Hindi na mabilang ang senakulong aking napanood magmula pa noong bata pa ako. Naalala ko pa nga madalas kailangan pa namin sumampa sa ibabaw ng tricycle para lang makapanood dahil sa sobrang dami ng taong nag-aabang hindi kay Jesus Christ o kay Hudas--kung hindi kay Matt Ranillo III at kung sino-sinu pang artista. Espesyal ang pagtatanghal sa Sta Ana noon, dahil dito rin lumaki si Cesar Montano at tuwing senakulo ay nag-iimbita siya ng mga artista para gumanap dito. Noon pa man, hindi na talaga ako mahilig sa artista dahil madalas ko naman silang nakikita sa tuwing nag-shooting sila sa Sta, Ana at tuwing naglalaro sila ng basketball doon sa court. Hindi ito nagbago kahit naging teenager na ako, at kahit palagi sila nandoon sa bahay ng barkada ko para mag-shooting, ay dedma lang kami. Wala naman masyadong iba sa kanila, maliban sa mukha silang maniking naglalakad at nagyoyosi tuwing wala sa harap ng camera. Ang dahilan kung bakit ko isinusugal ang buhay ko sa tuwing aakyat kami ng baske...