga naman... ginawa niya yun w/o even asking sa mga kakilala niya if may gumagawa talaga ng ID o wala.

    nweiz, yaan mo na yun! nag sorry na din naman siya. at congrats talaga!

    kase...

    super duper uber ka sa pagka kyut! lol

    ReplyDelete
  2. Hehehe :D Hanggang dito pala may pirated...nasan ba si Bong Revilla? ngek!!!sya pa ba dapat ang hanapin? lolzz

    ReplyDelete
  3. Jee...panalo ako? anong premyo? hehehe oo naman, alam mo naman istorya niyan diba? hehehe Salamat! salamat!

    ReplyDelete
  4. Lord CM, ako nga rin nagulat eh..hehehe tska tsong si EDU na dapat mong hanapin.hehehe halatang nasa ibang planet ka.

    ReplyDelete
  5. sikat na sikat ka na marlon...lolz!

    di mapigil ang kasikatan ah!

    ReplyDelete
  6. AZEL--ganun ba iyon? baka iyong ID ang sikat? pero sige na nga..lols

    ReplyDelete
  7. Maganda kasi ang ID Marlon :) Hindi pako naligaw sa blog niya, di ko kilala. Siguro wala siyang masamang intensyon baka nakyutan lang masyado sa ID. Maiinis ka nga kung makikita mong ginaya at walang pahintulot lalo't design mo yun at nagpundar ka ng panahon para sa aming mga cutie kyut kyut. Hihihi.

    ReplyDelete
  8. pre ako ba kelan mo gagawa ng makamandag mong id na yan..na pedeng ilagay sa sidebar ko..hehehe

    ReplyDelete
  9. pati pala id ngayon may pirated version na? wowowi.... iba na talaga ang sikat, meron nang kapikat... hahaha

    ReplyDelete
  10. Di ko akalain, ganun na kalupit ang piracy sa blogsphere HAHAHAHA, dapat siguro palagyan na rin natin ng hologram image ang ating ID... hahahaha, tulad ng nakadikit sa mga original DVDs na nabibili. Dapat ipaalam ito kay Cairman Edu, hahahaha, kaya lang di nya tayo mapapansin ngaun kasi abala sya sa kumakalat na sex video scandal.

    ReplyDelete
  11. panalo...

    piracy is a sign of cuteness!

    ReplyDelete
  12. lufet! pati ID mo napirata...ibang level ka na marlon...ahahahhaa

    mas cute ka na saken ng wanport...hehe

    ReplyDelete
  13. Bingkay, yeah i know, wala naman talaga siyang intensyong masama. Talagang uber cute lang ang ID kaya gusto niya din..hahaha, anyone should know how frustrating it is to just have your work stolen...but no harm is done. good thing naligaw talaga siya dito atleast my chance pa na maayos ID niya.

    Crisiboy, pre nagpadala ka na rin ba ng request? paki-check si blogroll para sa mga info na kelangan...

    Rhodey, feeling ko nga ang sikat iyong ID hindi ako..lols hahaha salamat pala sa award bro!

    Pope, pinag-uusapan na nga namin ni pilar ng (ilovepipi.com) iyong posibilidad ng pag-patent sa id..lols at uu dapat may sikat na involved para mapansin lols

    Mulong, cuteness talaga iyon..heheh

    Deth, wow! yehey! lamang na pala ako ng wanport.lols hehehe hindi no mas kyut kpa kaya sa akin ng apat na port..(adik)

    ReplyDelete
  14. hahaha, walang anuman parekoy? karapatdapat ka sa award... keep safe, happy blogging!

    ReplyDelete
  15. wow! daming awards...

    iba ka kasi talaga kaya ka tuloy pinapirate..aheks..

    peace to jason..

    buti nlang hindi ako marunong ng photoshop at nakapalan ko tlaga mukha ko nung pinagawa ko ung id ko..

    buti talaga..

    aheks

    ReplyDelete
  16. hahaha.. namimirata pla! :)) wahaha.. ayos, patunay na sikat ka ng talaga! wahahaha.. salamat uli sa pag gawa ng id ko mr.p :))

    ReplyDelete
  17. Regarding ur ID, ibig lang sabihin nian eh marami nang nakyukyutan sa iyo, hehe.. Congrats bro!

    ReplyDelete
  18. lolz!! hOy sphinxs ..,mAg AaplAy na aQ..
    Natawa Aq sA post mo Bro!!Nainis Ka Pla
    Skin???..,NgSorRy nmn Aq dbA??Hehehe.,

    ReplyDelete
  19. ang cute mo talaga marlon!
    good job!
    di kana mareach! ^_^ hmmmm....

    ReplyDelete
  20. kawawa naman c bayaw, xa lang ba ang pumirata sa cute id mo? heheh!

    ReplyDelete

Post a Comment

WhAt Do YOu Say?

Popular posts from this blog

MIDNIGHT DJ-What are you most afraid of?

Ano ang una mong naiisip kapag umuulan kahit mataas ang sikat ng araw? Nagpapasintabi ka ba mga engkanto tuwing mapupunta ka sa kagubatan? Ano ang agad pumapasok sa iyong isipan kapag nabanggit ang Balete Drive? Kilala mo rin ba ang anak ni Janice? One of the many interesting things about the Philippine Culture is the fact that the wide majority of the population believes in the supernatural be it local myths, scary creatures,ghost stories or even things as basic as the "pamahiins". Some may even argue that this is a bit odd considering that we are a predominantly catholic nation where creatures like that don't exists in our Bible, but on a deeper thought, is that really a contradiction? I notice that much of the urban legends I grew up with actually is connected to our faith in one way or the other. One good example is the story about the "Tiyanaks", you know...usually unborn and victims of abortion, these babies turns into monster to seek revenge and kill peo

I STUMBLED UPON

Halos alas-tres na ng umagA ng makita ko ito habang naglilikot sa internet. Pinaglalaruan ko kasi iyong stumble upon at sa pamamasyal, maliban sa mga photoshop related things. Eto nakita, ultimate wala lang ang mga ito pero some of it are really interesting. Here you go. A rat can last longer without water than a camel. Your stomach has to produce a new layer of mucus every two weeks or it will digest itself. The dot over the letter "i" is called a tittle. A raisin dropped in a glass of fresh champagne will bounce up and down continuously from the bottom of the glass to the top. A female ferret will die if it goes into heat and cannot find a mate. I know some people like that! A duck's quack doesn't echo. No one knows why. A 2 X 4 is really 1-1/2 by 3-1/2. During the chariot scene in "Ben Hur," a small red car can be seen in the distance. On average, 12 newborns will be given to the wrong parents daily! That explains it! Donald Duck comics were banned from F

Kwentong Barbero

Nakarinig ka na ba ng kwentong barbero? Kahapon matapos ang humigit kumulang apat na buwan, muli na naman naitanong sa akin ng isang barbero ang tila ba script na paulit-ulit natatanong sa akin tuwing ako ay nagpapagupit; Mamang Barbero: “Putulin ba natin iyong patilya mo?” Dahan-dahan akong lumingon sa aking likuran tila ba isang eksena sa isang ma-dramang pelikula at sa oras na magtagpo ang aming mata (actually naka-salamin siya) ay binigkas ko ang palagi kong sagot, "Sige po!," Hindi ko pers taym magpagupit pero maraming pers taym ang experience ko kahapon. Sa kauna-unahang pagkakataon ay imbis na ako ang dumayo sa barber shop o parlor, ako iyong pinuntahan ng barbero. (sosyal lols!). Perstaym ko rin maputulan ng patilya gamit ang isang orihinal na labaha. Perstaym akong gumawa ng blog post dahil sa isang barbero. lols! Kilala si manong barbero dito sa amin bilang "the Wandering Barbero" dahil wala siyang sariling pwesto. Tulad ng karamihan, bata pa ako meron ak