December 26, 2008

Ang Pasko sa mata ng Isang Hindi na Masyadong Bata

"Ang mga inaanak pala ay hindi lang taga ubos ng pera mo"


Pasko ngayon, December 25. 2008, alas-tres bente ng hapon pero ako eto, nasa harap lang ng computer at gumagawa ng blog post.

Ganun ba talaga kahirap mag-celebrate ng pasko kapag 22 years old ka, walang syota, hindi ka nagtatrabaho sa callcenter at malayo ka sa barkada? Bakit hindi na ako masaya ngayong kapag narinig ko ang salitang "namamasko po!?". At since kelan pa mas dumami iyong nagmamano sa akin kesa doon sa mga pinagmamanuhan ko dati? Kagabe lang, bisperas ng pasko eh nakinig ako ng radio online habang gumagawa ako ng modifications sa blog na ito sabay biglang umihip ang malakas na simoy ng hangin kasabay ng kantang "Silent Night". Pinatatamaan ba ako dahil ganun katahimik ang gabi ko?

I should say, epektib naman siya kasi biglang nag-flashback iyong memories nung mga nakaraang pasko ko. Noong bata ako naalala ko noon bisperas ng gabi pa lang super-hyper na iyong mood sa bahay. Andami kasi namin magpipinsan noon na kala mo isang batalyong sundalo naghahanda sa gyera kinabukasan. Sa dami namin kung sumugod, hindi ko masisisi iyong mga ninong at ninong namin na magtago dahil lahat kami eh kelangan nila bigyan. Naalala ko kahit anong oras na kaming natutulog matapos magkainan at magkulitan eh parang nauunahan pa rin namin iyong manok sa pagising ng maaga. Syempre, excited kami mamasko, ang motto namin noon "Gifts are accepted but Cash is greatly appreciated". Lahat kaming mga bata biglang nagkaroon ng wallet at pagkatapos magligo at kunting pulbo sa likod--off we go.

Bata pa ako noon, observer na talaga ako. Marami akong napapansin sa tradisyon nating mga pinoy ng pamamasko o paghingi ng 'Aguinaldo". Sa sarili kong karanasan napapaisip ako minsan bakit parang napaka-random ng selection ng mga Ninong at Ninang ko at talagang sa pasko ko lang sila nakikita? Hindi ba dapat iyong mga pinipili ninong at ninang ng mga magulang mo eh iyong mga "close friends" nila pero bakit once a year lang sila kung magkita at sa tuwing pagbisita namin sa bahay nila eh paulit-ulit lang iyong pinagkukuwentuah nila? Nilagay lang ba sila doon para magtrabaho ng isang buong taon para magbigay ng regalo sa akin tuwing pasko?

Nakatutuwang isipin na ngayong kabilang na ako sa populasyon ng mga hindi na masyadong bata ay sa palagay ko, alam ko na ang mga sagot doon. Sabi nila ang pasko daw panahon ng bigayan pero dati ang alam ko lang eh sila lang iyong bigay ng bigay sa aming mga bata. Naisip ko na noon ayoko magkaroon ng inaanak kasi puro gastos lang sila no matter how you look at it.

Mali pala ako.

The moment i became too old para mamasko ay ang simula naman ng pagkakaroon ko nga mga inaanak. It's a cycle that's passed on to the next generation, At first, its a puzzle for me as to why one would even want to agree being isang ninong or ninang. Just now, i knew the answer. Naalala ko noong bata ako tuwing pupunta ako sa bahay ng mga ninong at ninang namin, ang palaging naitatanong sa akin eh, kamusta na iyong mama mo? or papa mo? Ang mga inaanak pala ay hindi lang taga ubos ng pera mo. Para pala silang time machine that brings back the old days, sila ay iyong mga reminder na once in your life you knew a particular person very well that you considered him/her na maging ninong or ninang. Siguro subconsciously, we are choosing those people who we would want to hear about years after. You are unknowingly choosing those people you don't want to lose touch with. Gusto mo my bond pa rin kayo kahit gaano katagal iyong lumipas. Kung iisipin nga naman, noong mga panahon siguro ng mga magulang natin dahil sa kawalan pa ng cellphones, internet at friendster, hindi naiiwasang mapalayo sa mga kaibigan mo hanggang sa mawalan na kayo ng communication. Unlike today, log in ka lang updated ka na kahit sa patingin-tingin lang ng pictures at pagbasa ng shout-out gets mo na iyong mood niya. Sa halagang 30 pesos or less makakapag-load ka na agad at makakabalita ka na sa kanila.

I like technology too, i enjoy the convenience of being able to do a lot more than the previous generations but in a way the old days are better. The meaning of the the word "kamusta na"? means a lot more back in the day after not hearing from someone for so long, the excitement is genuine and you'd really enjoy the time spent with old friends. Ngayon kasi, we talk to everyone almost everyday that "kamusta na" is now synonymous to Hello! or Hi!. Ngayon, may mga ilan na ang main consideration ng pagpili ng ninong at ninang eh kung sino iyong may magandang trabaho at mukhang malaki magbigay sa pasko. Nakakawala tuloy lalo ng gana ang pasko.

Related Posts :



2 comments:

marck lawrence noma miclat said...

haha...your'e indeed a good observer marlon!!!...so nice naman your post!!!...pero lam mo,kahit naBasa ko na post mo, ayaw ko pa rin magkaroon ng inaanak...ewan ko ba...masyado lang talaga siguro akong selfish at gusto ko lahat ng perang pinaghihirapan ko o paghihirapan ko sa akin lang at sa family ko mapupunta...kaya ayun, hanggang ngayon wala pa rin akong inaanak..haha...and am liking it..haha...at alam mo bang hanggang ngayon eh namamasko pa rin ako!?!...sinong may sabing nde na pwedeng mamasko pag medyo matanda na!?!..haha...haaay am so childish talaga...pero ang saya kaya nun...kaya lang last christmas mas konti na yung napamaskuhan ko...cguro dahil naisip ng mga ninonng at ninang ko na medyo matanda na ako para mamasko...cAn you believe it!?!.. am now 18 turning 19 this january 13!!!... oh diba magka-birhtday pa tayo!!!...haha...gift ko huh!!!..haha...got a nice blog here dude...like it...
oi kita-kits soon huh!!!...inform mu lang ako kung kelan ok...
God bless dude!!!...
avoir!!!....
sayoonara!!!...

Marlon said...

Dude, hahaha buong-buong pangalan ah. Musta? niwey, thanks for the comment. Tama ka. Medyo mahirap ibigay iyong perang pinaghirapan pero one day ma-realize mo worth it din iyon.
(kahit ayaw natin, eh kung lage tayong kinukuha, wala talaga, iba na talaga kapag cute.)

Oo, hindi ko nakalimutan magka-b-day tayo. Naisulat ko na nga name mo sa post ko for my b-day.

might want to check that too.

pano..adios muna!

Post a Comment

WhAt Do YOu Say?

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin