February 27, 2009

TAD-TAG Plus!

Medyo busy si Mr. Perspektib sa isang project na inaasahan kong lalabas (sana) sa unang araw ng Marso. Subalit ako ang nasorpresa habang ginagawa ko itong post na ito noong biyernes ng gabi ng biglang nawala iyong internet connection ko. Wala akong kamalay-malay PINUTULAN pala ako ng SMARTBRO ng connection. DAMN YOU SMARTBRO!...to be continued na lang ang kwento ko tungkol sa internet tutal singit lang naman to dito. Anyway, hindi ko sasabihin na may lalabas akong bagong blog--"VIDEO blog" para may surprise factor sa oras na matapos ko ang preparations.

Sa ngayon, magbabayad muna ako ng maraming utang at kasalan sa kapwa ko blogista. Marami kasi akong nakabitin na tag and with this post I am hoping that I can hit three birds with one stone. Isang dambuhalang bato para siguradong sapul lahat. lols!

Let me start with Izangel A.k.a "The Wandering Princess" tag: The Honesty Crap este Honesty Scrap Award.


Matapos kong gawin Girlfriend si Kitchie sa "MEET MY NEXT GIRLFRIEND" at buwagin ang Eraserheads sa "MEMORIES WITH THE ERASERHEADS" posts ay medyo naiilang at nakabalot pa ang mukha ko sa bayong na tulad noong sa mga MAKAPILI noong panahon ng hapon sa kahihiyan. Nag-aalangan tuloy ako tanggapin ang tag na ito ngunit dahil noong isang buwan pa ito. Sige na nga...


Image Hosted by ImageShack.us

Eto ang rules:

When accepting this auspicious award, you must write a post bragging about it, including the name of the misguided soul who thinks you deserve such acclaim, and link back to said person so everyone knows he or she is real.

Choose a minimum of 7 blogs that you find brilliant in content or design. Or improvise by including bloggers who have no idea who you are because you don’t have 7 friends. Show the 7 random victims’ names and links and leave a harassing comment informing them that they were prized with “Honest Weblog.” Well, there’s no prize, but they can keep the nifty icon. List at least ten honest things about yourself. Then, pass it on!

Simple lang pala itong tag, kelangan ko lang magmayabang. Diyan yata ako magaling pero dahil parang nakagawa na ako ng hawig dito sa "SAMPUNG-SUMPONG" kaya itataas ko pa ng level ang yabang ko. Kumbaga sa electric fan. Number 3 na ito at naka-steady pa sayo.

Naisip ko rin na bagay na rin dito ang TAG ko mula kay Aisa with these rules:

1. List the names that you are called by and name the people who calls you by these name.
2. Tag other people to do the same thing, paste the link of your entry on their guess book.

So pagsabayin ko na? Aisa and Izangel?

BABALA: Siguraduhing mag-isa ka at walang ibang tao sa paligid para kung sakali mabaliw ka sa katatawa oh di kaya'y sa inis ay wala kang ibang taong masasaktan at walang ibang makakarinig sa ingay ng mura mo. Mahirap man maarok ang sasabihin ko ay puro ito katotohan at pawang katotohan lamang. So help me God.

Legend:

Italicized words with quotation marks are names that I am called (Aisa's tag)
Sentences with numbers before the first word are things about me (Izangel's tag)
Everything else is part of the post (Obviously)



1) Bukod sa ka-kyutan ko,isa sa pinaka-unang napapansin sa akin ay ang aking height. Ako ay bente-dos anyos na ngunit ako ay 7 ft 2 inches lang (kapag nakatayo ako sa lamesa na 3 ft ang taas). Sa unang tingin, ako ay isang object of wonder, fun or jokes subalit sa masusing pagkakakilanlan, ako ay isang BIG-TIME, "Small but Terrible" ang pangalan ko sa mga taong lubos na nakakakilala sa akin. Ang pinakahuling tumawag sa akin niyan ay ang kasalukuyang ambassador ng America sa Pinas na si Kristie Kenney noong bumisita kami sa kanyang Official Residence dito sa Forbes Park Makati.

2) Sa isang call center sa Ortigas ako unang nagtrabaho. Tandang-tanda ko pa ang gulat sa mukha ng aking job-interviewer ng makita niyang ako pala ang nagmamay-ari ng resume na hawak niya. Muli niyang binasa sa harap ko ang aking mga inilagay sa resume' na tila ba may halong pagdududa. (First job ko kasi, isa pa akong undergrad kaya naman wala akong nagawa kung hindi magmayabang sa aking achievements para matanggap).

ETO ANG EKSENA:

Interviewer: So you're Marlon? 20 yrs old? No Job Experience, and you're still an Undergraduate? Are you sure you did all these because we do background checks.

Ako: Yes, I am 20 yrs old though I'm as tall as 7 or 8 yr. old, I don't have any previous job experience because 3) I am still at school taking up Bachelor of Science in International Relations Majoring in Diplomacy--which is mostly the sum of all my influences thus far, 4) I'm an AFS-YES scholar, an exchange student who at 17 was chosen to be part of the first batch of young ambassadors from all over the country to be represent the Philippines in an exchange program aimed at building bridges of understanding among nations through exchange programs on the grassroots level--us the students and the youth. It was funded and spearheaded by the U.S Dept of State and Congress. I stayed there for a year, lived with an American host family and I actually earned my high school diploma in Michigan. During my year, I participated inter-schools Quiz Bowls and I guess I was the only foreign national on those competitions just like when I served as the chairperson in the Michigan Youth Leadership Forum when we sat down with Michigan Senators discussing bills that would be beneficial for people with Disabilities in the whole state. Prior to that. 5) At the same year, I was in the top 10 of an International Writing Contest where over 50 countries participated....etc ( I cited everything I put on my resume which was 3 page long without skipping a beat and ended with something like this) My achievements, if it should tell you anything above anything else, 6) I hope tells you how determined and hardworking I am as a person and I am confident that if i put my mind into something, I know I can do it. Yes, I am as tall as an 8 yr old, I am still an undergrad and I don't have any previous job experience but I know I can do this...


Interviewer: (Smiling) You're hired!



Whews! Oh..Ilan na iyong nabanggit ko sa taas ah...ang yabang ko talaga, kung kaya mo pa at hindi ka pa natatangay ng hangin basa pa....

So ayon na nga, nagsimula na akong magtrabaho sa call center kung saan tinawag nila akong... "Mr. Wow Call" at "Berdugo". Kung ang inaakala mong ginagawa lang sa call center ay sumagot ng tawag at magsabi ng "Thank you for calling ________(account name/company) How may I help today at pagkatapos ay Goodbye na...nagkakamali ka." Ang madugong bahagi ng calls ay iyong between the opening and closing spiel. Lalo sa account na tulad ng napasukan ko kung saan puro billing issues ang problema ng customer. Duguan talaga ng ilong at tenga ang laban lalo't galit na galit si Mr. Customer bakit mataas ang bill niyang hindi naman niya binabasa. Dahil rin dito ay meron mga metrics ang call centers lalo't sa Quality Assurance ang pag-uusapan. Random ang monitoring ng calls at pwede kang bumagsak sa bawat calls ngunit dahil sa natural akong madaldal, makwento at magaling mag-paikot ng isyu (salamat sa aking debating experience) ay madalas mataas ang iniiskor sa QA. 8o points ang passing score ng QA ngunit kapag maganda talaga ang call mo na namonitor ng QA ay binibigyan ka ng tinatawag na WOW POINTS para maging WOW CALL ito. Mr. Wow call ako dahil madalas akong may ganito. Dalawa lang ibig sabihin noon. Magaling akong mambola at parati akong may extra-cash. WOW TALAGA! Muntik ko rin makalimutan na "Marvin" ang tawag ng mga customer sa akin sa phone kahit ilang ulit ko sabihin na Marlon ang pangalan ko, eh sa huli "Marvin" pa rin tawag nila sa akin.

7) Dahil rin siguro sa madalas kong WOW calls, isang buwan matapos ang akong maging regular ay naisali na ako sa mga QA! Ibig sabihin hindi na ako tumatanggap ng tawag, sa halip ako ay nagmomonitor na ng mga calls. Berdugo ang tawag sa akin bilang QA dahil ako ay mahigpit sa aking scoring. Dahilan kung bakit ako naging QA at Mr. Wow call ay dahil sa pagbibigay ko sa atensyon sa pagtulong sa customer. Kahit kung pakikinggan ang tawag ko ay magmumukha itong pambobola, sa totoo malinis at by the rules ako mag-assists ng customer. Hindi tatawag si Mr. customer ng walang kelangan at wala siyang problema kaya naman ginagawa ko talaga ang lahat ng pwede para matulungan ito ng hindi ako lumalagpas sa company guidelines. I bend the rules, I don't break them. Bilang berdugo, maraming agents ang naging takot at ilang sa akin dahil daw sa kawalan ko ng pakikisama. Ang totoo, sa palagay ko ay I am doing everyone a favor sa pagsisigurado kong wala sa company ang mga hindi karapat-dapat dahil sila ang dahilan kung bakit bumababa ang standard ng customer service sa Pinas--isa sa industriyang inaasahan ng napakaraming pamilya at ng bansa lalo na ngayong may krisis sa mundo. Maraming call centers ang nagsasara dahil sa mga agents na walang ginawang matino sa pagtanggap ng tawag ng customer. Kung magpapatuloy iyon ay naniniwala akong mawawala ang advantage nating pinoy sa outsourcing Industry lalo't maging ang Korea, Thailand, Malaysia at maging ang higanteng China at India ay pinagbubuti ang pagtuturo ng Ingles sa kanilang sistema ng edukasyon.

At dahil napag-uusapan ang sistema ng edukasyon, nakakahiya man aminin ngunit pagdating sa eskwela marami rin akong ibang pangalan. "Kuya Marlon" na ang tawag sa akin ng mga estudyante ng high school kung saan ako nagraduate mula ng magbalik ako mula sa Amerika. 8) Kinakailangan ko ulitin ang 4th year ko dahil part ng pagiging exchange student ko ang bumalik sa dati kong school para maibahagi ang mga natutunan at magturo sa mga "nakababata". Hindi ko alam kailan nagsimula pero isang araw halos lahat na ng makita ko Kuya ang tawag sa akin maging ng iba nating kapwa blogista tulad ni Cutter Pilar. 9) 22 yrs old pa lang ako. Kahit medyo bata na lang ako, bata pa rin iyon. Sa eskwela, natawag na rin akong "Walking Encyclopedia of Philippine History" ng mga fans ko noong pinagharian ko ang Philippine History Quiz Bee Competitions sa buong Maynila mula noong first year hanggang sa nag-retire ako noong 4th year.

10) Katulad noong iba sa itaas, nabanggit ko na rin dati sa blog na minsan na rin akong na-feature sa Wish Ko lang ng GMA-7 noong ako ay nasa 2nd year High-School pa. Dahil rin dito ay tinawag ako minsan ng kung sino-sino sa kalyeng nakakaalala sa akin bilang "Uy! si Wish Ko Lang"


Eto Tag naman sa akin ni Pam ( Friendster Bulletin Style)

A- Attached or Single? – ATTACHED but single
B- Best Friend? – Geltic
C- Cake or pie? – American Pie
D- Day of choice? - EVERYDAY!
E- Essential item? – Brain
F- Favorite Color? – BLACK
G- Gummy Bears or Worms? – Max na pula
H- Hometown? – MANILA!!!
I- Indulgence? - ok na lang, hindi ko alam ibig sabihin nito
J- June or July? – July
K- Kids? – I don't mind making them,
L- Life is not complete w/o – Me
M- Marriage date? – Basta sabay sa b-day ko para tipid
N- Number of magazine subscriptions – wala download lang ako e-books ng economists at natgeo
O- Orange or apple? - An apple a day kips the orange away!
P- Phobias? – Heights!
Q- Quotes? – "quotes"
R- Reason to smile? – kapag may picture taking!
S- Season of choice? – winter!
T- Tag people - My entire blogroll
U- Unknown fact about me – I'm actually cute.
V- Vegetable? - yuck!
W- Worst habit? – addictive
X- Xray or ultrasound? - wahaha? bakit?
Y- Your favorite foods? – balat ng manok, taba ng bangus,
Z- Zodiac sign - Capricorn


Normally, you should tag people as well but since I'm not normally and the fact that all of you are probably done with all these. Gagawa ako ng bagong tag!

Simple lang ang rules, gagawa ako ng kwento pero hindi ko ito tatapusin. Ang challenge ay ituloy ang kwento sa inyong blog post using the last sentence that the person who tagged you used on their post. Pwedeng ituloy o tuluyang ilayo ang kwento. Pwedeng seryoso o kalokohan. Kayo na bahala. Paano game na?


Musmos pa si Moymoy ay Palaboy na siya sa kalye ng Maynila. Isang taon siya ng maging ulilang lubos matapos tambangan ang mga magulang niya ng mga militar dahil miyembro ang mga ito ng New People's Army o NPA. Eto rin ang dahilan kung bakit isa rin siyang NPA sa kasalukuyan--No Permanent Address. Wala siyang kinagisnan magulang na nagturo sa kanya ng GMRC ngunit sadyang mabait at masipag si Moymoy. Balang araw ipinangako niya sa sariling ang mga salitang napanood niya lamang sa telebisyon ng kapitbahay at ito ay ang "Bukas luluhod ang mga tala".

Dala ng hirap ng buhay ay kahit minsan hindi pa siya nakakatikim ng pagkain na paborito niya lamang sa amoy---ang lechong manok. Ilang beses na rin siyang natukso na magnakaw mula sa Baliwag diyan sa kanto ngunit parati siyang nauunahan ng takot--hindi ng konsensya kung hindi ng mala-dragon tahol ng asong si bantay. Tanghaling tapat noon ngunit hindi pa rin nagkakasya ang kinikita niya mula sa Adsense account niya upang may ipambili ng pagkain. May sakit noon si bantay kaya dinala siya sa beterinaryo, busy ang lahat ng tao sa Baliwag kaya naman naisip iyang magnakaw ng lechong manok subalit napaso siya ng hawakan ang noon ay umiikot pang manok. Lingid sa kaalaman niya na sa hindi kalayuan ay may nagmamasid sa kanyang bawat kilos.

Hanggang dito na lang ang kwento ko at ang kakatayin ko sa tag na ito ay ang lahat ng blogistang sa palagay nila kaya nila ang challenge na ito. Kapag hindi niyo to ginagawa. Hindi na tau bati.







Related Posts :



9 comments:

ORACLE said...

sinasabi ko na nga ba eh....
Nangangamoy Alien dito... Hehehe!

Ang daming tag! Haaaay...
Pinag iisipan ko pa yung name tag, hindi ko nga alam kung paano ko gagawin... haaaay.....

Sige itutuloy ko ang kwento na ito... ABangan! Lolz! =)

Marlon said...

Wahahaha...Salamat at may siguradong magtutuloy na ng kwento...lols! hehe aabangan ko yan orakulo, dapat mag-nosebleed ako sa tagalog mo ulit.

Mike Avenue said...

Ayos ang mga tag! Natupad lahat. herher...

Ingat! Aabangan ko ang Vlog mo.

cyndirellaz said...

wow naman talaga nga namang small bu terrible ka ano? astig ka pala kung ganoon!! akalin mo na ka blog ko ang isa sa mga piniling ano nga ba yun? young chuva? anyways, dumugo ang ilong ko sa english mo dito, la ako ma say!! hahaha!!

Marlon said...

Mike Avenue, hahaha oo nga, isang bato lahat ng tag. lols!

Cyndirellaz, hahaha mabolada lang talaga kaya mukhang magaling mag-english...lols! salamat!

jhosel said...

whew. speechless ako dun ah..
ahaha. magaling ka marlon! wohoo!
isang bow-down uli sayo. ahehe.

aw. itutuloy ni orakulo ang kwento. aba. nagsama sama ang mga alien. haha.

Dylan Dimaubusan said...

AStiging bata! Wow, you've done a great job and I believe you can do more.. Grabe ka MArlon, saludo ko sa'yo ha.. You're one interesting man.

Hala sige, ipagpatuloy yan..

Tag? Uhm, what's that? ...
wehe, bati pa rin tayo ha..

Pamela Tan said...

grabe! singit lang ba talaga ang post na ito? hehehe

wah! magiging dalawa na utang ko sau nito, may isa pa kong tag di ko pa napopost!

alam ko mabait ka marlon , kaya if ever, bati pa rin tayo ha! please?

hehe, tc!

Marlon said...

Jhosel, Nyahaha. oo nga nagsama ang mga aliens, hinihintay ko post ni Orakulo, magaling pa naman iyong magsulat. atska, thanks pala. lols!

Dylan Dimaubusan, hindi ko na nga maipagpatuloy, depressed pa rin ata ako, ilang buwan na..haaay, lols! Pero salamat po...mahirap talaga kasi dugtungan iyong kwento kaya nga hindi ako nag-assign ng tao na specific. lols!

Pam,OO, singit post lang ito, lols! eh kasi tuloy-tuloy magtype iyong kamay ko. ang haba na pala. lols! Ipunin ko lang utang mo gang pambayad mo na iyong D60..lols!

Post a Comment

WhAt Do YOu Say?

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin