Minsan madarama mo kay bigat ng problema
Minsan mahihirapan ka at masasabing “di ko na kaya”
Tumingin ka lang sa langit
Baka sakaling may masumpungan
Di kaya ako’y tawagin
Malalaman mong kahit kailan
Hawak-kamay
Di kita iiwan sa paglakbay
Dito sa mundong walang katiyakan
Hawak-kamay
Di kita bibitawan sa paglalakbay
Sa mundo ng kawalan
Ang kantang ito ni Yeng Constantino ay isang inspirasyon para sa marami. Sa musika pa lang at lyrics siguradong mapapakanta ka na at marahil dahil sa mensahe nitong ramdam ng karamihan na may problema, hindi makakaila na isa ito sa pinakamadalas inaawit kapag gusto mong humugot ng inspirasyon. Wala na sigurong mas babagayan pa ng kantang ito, kung hindi ang batang si Mon-mon.
Bigla akong nahiya sa aking sarili ng mapanuod ko si Mon-mon, isang bata na tila ipinagkaitan ng pagkakataon mabuhay ng normal. Mabuhay ng katulad ng karamihan at matamasa ang mga bagay na sa ordinaryong tao ay balewala. Hirap magsalita, hirap ngumiti pero nakakahanga na sa mata niya, makikita mo ang tuwa at hindi mapantayang ligaya. Tumayo ang balahibo ko sa aking napanuod katulad at naramadaman ko muli sa sarili ang parehong pakiramdam ng minsan kong mabasa ang sikat na pahayag ng pinakasikat na Deaf and blind Person sa buong mundo na si Hellen Keller ang mga salitang...
"Life is Beautiful".
Bilang isang taong meron rin isang kapansanan, nais ko rin sana mailagay ang sarili sa parehong pananaw katulad ng batang si Mon-mon at ni Hellen. Nais ko sanang makita rin ang mundo sa kanilang mata na tila ba walang problema, at kung meron man ay siguradong lilipas at magdaraan din ito.
Isang bagay sa mga napansin ko maikling panahon pa lamang ng aking pag-iikot sa blogosperyo na karaniwan paksa o tema na aking nababasa ay ang mga problema natin sa buhay. Maging ako, sa pagsusulat ko idinadaan ang aking pagrereklamo at katulad ng nabanggit din ng ibang blogger. May ilang ulit na rin akong nakapag-isip na maigi pa siguro hindi na lang ako pinanganak. Gusto kong maniwala sa kasabihang "Everything Happens for a Reason" kahit parang minsan pakiramdam ko walang sasapat na dahilan sa aking mga problema. Siguro lahat ng nangyayari may dahilan, ang problema lang...hindi lahat ng dahilan kaya mong intindihin o di kaya'y baka sadyang mahirap lang ito tanggapin.
Nakakahanga pagmasdan ang hirap, ngunit determinadong pag-awit ni Mon-Mon, tila ba para sa kanya ang mga salitang naisulat ni Yeng na hindi napigilan ang sarili lumuha. Paanong isang bata ay may ganun katinding pag-asa? Hindi ba't nagkaroon ng ibang kahulugan ang mga salitang "Minsan nahihirapan ka, at masasabing...di ko na kaya" ngunit sa halip na bumitaw ay lalo mong nakikita ang pagnanais niyang higpitan ang paghawak niya sa buhay. Minsan siguro kapag handa ka ng bumitaw sa bigat ng mga problema at handa ka ng bumitaw, palagi lang isipin ang dahilan bakit nagawa mong kumapit ng ganun katagal.
Siguro nga dahil bata pa si Mon-mon at hindi niya pa nararanasan ang mga totoong problema ng buhay kaya para bang napakasaya niya at tila hindi siya nauubusan ng pag-asa pero sa isang banda, hindi ba mas lalo siyang kahanga-hanga dahil kahit ang isang batang napagkaitan ng pagkakataon makipaglaro, makapagsalita ng tuwid, marahil makapag-aral at mangarap ng normal na buhay ay patuloy siyang nakatawa?
(Full Video at YouTube)
Nakakahanga pagmasdan ang hirap, ngunit determinadong pag-awit ni Mon-Mon, tila ba para sa kanya ang mga salitang naisulat ni Yeng na hindi napigilan ang sarili lumuha. Paanong isang bata ay may ganun katinding pag-asa? Hindi ba't nagkaroon ng ibang kahulugan ang mga salitang "Minsan nahihirapan ka, at masasabing...di ko na kaya" ngunit sa halip na bumitaw ay lalo mong nakikita ang pagnanais niyang higpitan ang paghawak niya sa buhay. Minsan siguro kapag handa ka ng bumitaw sa bigat ng mga problema at handa ka ng bumitaw, palagi lang isipin ang dahilan bakit nagawa mong kumapit ng ganun katagal.
Siguro nga dahil bata pa si Mon-mon at hindi niya pa nararanasan ang mga totoong problema ng buhay kaya para bang napakasaya niya at tila hindi siya nauubusan ng pag-asa pero sa isang banda, hindi ba mas lalo siyang kahanga-hanga dahil kahit ang isang batang napagkaitan ng pagkakataon makipaglaro, makapagsalita ng tuwid, marahil makapag-aral at mangarap ng normal na buhay ay patuloy siyang nakatawa?
(Full Video at YouTube)
sabi nga inosente sila...pero hanggang kelan kaya?
ReplyDeletepero tama ka, kung sila eh inspiradong mabuhay, dapat mas lalo tayo!
this is an eye-opener to most of us...
ReplyDeletegrabeh thanks for sharing...
@ abe caracas.... agree ako sa point muh talaga, but we must also make a difference for them in any way we can and not pity them but admire the way they tend to survive...
Mulong, salamat sa muling pagbisita. Tama ka sa sinabi mo. Dapat tayo ay pumulot ng inspirasyon sa kanila
ReplyDeleteAntoine Greg, salamat din sa pagbisita. Exactly, people with disabilities don't want pity. What we want is acceptance and a chance to prove ourselves. If there's a reason why some people ends up with disabilities, i believe it is to teach us not to give up and also to fight no matter what the circumstances, as well as to make us appreciate things we normally take for granted.
napanood ko 'yan. God bless that kid.
ReplyDelete- tenco
i'd watched this. napa-iyak ako, and i hate crying pero hindi talaga napigilan. I was touched, i like the song and i like yeng but i never thought na mapaiyak ako ng isang kanta.
ReplyDeleteHannah Montana|Ugly Betty Episodes
byter, salamat sa pagdaan at iyong pagkomento. Ang mga tulad nian ang dapat natin hugutan ng tamang inspirasyon
ReplyDeletekung minsan, nasa tao talaga yan, kung magpapatalo sila o hindi, kung magiging taong may kapansanan lang ba sila o magsusumikap na mabuhay ng normal. ako, magpanggang ngayon ay hindi aware ang buong seminaryo at syempre, karamihan ng mga kaibigan ko na bingi ang kaliwang tenga ko simula bata pa ako, dahil ni minsan ay di ko ginamit na excuse ang aking pagiging bingi kung di ko man naunawaan o narinig ang mga usapan. pinilit kong mabuhay ng normal, at hayan na nga, abot kamay lang ang pangarap.
ReplyDeleteGod bless, marlon!
alam mo bang kapangalan mo ang best friend ko?
teka nga pala, nag-invite kang mag-add sa blogroll. matagal na kitang na-add pero hanggang ngayon eh wala ang ngalan ko sa blogroll mo. last monday lang ako nagpost ng article so at least nandyan yun. invitation ba talaga yun from you o linkfishing ka lang?
Salamat sa iyong pagbisita at pagcomment. Tama ka sa sinabi mo na nasa tao ang desisyong kung pipiliin niyang sumikap at paglabanan ang kanyang kapansanan, at sana mapatawad mo rin ako dahil hindi ko agad nailagay iyong site mo sa list ko, sobrang nakakalito kasi sa dami ng site na aking napuntahan at ilang beses rin ako nag-change ng lay-out sa may mga links talagang nawala ng hindi ko sinasadya. Mahirap mag-keep track, bilang pagbawi ay ilalagay ko ang site mo on both of my blogs, SALAMAT!
ReplyDeletepasali!
ReplyDeletei admire helen keller, bata ba lang ako non.
pinabasa kasi samin yung storya nya when i was in grade 4. inspiring talaga.
sana maipamahagi pa yung storya nya at ang iba rin ay mabigyan ng inspirasyon at ssabihin na rin nating idolo.
Xianstoics, salamat at napadaan ka. hehehe you are right, bata pa rin ako marinig ko ang kwento niya at talagang inspiring sila.
ReplyDeleteisang magandang halimbawa nga ang batang si monmon na kahit nahihirapan patuloy pa rin ang buhay. thankful pa rin tayo kahit may mga problema eh at least bingyan tayo ng normal na buhay para kaya nating malampasan lahat... nice post!
ReplyDeleteMon, I couldn't agree more, maraming salamat at nagustuhan mo ang post.
ReplyDelete