Skip to main content

QUESTION AND ANSWER!


Sabi nila, pagdating daw sa mga beauty contest. "There is no such thing as a wrong answer" dahil ang sagot ng kalahok ay base sa kanyang perspektib na hinubog ng kanyang pansariling karanasan, paniniwala at sa mga bagay na kanyang pinahahalagaan. Walang tamang sagot, ngunit madalas may isang sagot, pagsalaysay at pagtugon sa mga katanugan na palaging mangingibaw dahil marahil ang mga salitang ito ay totoo para sa marami at hindi lang sa nasabing kalahok.

I agree, there is no such thing as a wrong answer, but I think there is a Wrong Question.




Ang Q&A portion sa mga beauty contest katulad ng Bb. Pilipinas ay ang pinaka-aabangan ng manonood dahil ito ang bahagi kung saan kadalasan napagdedesisyonan kung sino ang karapat-dapat magwagi. Isang patunay rito ang ingay na ginawa ng pagkapanalo ni Janina San Miguel noong nakaraang taon dahil marami ang nagsabing hindi siya karapat-dapat sa titulo. Ganoon na lang ang ingay ng nangyari kay Janina noong nakaraang taon dahil sa kanyang paraan ng pagsagot ngunit sa kasamaang palad, wala man lang taong nag-question sa kalidad ng mga katanungang ibinato ngayong taon para sa mga kandidato. Ang pinaka-basurang tanong para sa akin ay ang napunta kay Richelle Angalot (A.K.A Rich Asuncion).

WHAT IS YOUR LUCKY NUMBER? Tanong ba naman ng matinong tao yan? Sa pagkakaalam ko tinatanong lang iyong mga ganyan sa chain-survey sa friendster. Iyong tipong mga nababasa natin sa bulletins. Paano mo naman i-elaborate iyong tanong na yan? kahit sabihin mo pang may follow-up question. Natalo na si Rich hindi pa man siya sumasagot. Balita pa naman noong una na isa siya sa favorite manalo dahil nanalo na rin naman siya ng ilang special awards. Hindi ko naman sinasabi na hindi deserving iyong ilang nanalo but I think mas maganda sana ang naging laban at basehan kung pareho ang tanong. Ayos lang sana kung lahat sila ganun ang tanong.

Rich, sorry malas ka bumunot. Ganon na lang siguro.


THE INFAMOUS JANINA SAN MIGUEL Q&A PORTION

Hindi sa pagmamalinis, isa rin ako sa mga tumawa sa nangyari because it is funny, kahit si janina tumawa, but I would depend Janina to anyone. She did really well, like what she said. It's her first pageant and yet she reached the TOP 10. Nainis ako ng basahin ko ang mga comments sa video ni Janina San Miguel, at ilang videos rin ang ginawa para lang pagtawanan si Janina. Kung makapagsalita ang kapwa natin mga Pinoy akala mo naman kung sino silang mga magagaling.




TRIVIA: This girl joined this year also, siya iyong tinanong kung ano iyong Idea mo of fun in the video above 2009 Q&A



Here, you will see hindi si Janina ang unang kinabahan kapag on the spot na.



Hands Down ako kay Licaros, Beauty and Brains talaga. Disregarding the question which is relatively easy, she was able to show she can be smart and be pretty at the same time.




Kaya siguro tinawag na Q&A, mahalaga ang tanong pati ang sagot. Sana, they were offered the same question just like how they do it in Ms. Universe.

Comments

  1. ang pinaka favorite kong portion ng mga pageant eh ung swimsuit competition. i dont care kung ano mga pinagsasagot nila! haha

    ReplyDelete
  2. Joffred, nyahaha syempre given na iyon. Bukod dun pare. hehehe

    ReplyDelete
  3. Alam mo this post, especially the videos, reminds me patas si God when it comes to the distribution of blessings. I mean really! Pero syempre may reality din na may mga tao din na extraordinarily blessed tulad ni Licaros... ayos! =)

    ReplyDelete
  4. We can't really get the best of both worlds..ganun lang siguro yun...

    ang mahalaga
    ginagawa natin yung best natin
    para sa isang bagay

    ReplyDelete
  5. Oracle, nyehehe...ganun ba iyon? hehehe...well, you see...kahit anong ibinigay sa atin, dapat talaga ayon ang gamitin at minsan hindi rin excuse iyong limitations, dapat talaga mag-strive ka to be better.

    Jen, You're absolutely right. APIR!

    ReplyDelete
  6. basta....
    beauty is in the eye of the beholder

    ReplyDelete
  7. madalas inaabangan ang mga Q and A kasi nag-aabang ang mga tao ng bopol na sagot. i bet, yung huling bb pilipinas, nagaabang ang mga tao kung sino ang susunod na j. san miguel...

    ReplyDelete
  8. i think unti nlng ang mga taong both merong beauty & brains..haha.but who are we to judge.. maybe out of confusion in front of a big crowd or stage fright kya na bla-black-out ang mga contestants. pede rin super under pressure cla kya kung ano2 nasa2bi kakaiba..hehe..

    tama ka...super non sense ung question ky rich..!

    ReplyDelete
  9. Jez, yup just like the saying goes,

    Lucas, ganun ba iyon? hehehe actually more than the funny answers, I wait for it hoping na may magaling na lalabas...

    Ghera, Yup, i agree...we can't tell naman kung gaano talaga kagaling iyong isang tao sa isang tanong lang eh...

    ReplyDelete
  10. hayaan na lang natin ang mga sagot nila...sa swimsuit competition tayo mag-focus... ahahahaha... :D (*wag sana ito mabasa ng grasya....ahahaha...)

    ReplyDelete
  11. Super G, hindi pa naman ata nagagala si grasya mo dito. safe ka. hahaha

    ReplyDelete
  12. When I saw the Q&A video, I was really disgusted, di ko alam kung paano pinaghandaan ng mga organizers ang portion na ito, the questions delivered by the judges themselves are really stupid questions which will only be meaningful sa slumbook ng mga elemetary students.

    And I agree with you that in a all beauty pageant contests, wrong answers never exists, only wrong questions. You might be interested in reading Prof. Fred S. Cabuan's opinion on Sunday Times on the same subject at: http://www.manilatimes.net/national/2008/mar/23/yehey/opinion/20080323opi7.html

    I love your post Marlon, purihin ka.

    ReplyDelete
  13. Pope, salamat sa comment at salamat din dahil nakuha mo ang aking ibig iparating sa post na ito. I should be more direct next time siguro para mas madaling maintindihan. hehehe Salamat sa article, i read it. It's a good one, i am thinking of writing a post about it. salamat

    ReplyDelete
  14. naisip ko tuloy ung sinabi ni sweet lapus nung magguest ang bb. pilipinas candidates sa showbiz central..ang dapat daw na tanong sa mga candidates eh yung tipong

    "if you would be given a chance, what chance would that be."

    mas ok pa yun kesa sa lucky number..malas lang talaga siya..

    ReplyDelete

Post a Comment

WhAt Do YOu Say?

Popular posts from this blog

MIDNIGHT DJ-What are you most afraid of?

Ano ang una mong naiisip kapag umuulan kahit mataas ang sikat ng araw? Nagpapasintabi ka ba mga engkanto tuwing mapupunta ka sa kagubatan? Ano ang agad pumapasok sa iyong isipan kapag nabanggit ang Balete Drive? Kilala mo rin ba ang anak ni Janice? One of the many interesting things about the Philippine Culture is the fact that the wide majority of the population believes in the supernatural be it local myths, scary creatures,ghost stories or even things as basic as the "pamahiins". Some may even argue that this is a bit odd considering that we are a predominantly catholic nation where creatures like that don't exists in our Bible, but on a deeper thought, is that really a contradiction? I notice that much of the urban legends I grew up with actually is connected to our faith in one way or the other. One good example is the story about the "Tiyanaks", you know...usually unborn and victims of abortion, these babies turns into monster to seek revenge and kill peo...

I STUMBLED UPON

Halos alas-tres na ng umagA ng makita ko ito habang naglilikot sa internet. Pinaglalaruan ko kasi iyong stumble upon at sa pamamasyal, maliban sa mga photoshop related things. Eto nakita, ultimate wala lang ang mga ito pero some of it are really interesting. Here you go. A rat can last longer without water than a camel. Your stomach has to produce a new layer of mucus every two weeks or it will digest itself. The dot over the letter "i" is called a tittle. A raisin dropped in a glass of fresh champagne will bounce up and down continuously from the bottom of the glass to the top. A female ferret will die if it goes into heat and cannot find a mate. I know some people like that! A duck's quack doesn't echo. No one knows why. A 2 X 4 is really 1-1/2 by 3-1/2. During the chariot scene in "Ben Hur," a small red car can be seen in the distance. On average, 12 newborns will be given to the wrong parents daily! That explains it! Donald Duck comics were banned from F...

Kwentong Barbero

Nakarinig ka na ba ng kwentong barbero? Kahapon matapos ang humigit kumulang apat na buwan, muli na naman naitanong sa akin ng isang barbero ang tila ba script na paulit-ulit natatanong sa akin tuwing ako ay nagpapagupit; Mamang Barbero: “Putulin ba natin iyong patilya mo?” Dahan-dahan akong lumingon sa aking likuran tila ba isang eksena sa isang ma-dramang pelikula at sa oras na magtagpo ang aming mata (actually naka-salamin siya) ay binigkas ko ang palagi kong sagot, "Sige po!," Hindi ko pers taym magpagupit pero maraming pers taym ang experience ko kahapon. Sa kauna-unahang pagkakataon ay imbis na ako ang dumayo sa barber shop o parlor, ako iyong pinuntahan ng barbero. (sosyal lols!). Perstaym ko rin maputulan ng patilya gamit ang isang orihinal na labaha. Perstaym akong gumawa ng blog post dahil sa isang barbero. lols! Kilala si manong barbero dito sa amin bilang "the Wandering Barbero" dahil wala siyang sariling pwesto. Tulad ng karamihan, bata pa ako meron ak...