WARNING: THIS POST CONTAINS INFORMATION ABOUT THE ERASERHEADS NEVER BEFORE PUBLICIZED UNTIL NOW.
Marami na ang nasasabik sa pinakaabangang "THE FINAL SET REUNION CONCERT" ng Eraserheads na ilang ulit ng muntik hindi matuloy dahil sa insidente noong unang concert. Pinakakahihintay ang nasabing event dahil sa milyong fans na nabitin sa muling "pagkakabuo" ng Eraserheads matapos ang biglang pagkawatak-watak nito bago pa man matapos ang dekada kung saan sila namayagpag. Hanggang sa ngayon tanong pa rin sa karamihan bakit nga ba tila nabura ang pagsasamahan ng banda?
Lingid sa kaalaman ng marami na ang ERASERHEADS sa mga araw ng kasikatan nito bilang banda ay binubuo ng limang miyembro. Ang tanging apat na miyembro na kinilala ng kasaysayan at ng publiko ay sina Ely Buendia, Marcus Adoro, Buddy Zabala, at Raymund Marasigan ngunit hindi man lang nabigyan ng pagkakataon ang ika-lima at totoong nagpasimula ng banda--si Marlon, ang inyong lingkod:
(Ang Huling El Bimbo na naririnig sa background ay ang original DEMO TAPE I created and entrusted to Ely)
Christmas Party noon, napadaan ako sa klasrum ni Ely Buendia kung saan nakita ko siyang inaawit ang "Manila" ng the Hotdogs. Nagkataon naghahanap ako ng isang vocalist o isang taong aawit sa sinulat kong kanta at napagdesisyonan kong kausapin si Ely kung willing ba siyang mag-trial record kasama siya para masubukan kung babagay sa kanya ang kanta. Sinabi sa akin ni Ely noon na hindi naman talaga niya hilig ang pagkanta at napilitan lang siya noon sa klasrum ng kanyang barkada. Ipinilit ko ang tape at dahil sa aking pagiging matiyaga, isang araw ay pumayag din siyang pakinggan ang tape. Kinuha niya ito sa akin at sinabing pakikinggan dahil nagmamadali siya noon papasok sa klase.
Matapos ang araw na iyon, ilang linggo ko rin hindi nakita si Ely. Sumuko na lang ako at naisip na baka kinuha lang niya iyong tape sa akin para manahimik na ako. Napagdesisyonan ko noong iwan ang musika at mangibang bansa para sumapi sa isang NGO. Isang araw bago ako umalis ay nakita ko sa bulletin board ng Kalayaan Dorm sa UP Diliman na naghahanap si Ely ng bandmates. Sumunod nga noon ay ang pagkakilala niya kila Buddy at Raymund. Hindi nagtagal dumagdag na rin si Marcus at nabuo nga ang pangalang ERASERHEADS mula sa papel na pinagbalutan ko ng tape na ibinigay ko kay Ely.
Lumipas ang ilan taon bago ako umuwi sa Pilipinas, Laking gulat ko ng marinig ko ang Huling El Bimbo sa radyo ng taxing sinasakyan ko noon mula sa airport. Hindi pa uso ang internet noon kaya naman hind ganoon kadali makabalita dito sa Pinas. Madalas akong nasa mga lugar na hindi naabot ng kahit anong uri ng komunikasyon habang ako ay nasa missions kaya naman wala akong kamalay-malay na ginamit rin pala ni Ely ang aking tape. Nagkontak kung muli si Ely through their manager dahil kaklase ko ito noong nasa UP pa ako. Kinausap ko si Ely at agad siyang humingi ng tawad sa hindi pagpapaalam sa akin. Upang makaiwas sa kaso, at iskandalo sa panahon ng kanilang kasikatan. Naisip ni Ely isali ako sa banda bilang pianists. Hindi sumang-ayon ang tatlo pang miyembro na sina Buddy, Marcus at Raymund dahil sa maganda na nilang status noong panahong iyon. Kumalas si Ely habang naninindigan na nararapat din ako bigyan ng credit sa aking musika. Nabuwag ang banda sa nasabing insidente matapos ang pictorial kung saan kinuha ang litrato sa itaas ng post na ito.
Kasalan ko kung bakit nabuwag ang eraserheads, at kasalanan ko ang post na ito dahil nasayang ang oras mo sa pagbasa nito. lols!
NOTE: Ang post na ito ay kathang isip lamang (halata naman diba?) maging ang larawan sa itaas.
Ang post na ito ay isa lamang pre-post para sa aking Bonggang TRIBUTE POST SA E-HEADS. Ayun, seryoso na kasi may film showing, music, essay, intermiision number, commercial, at powerpoint presentation pa.
Hehehe...
ReplyDeletenice one Marlon...
Anyway...
Love Eheads...always and forever!(But siyempre mas lamang pa rin ang pagmamahal ko sa Rivermaya at sa Parokya...hehehe...anyway, they're my top three bands in the whole wide starry universe!)
wenks....ahehehe...kulit ng story...pati picture.....ahahaha...
ReplyDeletesa mga kanta nila...ok yung huling el bimbo...pero ayuz na ayuz yung "Para sa Masa"... madagdag nga yan sa playlist ko ngayon araw... :)
Aian, Exactly, those three are the best...kaso when it comes to Rivermaya. I like the old group with bamboo as the vocalist. thanks
ReplyDeleteSuperG, talagang mapilit ako isingit iyong sarili ko sa ganun eh? lols! ahahaha cge pagbisita ko dapat marinig ko eheads!
Hehehe :D Sinulit ang tanging libre sa buhay...ang mangarap lolzz
ReplyDeleteD best pa rin ang original E-Heads...
Lord Cm, Ahahaha OO, nga kwento ko to, libre ang mag-imagine at mangarap. lols! AGREE AKO! NOthing beats the original pero pede pa rin magpacute. lols!
ReplyDeleteay shets hahha, kala kow totoow na lolness, pare ang astig mo!!lufets!!
ReplyDeleteasteeg ang e-heads..syang nga lang disbanded na..hehe..sana mapanood ko yung reunion concert nila.
ReplyDeleteAmorgatory, wahahaha salamat po! wala lang talaga magawa, ang hirap kasi ng preparation ko sa next post ko. lols!
ReplyDeleteJen, Oo nga, wag ka mag-alala may part two naman tska next day noon nasa quiapo na ang DVD. lols!
wahahaahha!!!!
ReplyDeleteSabi ko na eh....
Na pa-aga ata ang April Fools Day dito ha!
Galing! Galing! hehehe =)
Oracle, oo, lage naman ata april fools day dito. lols! thanks!
ReplyDelete