"Iba ang gumagawa ng wala sa walang ginagawa"
-Bob Ong
Eto ako, si Marlon. Isang taong gumagawa ng wala. Tuwing wala akong magawa, eh gumagawa ako ng wala at salamat sa Internet, nakakagawa ako ng wala. Huh?
Wala.
Bata pa ako marami na akong tanong sa isip ko. Iyong iba nasagot na ng kung sino-sinong nakilala ko, iyong iba naman ako mismo nakatuklas ng solusyon pero marami doon ang tanong pa rin sa isip ko kahit ngayong medyo bata na lang ako. Actually, sa tingin ko nga eh mas marami akong tanong ngayon at mas mahihirap itong sagutin. Buti pa noon musmos pa ako, ang mga tanong ko lang eh iyong tipong bakit nagsasalita iyong mga hayop sa t.v.? Bakit walang snow dito sa Pilipinas? Tska bakit parang antagal lagi magpasko? Uhm.. (Iniisip ko kung tinanong ko ba noong bata ako kung bakit asul ang ulap pero naisip ko bigla hindi ko pala iyon itatanong kasi favorite color ko naman iyong blue dati at isa pa, medyo mahirap na tanong iyong kahit sa isang matanda).
Dati noong bata pa ako, naiisip ko palagi. Bakit parang ambagal magpasko? Ngayon naman medyo bata na langa ako, bakit ambilis magpasko? Nagbago ba ang bilis ng oras at mga araw o nawalan lang ako ng dahilan para matuwa at hintayin ang pasko?Dahil ba ako na ngayon ang hinihingan ng pamasko at hindi na ako ang namamasko? Kung alam ko lang dito mahahantong sa ang lahat eh di sana hindi ako masyadong nakipagkaibigan para wala akong masyadong inaanak. Ngayon naiintindihan ko na iyong mga ninong at ninang ko bakit parang lagi sila umaalis sa bahay nila kapag pasko at bakit parang lagi kami nagkakasalisi tuwing namamasko ako. Hindi naman ganito ang pasko dati. Ang pasko dapat masaya at nakaka-excite, ngayon pressure na lang ito para magsaya. Dati kapag pasko--kahit routine at mukhang paulit-ulit ang ginagawa namin at the end kahit papaano masasabi kong pasko nga ang araw na iyon. Dahil medyo may mga isip na kami nagkaroon na rin kami ng kanya-kanyang mundo. Dating mga kasama mong tao wala na o may kasama ng iba. Mga pinsan kong dati kasabay ko namamasko ngayon may mga anak na, iyong iba masyado na rin matanda para mamasko kaya sigurado tulad ko nung nasa age nila ako, kasama na nila ang barkada sa pasko. Ambilis ng panahon, nakalimutan ko na isang linggo lang pala ang pagitan ng Pasko at Bagong Taon at tuwing magpapasko, nagbabago ang taon. Hindi ko man lang namalayan.
I am lost.
Nasa gitna ako ng pagkabata at isang pagiging ganap na matanda. Hindi ko lubos maisip na ganun pala kadali at kasarap ang pagiging bata. Iyong wala kang worries at kahit ilang beses kang magkamali ay palaging meron nagtatama ng mga bagay para sa iyo. Kapag bata ka, konting iyak mo lang, ibibigay na ng magulang mo iyong gusto mo. Madaling matulog ng hindi mo iniintindi kong anong darating sayo kinabukasan, kung sakaling may nakaaway ka man konting oras lang lilipas at bati na ulit kayo. Kapag bata ka, ang worst fear mo na eh iyong masira ang paborito mong laruan o kaya naman eh iyong mumo sa dilim. Kapag bata ka, halos lahat ng bagay na sinasabi at nakikita mo ay madali mong pinaniniwalaan, hindi mo na alam kung saan at kung kanino ka maniniwala. Kapag bata ka hindi mahirap maging masaya dahil lahat ng bagay mas madali mong na-appreciate kahit napakasimple lang nito kung iisipin ko ngayon. Kapag tumanda ka humihirap ang pagiging masaya dahil alam mo na ang pinagkaiba ng pagtawa sa kaligayahan. Nakakatuwang isipin, parang lumilipas lang ang bawat araw ng walang nagbabago pero isang araw magigising na lang tayo na iba na ang lahat.
Comments
Post a Comment
WhAt Do YOu Say?