Skip to main content

Heto na naman...

Kung hindi mo pa rin nararamdaman mag-eeleksyon na sa kabila ng napakarami ng "advocacy ads sa Tv", mga naglalakihang billboards ng mga naka-pwesto sa gobyerno na biglang nagkaroon ng "Kuya" at "Tito" sa kanilang pangalan, mga mukhang nagpupumilit sumingit sa likod ng pambansang kamao tuwing lalabas ito sa TV, ang biglang naghihimutok na reaksyon ng mga politiko sa Scandal ni Hayden, sa mga mababaw at halatang pasikat na pahayag lang laban kay Chip Tsao sa kainitan ng isyu at syempre ang pinakabago--ang isyu ni Aleck Baldwin at ang Mail order Brides eh malamang tanga ka na.


Sang ayon naman akong wala sa matinong pag-iisip o ugali ito si Hayden Kho, hindi ko rin naman kinakampihan si Chip Tsao, natuwa rin naman ako ng manalo si Pacquiao pero tama ba na laging makisakay ang mga pulitiko sa lahat ng isyung in? Kulang na lang ligawan nila si Dionisia para nasa headlines na sila kinabukasan.

Kanina lang napanood ko sa balita ang mga senador na naghuhumutik sa galit dahil daw sa masamang biro ni Aleck Baldwin dito...




Let's disregard the fact that I personally don't find this offensive, watching the whole thing and understanding the supposed "joke" in context of the actual interview--this is not offensive for me. However, I also feel for those people who find it offensive for the reason that this may really bring negative connotation about Filipina women in general. Also, let's disregard the fact that there weren't no statement that implied he was generalizing or the fact that Filipina Mail-Order Bride is an actual thriving industry in the country--of course they don't call it like that nowadays because there are already laws against it but it still thrives through your everyday Adult Dating sites and even through Facebook, Friendster, Multiply, MySpace or what have you. I would be supporting any call for him to apologize for the whole sake of it and also for the seemingly easily aggravated politicians who coincindentally will run in 2010.

Also, I would just like to reiterate the points I've previously raised on this Chip Tsao Article... that as much as we'd like to deny it, the reason we easily get offended is because THE TRUTH HURTS. Of course, we're not all servants, not all medical professionals are not competitive, not all graduates simply purchased their diploma from Recto and not all Filipina can be ordered through mail but there are basis to these insulting statements against us. Instead of sulking about it or simply asking an apology, why can't we all do something to prove we are all better than that. Why can't the politicians do their job instead of abusing their privilege speech to gain publicity.

Huwag rin sana tayo magmalinis, dahil kung laitan lang din ang laban hindi rin naman tayo nahuhuli diyan. Kung pagtawanan nga ng marami ang "National Pride na si Pacquiao" eh ganun-ganun na lang (Yah know). Ilang ulit na rin ako naka-ikot sa ibang blog at kung laitin natin ang mga arabo sa kanilang amoy, ang mga intsik sa kanilang produkto, ang mga mexican dahil sa swine flu eh ganun-ganun na lang. Of course, hindi natin sila nilalahat pero diba parang ganito rin ito?

Bakit nga ba hindi maubos-ubos ang ganitong isyu? Mula sa hate later umano ni Art Bell, ang pahayag ni Chip Tsao, ang patama sa medical practitioners sa Desparate Housewives at kung anu-ano pang hindi ko na mabilang at maalala. Totoong nakakagalit, nakakainis at nakaka-insulto ang mga ganito pero bahagi na yan ng buhay. Hindi man sa level ng mga bansa at isang lahi--kahit iyong kapitbahay mo lang dyan siguro may sinasabi sa iyong masama at sigurado ikaw rin minsan ganoon.

Mail Order Brides?

Personally, I think it's sad that some Filipinas couldn't think of anything better than to offer up themselves for a promise of a better life. I'm the type of person who believes that there shouldn't be any other reason why one should marry another person but love. The hopeless romantic type like me however won't stand a chance in the real world. Nakakalungkot naman isipin na minsan, lalo na sa mga mahirap na pamilya--pang karaniwan mo ng maririnig ang mga biro na "mag-asawa ka na lang ng hapon" o di kaya ay "Doon ka na sa puti--marami iyong dollars" kesa naman diyan sa Pinoy--wala kang aasahan diyan.

Comments

  1. Marl, ngayon ko lang nakita yang video. Hindi kasi ako madalas manood ng show ni David late na masyado. Tamang title, heto na naman. Mention na naman tayo. Sad na nad-degrade na naman tayo. But sana wag maging super sensitive. It's a joke but may katotohanan naman so huwag nalang tayong magalit. Dagdag wrinkles lang yan! Let's prove them our worth nalang. Gawan ng positive reaction ang mga negative issues about us...para yong mga nagtutulak satin pababa ang mapahiya.

    Halos kasi lahat ng mga politicians natin, magpapabilib agad pasikat ba! Talak ng talak. Just to gain popularity.

    ReplyDelete
  2. BIngkay, well said. I don't know but it gets tiring at some point that we always over aggressively depend ourselves when it fact sometimes, mas nagiging dahilan iyon para mapahiya lang tayo.

    ReplyDelete
  3. padaan ang newbie blogger ehehe :)
    hi kuya apir ^_^

    ReplyDelete
  4. Yellowshoelace, nyahaha..ano ba talagang screen name gagamitin mo? natakot ka sa chennn? lols!

    ReplyDelete
  5. nachorva na ata sa yellowshoelace pag ngpopost ako ng eklavu koment dito sa blog mo kuya. kakaiba talaga! dati naman e chennn ang lumalabas.. tsk, buhay nga naman.. :p

    ReplyDelete
  6. Yellowshoelace, ah ibig sabihin hindi mo talaga to sinasadya? hehehehe siguro kasi nagpasok ka ng url at iyong feeds na iyon mismo iyong nakukuha..

    pero ok lang, kahit ano, kahit puro nnn ok lang .lols

    ReplyDelete
  7. adik ka sa nnn sa pangalan ko wahaha kwela :)
    tutulog na ko, aga pa bukas (pero 'aga na rin nga pla ngaun wahaha) g'nyt :)

    ReplyDelete
  8. weeweet! balik na ulit sa cheNNN! bwahaha gnyt ulit kuya :)

    ReplyDelete
  9. pinoy nga naman...

    akala ko ba sa 2010 pa ang eleksyon?

    ReplyDelete
  10. Chennn! chennn kna ulit? lols! hehehehe Good Morning Naman ako banat ko.

    Kosa,

    eh..ayon din ang alam ko eh, kaso lahat ata ng okasyon dito eleksyon..hehehe

    ReplyDelete
  11. haru jusko n lng :))

    ReplyDelete
  12. pumikit na lang tayo... matatapos din ang lahat (sana)

    ReplyDelete
  13. Kaya kong lunukin ang KATOTOHANAN... ngunit sa paniniwalang ang katotohanan ay makatarungan, patas at walang tinatapakan...

    ReplyDelete
  14. madalas akong manood ng d.l.show pero na-miss ko 'tong episode na 'to

    sana lang kampihan ng pinoy ang kapwa pinoy -- lalo na yaong mga nasa makakapangyarihang posisiyon!

    totoong maraming mail order brides mula sa mga bansa sa asya, kabilang siyempre ang Pilipinas... pero hindi iyon sapat na dahilan upang matahin na ang naturang mga kababaihan... lalong hindi iyon sapat na dahilan upang ituring nang legal ang naturang krimen. baligtarin man ang underwear na suot ko ngayon, krimen at krimen pa ring lalabas ang human trafficking.

    ngayong hot topic ulit ang mail order brides, sana'y mas mabigyang pansin na ito ng mga kinauukulan... para naman mag-attempt na silang bigyan ito ng solusyon (how i wish!)

    ReplyDelete
  15. Kox, hapon ba iyong haru jusko? lols! hehehe oo nakita ko na fs mo. add mo ako.

    Tonio, ang pagpikit kapag natutulog lang tska kapag...uhm..basta kapag natutulog...dapat sa init ng isyu doon tayo magsalita baka may makarinig.

    Deth, gising kna pala...lols, mukhang mahirap ang definition mo ng katotohanan, kontrobersyal. at utopian? hehehe

    Violetauthoress, i agree that the existence of mail order brides doesn't mean na pwede na silang matahin at tapakan, people do these for reasons na siguro mahirap intindihin ng mga taong hindi naman nalagay sa ganoon pero what I hate is that nagbubulag-bulagan ang mga senador nato at kung nakakalungkot na ang ikinagagalit nila ay ang paniniwalang wala ng ganito dahil di-umano may batas na silang ginawa para dito.

    ReplyDelete
  16. uu kanina pa ko gising noh...
    kelangang gawing kontrobersyal ang kumento...para tunog pulitiko tatakbo kase ako sa 2020 eleksiyon dapat ngayon pa lang mangampanya na ko! ahahahaha

    ReplyDelete
  17. Deth, 2020? tao pa ba ako noon? lols! sige susuportahan kita pag-uwi mo dito. 500 php lang naman boto ko eh.

    ReplyDelete
  18. ay, 500 lang ba na-type ko. I mean 500k...lols! bakit ba, ganyan naman talaga ang presyuhan ng kinabukasan ng mga pinoy. ok na iyong 500 pang ilang araw na yan ng mga nagpapabili ng boto (kontrobersyal na naman) lols

    ReplyDelete
  19. Muntanga lang pala yung si Hayden Kho! Haha. Tsaka tama ka dun sa mga pulitiko, pasikat. Pa-expose. Por que mageeleksyon na.

    ReplyDelete
  20. Ang buhay parang sine? hehehe

    oo, mukha talagang tanga iyong mokong na iyon. hehehe

    ReplyDelete
  21. Frankly speaking, I condemned Baldwin's statement which pictures Pinay as easy commodities for sale... and he should be given a lecture that we have laws on Anti-Mail-to Order Bride Law and such practice is prohibited in the international community.

    He should be reminded that thousands of his fellow American citizens enjoys the sanctity of marriage and have high respect on their Filipina wives.

    Indeed, Mr. Baldwin does not deserve a Filipina wife

    ReplyDelete
  22. Pope, I agree the feeling. I would have said exactly the same thing I was that serious to look at that 'joke', I didn't because based exactly on what you said,thousands of Americans like him think otherwise.

    ReplyDelete

Post a Comment

WhAt Do YOu Say?

Popular posts from this blog

MIDNIGHT DJ-What are you most afraid of?

Ano ang una mong naiisip kapag umuulan kahit mataas ang sikat ng araw? Nagpapasintabi ka ba mga engkanto tuwing mapupunta ka sa kagubatan? Ano ang agad pumapasok sa iyong isipan kapag nabanggit ang Balete Drive? Kilala mo rin ba ang anak ni Janice? One of the many interesting things about the Philippine Culture is the fact that the wide majority of the population believes in the supernatural be it local myths, scary creatures,ghost stories or even things as basic as the "pamahiins". Some may even argue that this is a bit odd considering that we are a predominantly catholic nation where creatures like that don't exists in our Bible, but on a deeper thought, is that really a contradiction? I notice that much of the urban legends I grew up with actually is connected to our faith in one way or the other. One good example is the story about the "Tiyanaks", you know...usually unborn and victims of abortion, these babies turns into monster to seek revenge and kill peo...

I STUMBLED UPON

Halos alas-tres na ng umagA ng makita ko ito habang naglilikot sa internet. Pinaglalaruan ko kasi iyong stumble upon at sa pamamasyal, maliban sa mga photoshop related things. Eto nakita, ultimate wala lang ang mga ito pero some of it are really interesting. Here you go. A rat can last longer without water than a camel. Your stomach has to produce a new layer of mucus every two weeks or it will digest itself. The dot over the letter "i" is called a tittle. A raisin dropped in a glass of fresh champagne will bounce up and down continuously from the bottom of the glass to the top. A female ferret will die if it goes into heat and cannot find a mate. I know some people like that! A duck's quack doesn't echo. No one knows why. A 2 X 4 is really 1-1/2 by 3-1/2. During the chariot scene in "Ben Hur," a small red car can be seen in the distance. On average, 12 newborns will be given to the wrong parents daily! That explains it! Donald Duck comics were banned from F...

Kwentong Barbero

Nakarinig ka na ba ng kwentong barbero? Kahapon matapos ang humigit kumulang apat na buwan, muli na naman naitanong sa akin ng isang barbero ang tila ba script na paulit-ulit natatanong sa akin tuwing ako ay nagpapagupit; Mamang Barbero: “Putulin ba natin iyong patilya mo?” Dahan-dahan akong lumingon sa aking likuran tila ba isang eksena sa isang ma-dramang pelikula at sa oras na magtagpo ang aming mata (actually naka-salamin siya) ay binigkas ko ang palagi kong sagot, "Sige po!," Hindi ko pers taym magpagupit pero maraming pers taym ang experience ko kahapon. Sa kauna-unahang pagkakataon ay imbis na ako ang dumayo sa barber shop o parlor, ako iyong pinuntahan ng barbero. (sosyal lols!). Perstaym ko rin maputulan ng patilya gamit ang isang orihinal na labaha. Perstaym akong gumawa ng blog post dahil sa isang barbero. lols! Kilala si manong barbero dito sa amin bilang "the Wandering Barbero" dahil wala siyang sariling pwesto. Tulad ng karamihan, bata pa ako meron ak...