Skip to main content

SENAKULO

Hindi na mabilang ang senakulong aking napanood magmula pa noong bata pa ako. Naalala ko pa nga madalas kailangan pa namin sumampa sa ibabaw ng tricycle para lang makapanood dahil sa sobrang dami ng taong nag-aabang hindi kay Jesus Christ o kay Hudas--kung hindi kay Matt Ranillo III at kung sino-sinu pang artista. Espesyal ang pagtatanghal sa Sta Ana noon, dahil dito rin lumaki si Cesar Montano at tuwing senakulo ay nag-iimbita siya ng mga artista para gumanap dito. Noon pa man, hindi na talaga ako mahilig sa artista dahil madalas ko naman silang nakikita sa tuwing nag-shooting sila sa Sta, Ana at tuwing naglalaro sila ng basketball doon sa court. Hindi ito nagbago kahit naging teenager na ako, at kahit palagi sila nandoon sa bahay ng barkada ko para mag-shooting, ay dedma lang kami. Wala naman masyadong iba sa kanila, maliban sa mukha silang maniking naglalakad at nagyoyosi tuwing wala sa harap ng camera.


Ang dahilan kung bakit ko isinusugal ang buhay ko sa tuwing aakyat kami ng basketball ring at ng matataas na bakod para makapanood ng senakulo ay ang eksena kung saan ipapako na si Kristo. Bilang isang bata, gusto ko malaman kung totoo bang ipapako siya sa Krus (exciting) o itatali lang ba iyong kamay niya (boring).

Noon, Ito lang ang ibig sabihin sa akin ng SENAKULO, hanggang dumating ang 2006.

Grade 4 pa lang ako ay aktibo na ako sa simbahan. Isa akong lector noon, (ayon ba tawag doon?). Basta, kami iyong mga batang nasa simbahan na dalawang oras pa bago pa man magsimula ang misa, kami iyong nagbabasa ng mga salita mula sa isang librong parang Encyclopedia, pero ang pinakaiba nito ay halos wala kang makitang picture (kaya pala kami pinagbabasa ni Father), Bibliya yata tawag doon. Nahinto lamang iyon ng ako ay mag high-school at nagsimulang ma-inlab. (Joke). Gaya ng dahilan ng maraming nalalayo sa simbahan at sa Diyos, naging busy ako noon sa aking buhay. Lumipas ang ilang taon, at matapos kung magbalik mula Amerika, ako ay officially naging "Kuya" ng mga ka-batch ko sa eskwela. Naalala ko nalalapit na noon ang aking muling pagtatapos sa sekondarya ng maitanong ko sa isang kaklase kung ano ang plano niya sa bakasyon.

Sagot niya: "Senakulo, Kuya Marlon..sasali ako sa senakulo, halos lahat kami sasali, ikaw ba gusto mo?".

Sagot ko: Nyek? ano naman gagawin ko doon? Goodluck na lang sa inyo. Wahahahaha!
(Ganun talaga ako mag-react, may tawa talaga sa huli)

Noong kinahapunan din na iyon, nakatakda na akong makipagkita sa aking mga barkada kung saan hindi ako tinatawag na kuya (YES!) Dumating si Jayson at nagsabing, galing daw si Jet sa kanila at nagpasabing sumunod na lang daw kami sa simbahan dahil noong gabing iyon pala ang unang meeting para sa pagpaplano ng Senakulo. Lingid sa aking kaalaman, ang aking buong barkada pala ay nag-serve din sa Senakulo noong huling taon nila sa High-School. (nasa amerika ako noon kaya hindi ko alam) Hindi man lang inabot ng imahinasyon ko na kasali ang mga mokong kong kaibigan sa Senakulo dahil wala ni isa sa aming anim ang tipo na aarte sa entablado. (Masyado kaming gwapo para doon.) Umikot ang tingin ko sa kanila sabay tanong ng...

"SUMALI KAYO SA SENAKULO? WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAA"

"LOKO, HINDI KAMI UMARTE! KAMI GUMAWA NG PROPS AT NAG-PAINT NG BACKDROP" galit nilang tugon sa akin.

Ah... Ito na lang ang nasabi matapos kong makita ang nanlilisik nilang mga mata. Biglang naisip ko na sabagay, kilala naman talaga ang grupo namin bilang mga "artists". Ilang stage na rin ang napintahan at na-set up "namin", at halos lahat ng bulletin board sa eskwela ay "kami" ang nagdisenyo. Naalala ko biglang sila pala ang hari ng mga poster making contest noon. (Aktwali, hindi ako kasali sa mga gumagawa dahil wala akong talento sa pagdedesign at pagkukulay, ako lang iyong humaharap sa mga teacher at nag-aayos ng aming pagka-excuse mula sa klase. Ako rin iyong magaling mamintas ng gawa nila. Mas madaming pagpipintas mula sa akin, ibig sabihin mas maganda iyong pagkakagawa.)

Wala na akong nagawa noon kung hindi sumama na rin sa simbahan para sa meeting na iyon. Isang bagay na agad kung ikinatuwa pagdating doon ay ang pagtawag ng mga kasalukuyan kong kaklase noon sa barkada ko bilang mga "kuya". (Sa wakas, hindi na lang ako iyong kuya. Yehey!) Nasa meeting na rin na iyon ang mga organizer mula sa Youth Ministry ng simbahan, isang grupo ng mga ATE at KUYA. (yeheY!) Sa pagpupulong ay hinati ang mga kabataan sa bawat departments, baguhan ako sa grupo kaya naman hindi ako umiimik at alam ko sa umpisa pa lamang ay doon na ako sa Props, dahil doon ang barkada ko. Ayos na sana ang lahat ng biglang napag-usapan ang pictorial, promotions at ang publicity. Dahan-dahan akong umatras at lumayo sa eksena ng biglang may sumigaw ng..."Si Kuya Marlon, "Photographer yan". (Patay, Umarte na lang akong walang alam), "Uhm...ano iyon pinagsasabi mo diyan? Wala akong alam, diyan, nahila lang ako dito." (hindi ako nag-papahumble, wala talaga akong alam) Unti-unting lumalakas sa background ang salita ng mga kaklase ko, "TAMA SI KUYA MARLON", OO NGA NANALO NGA YAN NG CAMERA EH, MAGALING YAN!".

Ganun, ganun lang. Bigla akong naging official photographer at Publicity and Promotions Department Head ng Senakulo.


Hilig ko naman talaga ang pagkuha ng litrato, ngunit noong mga panahong iyon ay wala pang isang taon sa akin ang camera ko kaya naman wala pa talaga akong kaalam alam sa pagkuha ng litrato (professionally). Ang hilig ko sa pagkuha ng litrato ay tipong "everyday photography". Wala akong definite subject at kinukuhaan ko ng litrato kung ano man mapag-tripan ko. Dahil dito, wala talaga akong karanasan sa pagiging "Official Photographer" lalo't sa mga tulad nitong events. Naging mahirap man ang karanasan ko sa Senakulo mula sa unang araw ng praktis hanggang sa araw ng production. Masasabi ko naman masaya at talagang rewarding ito dahil sa dami kong natutunan.

Limitado ang resources namin, wala kaming budget at mahirap mag-solicit noon sa mga pulitiko dahil hindi taon ng eleksyon ang 2006 kaya naman dapat marunong kaming mag-improvise.



Ang first pictorial ko as a photographer ay sa loob ng isang elementary classroom sa loob ng compound ng simbahan ng Holy Family sa San Andres Manila. Ang studio ko ay binalutan ng isang manipis na berdeng tela para sa aking "editing". Lighting? Lampshades at flashlights lang, solved na ang problema.


Dahil sa kakulangan ng budget, napilitan na rin akong matuto mag-edit ng litrato sa Photoshop. Photoshop 7.0 pa noon ang gamit ko na nahiram ko lang sa isang kaibigan. Ilang gabing trial and error din ang inabot at sa awa ng Diyos, kahit paano nakabuo rin naman ako ng posters. (Noong kuhaan ko sila ng litrato, hindi ito ang na-imagine kong maging itsura ng poster, mas hi-tech iyong image na nabuo ko sa isip ko pero dahil sa wala akong talent sa photoshop, pwede na rin iyong, pwede na.)





Matapos magawa at mailabas ang poster, unti-unting na akong nagkakaroon ng ideya na ang Senakulo pala hindi lang basta isang palabas. Ang paghahanda sa isang produksyon tulad nito ay hindi biro, maraming aspeto ang isang produksyon at lingid sa kaalaman ng mga manonood (kung meron man) ay ang isang palabas ay hindi lang tungkol sa gabi ng pagtatanghal. Bilang isang "Official Photographer", trabaho ko ang kuhanaan ang bawat pangyayari bilang bahagi na rin ng pagdokumento sa lahat ng nangyayari.

At syempre, matapos ang lahat ng paghahanda. Dumating din ang itinakdang araw. Dalawang gabi ang naging presentasyon ng aming senakulong may pamagat na REUNION WITH CHRIST. Hindi ko na masyadaong maalala ang kwento dahil madalas hindi naman ako nakakapanood ng praktis at kahit sa aktwal na palabas ay mas marami akong ibang inaasikaso kesa sa takbo ng istorya. Pero mapapansin sa posters na medyo makabago ang bersyon namin ng senakulo, tampok rito ang limang kabataan sa kasalukuyang panahon at kung paano nila nakilala si Kristo mula sa sarili nilang mga karanasan. Nasaksihan nila ang mga kaganapan noong panahon ni Kristo. Nagbalik sila sa panahon tulad ng sa palabas noon sa ABS na Bayani, aktwal nilang nasaksihan ang mga nangyari kay Kristo kaya naman muli nila itong nakilala. Syempre, katulong ng mga litrato, tayo naman ang magbalik sa araw ng pagtatanghal.







Naging matagumpay ang dalawang araw ng aming pagpapalabas at dahil dito masasabing nasulit naman ang lahat ng pagod. Naalala ko tuloy noong bata pa ako habang nakaupo akong nanood sa tuktok ng tricycle, sa paghihintay ko ng eksena sa pagpako kay Kristo, bigla kong naalala tuwing pinapatay ang ilaw para palitan ang set, naalala ko iyong mga taong hindi mapakali sa likod ng entablado, sa kabilang panig ng telon at mga taong hindi naman natin nakikita sa entablado ngunit kasing halaga rin pala ang ginagampanan nila sa bawat senakulo.

Ang Senakulo, para sa akin ay higit pa sa isang palabas at pagsasabuhay ng isang tradisyon. Lalo't higit ito sa eksena kung saan ipinapako na si Kristo. Ang Senakulo para sa akin ay isang ala-alang hindi ko na siguro malilimutan.











Comments

  1. ayos yan!

    sa amin din dati inaabangan ang senakulo pero ngayon wala na.

    and although hindi ako masyadong relihiyoso, pinangarap ko dating gumanap sa senakulo.

    pag nagpahaba ako ng balsbas at may nagtanong kung bakit di ako nag-aahit sinasabi ko gaganap sa senakulo kaso tinatawanan ako hehehe

    ganda ng poster nyo parang pag big production ang dating.

    ReplyDelete
  2. Mulong, nyehehe pwede kang apostol, aktwali on this one, sa pictorial kinulang kami ng apostol so iyong bestfriend ko bigla lang namin pinag-costume. ayon. apostol siya bigla. Malay mo, it's never too late. Audition ka! hehehe Salamat!

    ReplyDelete
  3. noon maganda rin ang senakulo sa amin talagang pinapako sa krus pero ngayon mukhang iba na kahit ipako pa sa krus hindi na katulad noong dati... siguro gawa din yun ng pag iiba ng mga gumaganap kaya nagbago na.. tuloy nyo lang yan.. galeng! pare pasend naman ng id wala sa email ko eh! mahiwagangkabute@gmail.com.... salamat... Rome of "Mindless"

    ReplyDelete
  4. Rome, hehehe ganun? I've never seen a senakulo na talagang pinapako, but i know they do that somewhere in pampanga...but nawala na rin ang aking interes diyan, medyo bata na lang ako ngayon eh..hehehe sure, i sent the id already.

    ReplyDelete
  5. nice fektyurs. ayos yan sumali ka sa ganyan. lol. aayaw ka pa a! hehehe. :D

    ReplyDelete
  6. aw. di pa ako nakakita ng senakulo ever.. ahehe.. pero i've experienced being in a production a lot of times.. yup grabe talaga ang effort.. pero its worth it pag nakita mong okay ang response ng audience..
    anyway, balik sa holy week.. sana makakita din ako nyan.. pero mas importante naman ata na makapagreflect at pray during holy week.. :)

    ReplyDelete
  7. astig ung pictorial marlon! hehe

    for sure maganda ung gnwa nyong senakulo.

    natutuwa ako tlga dun sa pictorial. hehe

    hindi man aq gnu ka religious na tao, dapat alam prin nting mga kabataan ngyon na nandyan si kristo sa kahit ano mang panahon.

    modern na kabataan meets jesus.

    astig!

    ReplyDelete
  8. wow! nakakatuwa naman yung production nila. nakakamiss tuloy nung HS at college whe i used to join such activities...

    cool shots. talagang with make-up at karir at pagp-popose! hehe!

    mahal na araw na nga pala noh? napaisip ako bakit senakulo.. hehe!

    peace out!

    ReplyDelete
  9. wow!
    ganda ng produksyon ah...
    saya-saya nyo siguro...

    nga pala unang beses na naligaw ako sa page mo at napaepal na rin...astig eh!

    hehe...hayaan mo, dadalasan ko na ang visit...

    sabi kasi Aian sa 'kin, bumisita raw ako dito baka sakaling mabiyayaan din ako ng blogger ID...hahaha

    add na kita sa blogroll ko para mabilis ang update...ganun? *winkz*

    ReplyDelete
  10. bigla ko tuloy naalala nung sumali nung mapasali ako sa senakulo. hindi naman ako kasama sa major role pero naging makulay ang pagiging taong-bayan ko dahil sa kakaibang tweak na ginawa ng director/friend namin. iba yung feeling kapag andun ka na... kahit hindi ka dapat umiyak, pag dumating na yung crucifixion scene, maluluha ka...

    kakamiss ang senakulo... sayang wala ako sa pinas...

    ReplyDelete
  11. pagpupugay para sa sakripisyo ni papa jesus..kahit masyadong old-fashioned pakinggan ang senakulo, maswerte tayo at nabigyan tayo ng pagkakataong gunitain ang simula nitong lahat lahat..

    mahusay ito..

    ReplyDelete
  12. Kapuri-puri ang mga larawang hatid mo mula sa "back-stage" o "behind the scenes". Dito ay naipakita ang tunay na larawan ng mga pangunahing karakter ng senakulo, ang kanilang payak at inosenteng mukha na di nakikilala sa harap ng entablado kung saan nila binibigyan ng buhay ang kwento ni HesuKristo tuwing Mahal Na Araw.

    Isang kaugaliang Pilipino ang Senakulo na naglalapit sa atin sa Panginoon. Purihin ka kaibigan.

    ReplyDelete
  13. kuya marlon!!!! nyahaha..

    nice one... walang halong pambobola... gusto ko yung ginawa mo... wla bang escerpt from the senakulo? pasilip naman.. curious lang.. ahehe.. thanks... cheers;p-glesy the gresat

    ReplyDelete
  14. hi, good day! i am Louise. an active youth member of St. Padre Pio Parish Youth Council. pwede po ba ako makahingi ng copy ng script na ginamit nyo for senakulo? kelangan po namin, ipe play din po kasi namin yun. thanks. God Bless! :)

    ReplyDelete

Post a Comment

WhAt Do YOu Say?

Popular posts from this blog

MIDNIGHT DJ-What are you most afraid of?

Ano ang una mong naiisip kapag umuulan kahit mataas ang sikat ng araw? Nagpapasintabi ka ba mga engkanto tuwing mapupunta ka sa kagubatan? Ano ang agad pumapasok sa iyong isipan kapag nabanggit ang Balete Drive? Kilala mo rin ba ang anak ni Janice? One of the many interesting things about the Philippine Culture is the fact that the wide majority of the population believes in the supernatural be it local myths, scary creatures,ghost stories or even things as basic as the "pamahiins". Some may even argue that this is a bit odd considering that we are a predominantly catholic nation where creatures like that don't exists in our Bible, but on a deeper thought, is that really a contradiction? I notice that much of the urban legends I grew up with actually is connected to our faith in one way or the other. One good example is the story about the "Tiyanaks", you know...usually unborn and victims of abortion, these babies turns into monster to seek revenge and kill peo...

I STUMBLED UPON

Halos alas-tres na ng umagA ng makita ko ito habang naglilikot sa internet. Pinaglalaruan ko kasi iyong stumble upon at sa pamamasyal, maliban sa mga photoshop related things. Eto nakita, ultimate wala lang ang mga ito pero some of it are really interesting. Here you go. A rat can last longer without water than a camel. Your stomach has to produce a new layer of mucus every two weeks or it will digest itself. The dot over the letter "i" is called a tittle. A raisin dropped in a glass of fresh champagne will bounce up and down continuously from the bottom of the glass to the top. A female ferret will die if it goes into heat and cannot find a mate. I know some people like that! A duck's quack doesn't echo. No one knows why. A 2 X 4 is really 1-1/2 by 3-1/2. During the chariot scene in "Ben Hur," a small red car can be seen in the distance. On average, 12 newborns will be given to the wrong parents daily! That explains it! Donald Duck comics were banned from F...

Kwentong Barbero

Nakarinig ka na ba ng kwentong barbero? Kahapon matapos ang humigit kumulang apat na buwan, muli na naman naitanong sa akin ng isang barbero ang tila ba script na paulit-ulit natatanong sa akin tuwing ako ay nagpapagupit; Mamang Barbero: “Putulin ba natin iyong patilya mo?” Dahan-dahan akong lumingon sa aking likuran tila ba isang eksena sa isang ma-dramang pelikula at sa oras na magtagpo ang aming mata (actually naka-salamin siya) ay binigkas ko ang palagi kong sagot, "Sige po!," Hindi ko pers taym magpagupit pero maraming pers taym ang experience ko kahapon. Sa kauna-unahang pagkakataon ay imbis na ako ang dumayo sa barber shop o parlor, ako iyong pinuntahan ng barbero. (sosyal lols!). Perstaym ko rin maputulan ng patilya gamit ang isang orihinal na labaha. Perstaym akong gumawa ng blog post dahil sa isang barbero. lols! Kilala si manong barbero dito sa amin bilang "the Wandering Barbero" dahil wala siyang sariling pwesto. Tulad ng karamihan, bata pa ako meron ak...