Skip to main content

Kwentong Barbero

Nakarinig ka na ba ng kwentong barbero?




Image Hosted by ImageShack.us



Kahapon matapos ang humigit kumulang apat na buwan, muli na naman naitanong sa akin ng isang barbero ang tila ba script na paulit-ulit natatanong sa akin tuwing ako ay nagpapagupit;


Mamang Barbero: “Putulin ba natin iyong patilya mo?”

Dahan-dahan akong lumingon sa aking likuran tila ba isang eksena sa isang ma-dramang pelikula at sa oras na magtagpo ang aming mata (actually naka-salamin siya) ay binigkas ko ang palagi kong sagot,

"Sige po!,"

Hindi ko pers taym magpagupit pero maraming pers taym ang experience ko kahapon. Sa kauna-unahang pagkakataon ay imbis na ako ang dumayo sa barber shop o parlor, ako iyong pinuntahan ng barbero. (sosyal lols!). Perstaym ko rin maputulan ng patilya gamit ang isang orihinal na labaha. Perstaym akong gumawa ng blog post dahil sa isang barbero. lols!

Kilala si manong barbero dito sa amin bilang "the Wandering Barbero" dahil wala siyang sariling pwesto. Tulad ng karamihan, bata pa ako meron akong suking barbero. Iyong tipong sa kanya mo lang ipagkakatiwala ang buhok mo dahil alam mong kung pumalpak ang gupit eh halos dalawang buwan mo rin titiisin na mapagtawanan ang hindi mo pantay na gupit. Wala na rin akong choice dahil sa Manila pa iyong suki ko at andito na ako ngayon sa ParaƱaque nakatira at siguro panahon na para magpagupit ako sa iba.

May edad na si manong, between 65-70 years old kaya naitanong ko rin sa sarili ko kung tama ba iyong ginagawa ko, ngunit hindi naglaon marahil sa magaling na PR ay naaliw din ako.

Ang mga sumusonod na tagpo ay base sa totoong buhay:

Nagsasalita si Manong habang inihahanda niya iyong kanyang gamit:

Manong Barbero: Alam mo ba na ang sukatan ng galing ng isang barbero ay ang laki ng kanilang gunting? (binabanggit niya ang mga nasabing salita habang inilalabas niya ang dambuhalang gunting na akala mo pamutol ng damo sa luneta)

Ako: Ok?!

Manong Barbero: Anong gupit mo?

Ako: Barbers lang po,

Manong Barbero: Ok, sigurado ka ba? baka mabigla iyong buhok mo? makapal pa naman at maganda ang tubo. Gusto mo hanapan natin ng kung anong bagay.

Ako: Sige po,
(naisip ko na lang tinanong pa daw niya ako kung ano gusto ko)

Kasabay ng pagbagsak ng ginupit kong buhok sa sahig ay ang nakatutuwang kwento ni Manong Barbero tungkol sa kung paanong dito raw sa Maynila, ang mga tao natuto ng maling tagalog. Sa mga call center agent, ito ang paraan niya para makapag-build ng rapport sa mga customer. Boring nga naman kung iisipin kung pareho lang kayong tatahimik. Sinakyan ko na ang kwento at naitanong ko kung ano ang ibig niyang sabihin. Dali dali siyang nagbigay ng halimbawa:



Manong Barbero: Nakaen ka ba ng bananaque?

Ako: Opo

Manong Barbero: Mali. Ibig sabihin noon ikaw iyong nawala, ikaw iyong kinaen ng bananaque. Dapat ang tanong doon. kumakaen ka ba ng bananaque?

Ako: Ah..Oo nga noh. sabay tawa ng hihihi!

Nagpatuloy ang litanya ni manong barbero at eto iyong mga naalala ko sinabi niyang maling Tagalog

Manong Barbero: Meron naman, iyong bata may sipon. Ano sabi ng nanay? "Punasan mo nga ng sipon iyong bata" Madungis na pupunasan pa ng sipon, tama ba naman iyon? Hindi ba't ang tama ay punasan mo iyong mukha ng mawala iyong sipon?


Ako: hihihi

Manong Barbero: Iyong kapitbahay ko, nangugutang sa akin. Paano, nahulog daw sa bubong iyong anak niya. Tanong ko paanong nahulog iyong sa bubong? San siya galing sa langit? Hindi ba dapat nahulog iyong bata mula sa bubong?


Ako: hihihihihihi


Manong Barbero: Eto matindi, bilin ng tatay sa anak niya. "Ikandado mo iyong pinto bago ka lumabas", Paano pa siya lalabas? hindi ba dapat Ikandado mo iyong pinto kapag labas mo?"

Ako: wahahahahahahaha

Natuwa ako sa maraming kwento ng aking barbero at sa totoo nga hindi ko namalayan na tapos na pala ang aming gupitan session pero higit sa lahat ng kinuwento niya sa akin sa halos isang oras namin gupitan. Meron siyang sinabi na hindi ko makakalimutan.

"Hindi dahil ginagawa, sinasabi o hindi pinapansin ng karamihan ang isang bagay ibig sabihin tama na iyon, sa oras na makisali ka at hindi mo piniling maging tama eh bahagi ka na ng isang pagkakamali.

Hindi ba mas maganda ang maging tama?"

Ako: APIR!!!














Comments

  1. tama yan!!! natats ako sa sinabi ni manong barbers sa huli... hindi talaga malilimutan yan... :) kahit ako e... magsilbing aral sana sa lahat.. :)

    sabihin mo nga pala kay manong, babero sya... :D hihihihihihi....

    san ka sa pque???

    ReplyDelete
  2. Cutter Pilar, pansin ko nga taga paraƱaque ka rin, dito ako Sucat.

    ReplyDelete
  3. Hehehe ganda nitong aral, napadalaw lang. Pasensya na at tagal ko rin nabakante. Add kita.

    ReplyDelete
  4. hahaa kakatuwa naman si manong barbero..

    oi taga paranaque ka rin pla?? at sucat pa! baka mamaya e nakakasalubong na pala kita sa daan ng nde ko nalalaman.. ahihi

    ReplyDelete
  5. Kuletz! taga-sucat ka din? saan dito? hehehe Imposible atang hindi magkapansinan mga kyut sa daan. hehehe

    ReplyDelete
  6. May I invite you to please join Filipinos Unite!!!. You may do so by commenting on my blog stating your name, address, name of blog and its url or by sending an email to melalarilla@gmail.com containing the same set of information. Thank you very much. God bless.

    ReplyDelete
  7. ^wow
    d pa ako nkkarans mag pagupit sa barbero, hnd pa ako nakakaranas ng totoong kwentong barbero
    kawawa nmn pla ako
    aheheheh
    mbuhay c manong barbero!
    yey!

    ~~~dyosa ng kgandahan, jayce XD

    ReplyDelete
  8. "Hindi dahil ginagawa, sinasabi o hindi pinapansin ng karamihan ang isang bagay ibig sabihin tama na iyon, sa oras na makisali ka at hindi mo piniling maging tama eh bahagi ka na ng isang pagkakamali. -- CLAP CLAP CLAP!

    Ang sarap naman mag-pagupit kay Manong. May take-out pang words of wisdom. Saan ka pa?

    ReplyDelete

Post a Comment

WhAt Do YOu Say?

Popular posts from this blog

MIDNIGHT DJ-What are you most afraid of?

Ano ang una mong naiisip kapag umuulan kahit mataas ang sikat ng araw? Nagpapasintabi ka ba mga engkanto tuwing mapupunta ka sa kagubatan? Ano ang agad pumapasok sa iyong isipan kapag nabanggit ang Balete Drive? Kilala mo rin ba ang anak ni Janice? One of the many interesting things about the Philippine Culture is the fact that the wide majority of the population believes in the supernatural be it local myths, scary creatures,ghost stories or even things as basic as the "pamahiins". Some may even argue that this is a bit odd considering that we are a predominantly catholic nation where creatures like that don't exists in our Bible, but on a deeper thought, is that really a contradiction? I notice that much of the urban legends I grew up with actually is connected to our faith in one way or the other. One good example is the story about the "Tiyanaks", you know...usually unborn and victims of abortion, these babies turns into monster to seek revenge and kill peo

I STUMBLED UPON

Halos alas-tres na ng umagA ng makita ko ito habang naglilikot sa internet. Pinaglalaruan ko kasi iyong stumble upon at sa pamamasyal, maliban sa mga photoshop related things. Eto nakita, ultimate wala lang ang mga ito pero some of it are really interesting. Here you go. A rat can last longer without water than a camel. Your stomach has to produce a new layer of mucus every two weeks or it will digest itself. The dot over the letter "i" is called a tittle. A raisin dropped in a glass of fresh champagne will bounce up and down continuously from the bottom of the glass to the top. A female ferret will die if it goes into heat and cannot find a mate. I know some people like that! A duck's quack doesn't echo. No one knows why. A 2 X 4 is really 1-1/2 by 3-1/2. During the chariot scene in "Ben Hur," a small red car can be seen in the distance. On average, 12 newborns will be given to the wrong parents daily! That explains it! Donald Duck comics were banned from F