February 3, 2009

Sampung Sumpong


Habang ginagawa ko pa ang susunod kong post na naayon sa aking PERSPEKTIB: BALENTAYMS EDITION trip, ay pupulutin ko muna ang tag na walang pakundangan binato sa akin ng kapwa ko kyut na si "Cuter" Pilar, este Cutter Pilar. Hindi ko na muna iisipin ang bitterness na nararamdaman ko sa kanya sa pagtawag sa akin ng KUYA dahil exposure ang tag na ito. Sayang ang publicity.

Ako ay naatasan gumawa ng post na naglalaman ng sampung bagay tungkol sa akin na 9 ay truth at 1 consequence , ay typo ulit…1 isang kwentong hindi totoo. Isa itong challenge sa akin dahil sa wala na akong kredibilidad sa mundo ng blogging (Tingin ka sandali header ko, gets mo na?) at halos lahat ng sasabihin ko, magmumukhang kwentong barbero.

1. Cute Ako. (Hindi ito iyong kwentong Barbero)

2. Adonis--Eto daw sana ang pangalan ko kung hindi ipinagtanggol ng aking butihing Ina ang karapatan ko magkaroon ng magandang pangalan na hindi i-associate ng kahit sino sa kahit anong gay bar. Ang aking butihing lolo ang nakaisip na pangalanan akong Adonis tulad ng pagpapangalan niya sa aking kuya Louie na isinunod sa pangalan niya. Mabuti na lamang at creative ang aking Ina at naisip niyang pangalan ko ay ang pinagsamang Marilou (ate ko) at Louie. Marilou plus Louie equals Marlon. (Medyo malabo pero ganun daw iyon)

3. Kung bibigyan ako ng super power, tatlong kakayahan lang ang pipiliin ko.
Una, Maging imbisibol, bukod sa pwede kang mamboso ng walang nakakaalam ay siguro mas madali kong matatanggap kung bakit parang minsan hindi ako nag-eexists. (EMO).
Pangalawa, gusto kong makalipad. Kasi tamad at ayoko maglakad at minsan gusto kong makapunta sa kung saan-saan lugar ng ako lang mag-isa para makapag-isip.
Ikatlo, nais kong makuha ang kapangyarihan ni Kuya Joel.( Asawa ng ate ko). Kaya niyang matulog ng walang kahirap-hirap Isang pikit lang at siya ay nasa alapaap na. Makikita mo na lang siyang magigising sa gulat dahil nahulog na siya sa panaginip niya. Hindi kasi ako ganun kadali makatulog, bilang isang kopi adik at certified call center creature na gising kapag gabi

4. Mahilig ako sa One-Liners, kowts, speeches, o kahit anong may suntok kapag binasa.
i.e, Mabuti ng tamad, hindi naman pagod –Tado or God doesn’t play dice-Albert Einstein. Pansin mo rin ito kung madalas ka magbasa ng mga basura ko dito sa blog. Gusto ko kasi iyong mga thought provoking, inspiring at kahit funny lines. Mahilig kasi akong mag-isip at isa akong seryosong tao kahit hindi masyadong halata.

5. Kung hindi mo pa nahahalata, (tingin ulet sa header ko) Isa akong hopeless romantic. Malalim ako kung mahulog, kaya ako ay sobrang nahihirapan bumanggon. In line to what I said sa number por, seryoso akong tao at isa sa mga bagay na palagi akong seryoso ay ang lab. Take note. Lab hindi sex. Ahem.

6. On a positive note, ang pagiging seryoso, hopeless romantic at mapag-isip kong karakter ay may benefits. Dahil dito ay naisasabuhay ko ang kahulugan ng salitang geek. Mahilig kasi ako gumawa ng mga bagay na merong pakinabang sa akin. Trip ko ang photoshop, bilang isang photographer, mahalagang may alam ako doon. Trip ko ang blogging, bilang isang writer, nahahasa ang pagsusulat ko (nahahasa nga ba?) at natututo ako sa iba. Trip ko manood ng NaT Geo, Discovery at History Channel dahil kapupulutan ito ng general knowledge, trip ko ang debating dahil nakakatulong ito sa aking thought processing, speech communication at lumalawak ang aking perspektib at higit sa lahat trip ko matulog dahil inaantok ako.

7. Mababaw akong tao. (Tingin ulit sa header ko) ganyan ako kababaw. Madali ako tumawa at matuwa. Kapag kasama ko ang barkada ko lahat ng bagay nakakatawa. Laughter daw is the best medicine pero minsan sakit ko ang pagtawa.

8. Halos sigurado na akong ang atake sa puso ang ikamamatay ko. Mahilig kasi ako kumain ng mga masasarap ngunit “bawal” na pagkain. Gusto ko ang taba ng baboy sa sinigang, ang taba ng bangus sa relyeno, ang balat ng manok na nabibili diyan sa kanto, at hindi ako kumakain ng gulay. I eat healthy food in short.

9. Isa akong Jinchuuriki—alam mo kung ano to kapag kilala mo si Naruto. Bahala na ang inyong wild imaginations kung ano iyong dahilan bakit ko nasabi na ako’y may itinatagong monster.

10. Mataas ako mangarap, gusto ko maging 2nd Filipino, U.N Secretary General, gusto ko mag-publish ng book, makagawa ng matinding documentary, gusto ko rin ituloy ang naudlot kong photo exhibit sa MOA (tanga pa kasi ako noong may nag-offer), gusto ko rin makagawa ng pelikula, gusto ko mag-stay ng isang taon sa bawat bansa sa mundo, or at the least makapasyal at malibot ang mundo. Gusto ko magkaroon ng RV at lilibutin ko ang buong Pilipinas at higit sa lahat gusto ko manalo sa lotto ng hindi ko kelangan tumaya.

Bahala na kayo humula kung alin iyong hindi totoo diyan. (BASTA IYONG NUMBER ONE TOTOO).
Pagpasensyahan niyo na. Inaantok na ako.

Ipinapasa ko ang sakit ng ulo sa mga kapwa kyut kila…Joffred, Super Gulaman, Pam, Wandering Princess, Timawa, Otep, Yhen, Cel Lord CM, at Khuletz.

Simple lang 9, truths about you. 1 isang kahit ano na lang. lols!

Pagpasensyahan niyo na ang post, inaantok na ako at abangan ang susunod na BALENTAYMS: EDITION POST.

Related Posts :



5 comments:

=supergulaman= said...

ahehehe...problema nga ito...ahehehe...anu yang tinatago mo...kyubii ba yan?.... ako naman may sharinggan...blehhh!... cge kunin ko ito later...:)

Anna Monique ♥ said...

ayun, nakapagpost kana! mas maayos pa nga post mo kesa sa akin e. :D

marlon said...

Supergulaman! sabi ko sayo eh..problema. Puntahan ko na post mo after this. lols

Anna Monique, pwede ba Ana na lang? nahihirapan ako sa spelling ng monique eh. Maayos ba iyong ganto? obviously bago ka sa blog ko. lols!salamat sa komento

Anonymous said...

walang masama kung mataas kang mangarap..!
i like all ten..!
ikaw ba lahat iyon..? ;)

BOMBERO KING

Marlon said...

Bombero king, kahit ako hindi ko alam diyan kung ano iyong hindi totoo...lols!

Post a Comment

WhAt Do YOu Say?

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin