Medyo busy si Mr. Perspektib sa isang project na inaasahan kong lalabas (sana) sa unang araw ng Marso. Subalit ako ang nasorpresa habang ginagawa ko itong post na ito noong biyernes ng gabi ng biglang nawala iyong internet connection ko. Wala akong kamalay-malay PINUTULAN pala ako ng SMARTBRO ng connection. DAMN YOU SMARTBRO!...to be continued na lang ang kwento ko tungkol sa internet tutal singit lang naman to dito. Anyway, hindi ko sasabihin na may lalabas akong bagong blog--"VIDEO blog" para may surprise factor sa oras na matapos ko ang preparations. Sa ngayon, magbabayad muna ako ng maraming utang at kasalan sa kapwa ko blogista. Marami kasi akong nakabitin na tag and with this post I am hoping that I can hit three birds with one stone. Isang dambuhalang bato para siguradong sapul lahat. lols! Let me start with Izangel A.k.a "The Wandering Princess" tag: The Honesty Crap este Honesty Scrap Award. Matapos kong gawin Girlfriend si Kitchie sa "MEET MY NEXT GI...