Skip to main content

Ang Pasko sa mata ng Isang Hindi na Masyadong Bata

"Ang mga inaanak pala ay hindi lang taga ubos ng pera mo"


Pasko ngayon, December 25. 2008, alas-tres bente ng hapon pero ako eto, nasa harap lang ng computer at gumagawa ng blog post.

Ganun ba talaga kahirap mag-celebrate ng pasko kapag 22 years old ka, walang syota, hindi ka nagtatrabaho sa callcenter at malayo ka sa barkada? Bakit hindi na ako masaya ngayong kapag narinig ko ang salitang "namamasko po!?". At since kelan pa mas dumami iyong nagmamano sa akin kesa doon sa mga pinagmamanuhan ko dati? Kagabe lang, bisperas ng pasko eh nakinig ako ng radio online habang gumagawa ako ng modifications sa blog na ito sabay biglang umihip ang malakas na simoy ng hangin kasabay ng kantang "Silent Night". Pinatatamaan ba ako dahil ganun katahimik ang gabi ko?

I should say, epektib naman siya kasi biglang nag-flashback iyong memories nung mga nakaraang pasko ko. Noong bata ako naalala ko noon bisperas ng gabi pa lang super-hyper na iyong mood sa bahay. Andami kasi namin magpipinsan noon na kala mo isang batalyong sundalo naghahanda sa gyera kinabukasan. Sa dami namin kung sumugod, hindi ko masisisi iyong mga ninong at ninong namin na magtago dahil lahat kami eh kelangan nila bigyan. Naalala ko kahit anong oras na kaming natutulog matapos magkainan at magkulitan eh parang nauunahan pa rin namin iyong manok sa pagising ng maaga. Syempre, excited kami mamasko, ang motto namin noon "Gifts are accepted but Cash is greatly appreciated". Lahat kaming mga bata biglang nagkaroon ng wallet at pagkatapos magligo at kunting pulbo sa likod--off we go.

Bata pa ako noon, observer na talaga ako. Marami akong napapansin sa tradisyon nating mga pinoy ng pamamasko o paghingi ng 'Aguinaldo". Sa sarili kong karanasan napapaisip ako minsan bakit parang napaka-random ng selection ng mga Ninong at Ninang ko at talagang sa pasko ko lang sila nakikita? Hindi ba dapat iyong mga pinipili ninong at ninang ng mga magulang mo eh iyong mga "close friends" nila pero bakit once a year lang sila kung magkita at sa tuwing pagbisita namin sa bahay nila eh paulit-ulit lang iyong pinagkukuwentuah nila? Nilagay lang ba sila doon para magtrabaho ng isang buong taon para magbigay ng regalo sa akin tuwing pasko?

Nakatutuwang isipin na ngayong kabilang na ako sa populasyon ng mga hindi na masyadong bata ay sa palagay ko, alam ko na ang mga sagot doon. Sabi nila ang pasko daw panahon ng bigayan pero dati ang alam ko lang eh sila lang iyong bigay ng bigay sa aming mga bata. Naisip ko na noon ayoko magkaroon ng inaanak kasi puro gastos lang sila no matter how you look at it.

Mali pala ako.

The moment i became too old para mamasko ay ang simula naman ng pagkakaroon ko nga mga inaanak. It's a cycle that's passed on to the next generation, At first, its a puzzle for me as to why one would even want to agree being isang ninong or ninang. Just now, i knew the answer. Naalala ko noong bata ako tuwing pupunta ako sa bahay ng mga ninong at ninang namin, ang palaging naitatanong sa akin eh, kamusta na iyong mama mo? or papa mo? Ang mga inaanak pala ay hindi lang taga ubos ng pera mo. Para pala silang time machine that brings back the old days, sila ay iyong mga reminder na once in your life you knew a particular person very well that you considered him/her na maging ninong or ninang. Siguro subconsciously, we are choosing those people who we would want to hear about years after. You are unknowingly choosing those people you don't want to lose touch with. Gusto mo my bond pa rin kayo kahit gaano katagal iyong lumipas. Kung iisipin nga naman, noong mga panahon siguro ng mga magulang natin dahil sa kawalan pa ng cellphones, internet at friendster, hindi naiiwasang mapalayo sa mga kaibigan mo hanggang sa mawalan na kayo ng communication. Unlike today, log in ka lang updated ka na kahit sa patingin-tingin lang ng pictures at pagbasa ng shout-out gets mo na iyong mood niya. Sa halagang 30 pesos or less makakapag-load ka na agad at makakabalita ka na sa kanila.

I like technology too, i enjoy the convenience of being able to do a lot more than the previous generations but in a way the old days are better. The meaning of the the word "kamusta na"? means a lot more back in the day after not hearing from someone for so long, the excitement is genuine and you'd really enjoy the time spent with old friends. Ngayon kasi, we talk to everyone almost everyday that "kamusta na" is now synonymous to Hello! or Hi!. Ngayon, may mga ilan na ang main consideration ng pagpili ng ninong at ninang eh kung sino iyong may magandang trabaho at mukhang malaki magbigay sa pasko. Nakakawala tuloy lalo ng gana ang pasko.

Comments

  1. haha...your'e indeed a good observer marlon!!!...so nice naman your post!!!...pero lam mo,kahit naBasa ko na post mo, ayaw ko pa rin magkaroon ng inaanak...ewan ko ba...masyado lang talaga siguro akong selfish at gusto ko lahat ng perang pinaghihirapan ko o paghihirapan ko sa akin lang at sa family ko mapupunta...kaya ayun, hanggang ngayon wala pa rin akong inaanak..haha...and am liking it..haha...at alam mo bang hanggang ngayon eh namamasko pa rin ako!?!...sinong may sabing nde na pwedeng mamasko pag medyo matanda na!?!..haha...haaay am so childish talaga...pero ang saya kaya nun...kaya lang last christmas mas konti na yung napamaskuhan ko...cguro dahil naisip ng mga ninonng at ninang ko na medyo matanda na ako para mamasko...cAn you believe it!?!.. am now 18 turning 19 this january 13!!!... oh diba magka-birhtday pa tayo!!!...haha...gift ko huh!!!..haha...got a nice blog here dude...like it...
    oi kita-kits soon huh!!!...inform mu lang ako kung kelan ok...
    God bless dude!!!...
    avoir!!!....
    sayoonara!!!...

    ReplyDelete
  2. Dude, hahaha buong-buong pangalan ah. Musta? niwey, thanks for the comment. Tama ka. Medyo mahirap ibigay iyong perang pinaghirapan pero one day ma-realize mo worth it din iyon.
    (kahit ayaw natin, eh kung lage tayong kinukuha, wala talaga, iba na talaga kapag cute.)

    Oo, hindi ko nakalimutan magka-b-day tayo. Naisulat ko na nga name mo sa post ko for my b-day.

    might want to check that too.

    pano..adios muna!

    ReplyDelete

Post a Comment

WhAt Do YOu Say?

Popular posts from this blog

I STUMBLED UPON

Halos alas-tres na ng umagA ng makita ko ito habang naglilikot sa internet. Pinaglalaruan ko kasi iyong stumble upon at sa pamamasyal, maliban sa mga photoshop related things. Eto nakita, ultimate wala lang ang mga ito pero some of it are really interesting. Here you go. A rat can last longer without water than a camel. Your stomach has to produce a new layer of mucus every two weeks or it will digest itself. The dot over the letter "i" is called a tittle. A raisin dropped in a glass of fresh champagne will bounce up and down continuously from the bottom of the glass to the top. A female ferret will die if it goes into heat and cannot find a mate. I know some people like that! A duck's quack doesn't echo. No one knows why. A 2 X 4 is really 1-1/2 by 3-1/2. During the chariot scene in "Ben Hur," a small red car can be seen in the distance. On average, 12 newborns will be given to the wrong parents daily! That explains it! Donald Duck comics were banned from F

MIDNIGHT DJ-What are you most afraid of?

Ano ang una mong naiisip kapag umuulan kahit mataas ang sikat ng araw? Nagpapasintabi ka ba mga engkanto tuwing mapupunta ka sa kagubatan? Ano ang agad pumapasok sa iyong isipan kapag nabanggit ang Balete Drive? Kilala mo rin ba ang anak ni Janice? One of the many interesting things about the Philippine Culture is the fact that the wide majority of the population believes in the supernatural be it local myths, scary creatures,ghost stories or even things as basic as the "pamahiins". Some may even argue that this is a bit odd considering that we are a predominantly catholic nation where creatures like that don't exists in our Bible, but on a deeper thought, is that really a contradiction? I notice that much of the urban legends I grew up with actually is connected to our faith in one way or the other. One good example is the story about the "Tiyanaks", you know...usually unborn and victims of abortion, these babies turns into monster to seek revenge and kill peo

You're The 1, Goldilocks!

"One day in your life, you'll remember a place...someone touching your face, you'll come back and look around" -One Day in Your Life Michael Jackson I guess glancing through old photos on a rainy afternoon with that song playing on the background is all took for me to act on this impulse to write this post. After all, I've been feeling a bit sentimental these past few days perhaps because I know that "one day" in my life is once again drawing near. I have nothing but great memories of my childhood and if there is one person whom I know I should be thanking right now--it's my mom. I am the "bunso" in the family and was often the object of jealousy from my "Ate" and "Kuya" because I was a "Mama's Boy". I guess it can't be helped given that I was different, maybe she felt that I needed the attention more than my older siblings who were 7 and 9 years old already when I was born. Also, I think the fact that