Skip to main content

Ang Hiwaga ng Itim na Nazareno




Enero na naman, maliban sa maingay na putukan at kaarawan kong hindi nakatutuwang abangan, isa sa pinakahihintay kong kaganapan bilang isang average Juan ay ang kapistahan ng Nazareno diyan sa Quiapo--DVD capital ng Pilipinas.

Hindi ako deboto, hindi rin ako relihiyoso at sa katunayan hindi ko na maalala kung kelan ako huling nagsimba, seryoso. (Hirap mag-rhyme) Simple lang akong tao na may sariling paniniwala sa mga bagay-bagay. Hindi kasi ako naniniwalang ang pagdadasal lang ng sampung Ama namin at ang limang Ave Maria ang kelangan kong gawin para patawarin ako ng Diyos sa isang buwan kong kasalanan. Naniniwala ako sa Diyos, para sa akin sapat na iyon.

Naalala ko ang gulat ko ng minsan na akong tanungin ng isang Amerikanong Itim tungkol sa Piyesta ng Quiapo. Bihira kasi sa mga Amerikanong nakilala ko sa Michigan ang may alam ng kahit ano sa Pilipinas at talagang nabigla ako sa sinabi niya.


Amerikanong Itim: "Yah know, I always wanted to go to the Philippines,

Marlon the cutest pinoy: "Oh! Really, I guess you've heard how beautiful it is, i recommend that you go to Boracay, though i haven't been there i know it's a paradise"

Amerikanong Itim: Actually, I haven't heard of that, sounds interesting though.

Marlon the cutest pinoy: "oh?!" (pahiya ng unti)

Amerikanong Itim: I wanted to go to the Philippines, it is my Mecca, I wanted visit the Black Nazarene. I know it's in Manila. I wonder if you could tell me more.

Marlon the cutest pinoy: Sure! (buti na lang adik ako sa history so nakabawi, kinuwento ko iyong alam ko sa Nazerene at sinabi ko rin na nangitim lang iyon sa tagal ng panahon.)

Amerikanong Itim: I really wanted to go there and see for myself why they believed in it so much.

Biglang natanong ko rin sa sarili ko iyong tinanong niya, bakit nga ba ganoon karami ang naniniwala at kahit buhay nila handa nilang itaya mahawakan lang ang Nazareno? Bakit ganoon ang paniniwala nila na naipapasa ito sa ilang salin ng henerasyon. Totoo nga bang may himala ang Nazareno? Hindi ko siguro masasagot ang tanong na iyan, maging ang mga debotong napapanuod ko sa T.V, hindi alam kung bakit sila naniniwala. Basta mahalaga, naniniwala sila.

Para sa akin, kung meron mang mirakulo ang Nazareno ito ay ang kakayahan nitong taon-taon, tuwing ika-9 ng Enero ay napagtitipon-tipon niya ang mga tao mula sa iba't-ibang panig ng bansa at nailalagay niya ang mga ito sa isang level kung saan lahat pantay-pantay. Napag-iisa niya ang libo-libong tao, kung hindi man milyon sa paghila ng lubid paabante patungo sa gusto nilang puntahan. Isang himala na sa kabila ng katotohan ang bawat taong nagpupunta sa Quiapo may sarili silang layunin, at pangarap na gustong matupad ngunit sa kabila nito ay nagagawa Niya silang pag-isahin dahil lahat sila may iisang paniniwala.


Lubha sa ating mga pinoy ang pagiging relihiyoso, o ang pagkakaroon ng matinding paniniwala sa isang bagay. May ilang naniniwala sa hula, iyong ilan naniniwala na puputi sila sa sabon ni Belo, iyong ilan naniniwala kapag sinabi ng idolo nilang artista na "mahal ko kayo", marami ang naniniwala ke Pacquiao tuwing lalaban siya. AKO, naniniwala akong cute ako (ang sumang-ayon kyut din). Lahat tayo may mga bagay na pinaniniwalaan. Kahit hindi man popular ang idea sa ibang tao. Mahalaga naniniwala ka.

Ako, naninwalang kung ang bawat pinoy, maniniwala sa Pilipinas, magkakaroon ng Himala.

Comments

  1. yung mom ko din ay isang devotee ng black nazarene.. matagal tagal na nga din ako di nakakapag simba eh.. siguro ewan ko kung bakit.. lagi kasi akong puyat sabado ng gabi eh. kaya sa linggo, pati katawan ko nasasaniban ng katamaran.. hayz!

    ReplyDelete
  2. i agree sa lahat ng sinabi mo..
    hindi lang sa ikaw ang cute kundi ako din cute..

    ang paniniwala sa nasareno eh kasing tagal na yan ng relihyon natin.. siguro hindi na yan malilimutan.. akalain mo yun, taon taon

    happy fiesta!
    tapos
    happy betdey ng aking nanay!
    ayus
    sa
    olrayt

    ReplyDelete
  3. hi! thanks for visiting my blog..yes i really like photography but I'm still starting.. but I'm serious about it. I actually got a Nikon D60 last wednesday instead of the D40..I like your photos..I must say you take better than I do. How about you? What cam do you have?

    p.s. sorry for the late reply..got super busy with work lately.I added your link na. I'll be opening a blogspot blog soon for my photography, hoping to see you there. :)

    ReplyDelete
  4. cyndirellaz, ok lang iyon. Kahit tatlong taon ka hindi magsimba tulad ko, punta ka lang church,kumpisal ka ke pader, taz dasal ka 25 na Ama Namin, 15 Ave Maria, tska iyong isang dasal pa na hindi ko pa rin maalala,

    Kosa, Salamat at naniniwala kang kyut ako (Ikaw rin kyut pero syempre lamang akong unti) Happy b-day sa nanay mo!

    beipam, uhm..English pala comment mo wait hinga lang ako malalim.

    Thank you for the compliment, my pictures are taken using my super hi-tech (5 years ago) Fuji Finepix S7000 , i've always wanted to have a camera just like yours, I can't afford it. My s7000 was just given to me by FUJI YKL Phils, as a sponsorship. (Maybe they think i'm cute that's why they gave it to me) anyway, i too want to take photography seriously, i just don't have time for it. Thanks for the link exchange, mind exchanging cams? lol!

    P.s I sure will visit your photography blog.

    ReplyDelete
  5. hahaha..funny ka man..sorry nag ingles ako! try to save up na lang for a new cam..or i credit card mo lang hehe! yung sakin regalo lang sakin ng hubby ko, hehehe!

    try visiting this site: www.digital-photography-school.com/blog

    member ako dyan. really nice site. people are helful and friendly. see u around! btw, jst call me pam.

    ReplyDelete
  6. hi...

    nice post!

    sometimes ako din habang pinapanuod ko sa tv ang mga scenario na yan, i really pity these people.

    yes, i do believe in Christ and yes, i do not believe in such faith or idolatry (as i see it).

    grabeh, i really cant blame this people if naniniwala sila sa kapangyarihan ng imaheng ito pero ako isa lang ang pinaniniwalaan ko... buhay ang Diyos na nakilala ko at nasa langit siya ngayon.

    yun lang share lang! hehe! seryoso na masyado.

    ReplyDelete
  7. hi! Pam, thanks for letting me know about the site. I just revisited your blog, i can't find any pictures from your super hi-tech cam, (ubos na hininga ko tagalog naman) nakakainggit ka naman. Kaya minsan talaga maganda iyong may "Hubby" lalo na iyong supportive sa "hobby" mo. hehehehe i don't have credit cards kasi feeling ko lage ako maraming pera. hahaha o siya, see yah around. Daan ka ulit!

    ReplyDelete
  8. Yhen1027, salamat at napadaan ka. Salamat at nagustuhan mo ang post at kahit paano napag-isip kita. ok lang maging seryoso, gusto mo umiyak ka pa eh. lol! naniniwala ka ba sa artista kapag sinabi nilang mahal ka nila? hehehe

    Nice Blog too..baka naman pwedeng mailagay iyong link ko sa gilid ng blog mo. ahahaa salamat! Salamat!

    ReplyDelete
  9. saan mang larangan o aspeto ng buhay, basta naniniwala tayo, hindi malayo ang himala.

    - tenco of alasais

    ReplyDelete
  10. kakapanood ko lang kanina sa mga deboto..nakakilabot nga sa sobrang dami ng tao..

    pero nakakahanga yung faith nila, di rin kasi ko palisimba:)

    p.s
    sang-ayon akong cute ka^^

    ReplyDelete
  11. kakagulat nga ang pagkadeboto sa nazareno. sobrang dami at talagang kahit makipagsiksikan na pwede ring ikamatay nila ay talagang gagawin nila. hindi man ako deboto pero sa tingin ko may nagagawa talaga yung pagpunta nila doon.

    salamat sa pagbisita sa blog.

    ReplyDelete
  12. sabi ng prof ko..karamihan daw sa mga debotoi..mahihirap.. may mga sinabi siya about dun eh..kaso nakipagdaldalan nako...pak!!

    -
    wei

    ReplyDelete
  13. hello marlon. daan ako uli...im looking at your flicker photos..wala pa ko naa-upload na pics kasi andun pa sa laptop sa bahay..busy me lately sa work kasi kaya wala pang time mag-update ng blog..hayaan mo, after the 23rd of jan marami na ko panahon..upload ko yun sa flickr... hehe..il let u know..

    ReplyDelete
  14. btw, nagpo-post processing ka ba ng photos mo? di pa kasi ko marunong eh..

    ReplyDelete
  15. tenco ng Alas-sais, stormy, the Dong, Gagitos Tama kayo, ang hirap maintindhan ang debosyon ng mga tao sa Nazareno pero gaya nga ng sabi ni Mike Enriquez kagabe sa balita. "Walang paliwanag ang sasapat sa mga hindi naniniwala, sa mga naniniwala walang paliwanag ang kelangan para ito maintindihan." hindi ito iyong exact words, hindi ko maalala, syempre mas astig iyong pagkakasabi niya. (EXCUSE ME PO!)

    Stormy, salamat at naniniwala kang kyut ako, bumisita ako sa blog mo, medyo nahiya ako. "Medyo" mas kyut ka pala sa akin. hahahah aktwali maganda siguro mas tamang description.

    The Dong, kung meron man nagagawa pagpunta nila. Ayun eh siguro self-satisfaction.

    Gagitos, minsan mas magandang nakikinig sa mga prof dahil baka may sinasabi silang mabuti. MINSAN lang, hahaha

    Salamat sa pagbisita. Balik kayo!
    Silipin ko rin blog niyo.

    ReplyDelete
  16. Hi Pam, nice to see you here again. Pagpasensyahan mo na ang mga litrato na yan, kuha lang yan ng walang magawa. Aktwali, i know a little post-processing kasi pinaglalaruan ko rin ang photoshop, medyo marami akong natutunan but the pictures i have in flickr are all raw, wala yan retouch kasi ganun ang gusto kong klase ng photography. Gusto ko rin matuto pa about processing kasi it can really make the pictures look much, much better but i don't intend to do it with my pictures just yet.

    Sure look forward to it, bigla tuloy ulet nabuhay iyong interest ko sa photography.

    (actually i remember one of the picture was modified iyong coins,)

    ReplyDelete
  17. Hi -sphinxs-!

    Nabalitaan ko, kyut daw ang may-ari ng blog na ito pati na ang mga dumadalaw. Kaya ako'y napagawi dine {ehem!}.

    Sumilip lang galing sa bahay ni Bro.Utoy.

    Gusto ko ang huli mong sinabi: "Ako, naninawalang kung ang bawat pinoy, maniniwala sa Pilipinas, magkakaroon ng Himala.". Apir!

    God bless and more power!

    ReplyDelete
  18. revsiopao, Tama iyong balita mo, kyut nga mga tao dito, syempre ako mastermind. Since pareho tayong cute bakit hindi tayo mag-exchange links? APIR! hahaha Opo, mukha man sira ang ulo ko, ako po ay isang matinong kabataang may pangarap para sa bayan. Isa po akong seryosong tao na ginagamit ang blog as medium para makaabot ng maraming tao. (plug) for more info; Check the post. I witness, the underdogs. hehehehe salamat! See yah around

    ReplyDelete
  19. huhuhu.. nahihirapan talaga ako magcomment sa blogspot...

    hehhehe anyways..

    HALELUYA!! din nyahahaha..
    buti ka pa may lakas ng loob makipagusap sa mga banyaga.. ako na nonose bleed lang pag ganyan..

    hehehhehee..

    tama ka.. MAY HIMALA!!! na sa bawat puso ng mga pilipino ang HIMALA!! nyahahaha..

    nice post ha..

    btw, cute din ako kaya sumasang-ayon din ako :D

    ReplyDelete
  20. sa wakas nai-link din kita!

    meron himala!

    ReplyDelete
  21. wow.. naniniwala akong cute ka.. kaya kyut na rin aku..haha..

    ahm..aku palasimba..pero hindi katoliko.. protestante po..namamangha akong panoorin ang balita tungkol jan lalo na yung parang dagat ng tao ang nangyayare makahawak lang sa tali o sa itim na nazareno..im not the one na sumasamba o naniniwala sa mga santo o mga rebulto like the black nazarene, pero i respect naman yung mga deboto..syempre paniniwala nila un..di naman nila aku pinapakialaman sa paniniwala ko eh.. bilib aku sa kanila..
    pati na sa mga kyut..haha..ako din..cute..haha..

    nice post there.. kip them coming..

    ReplyDelete
  22. Taon-taon, maging ako e na-a-amaze kung paano ang debosyon ng ating mga kakabayan sa Poong Nazareno.

    Sa aking pananaw, labis ang debosyon sa Poon. Hindi ko naman sila masisi kc sa tagal na nating lugmok sa kahirapan, tanging Diyos na lamang ang kanilang tinatakbuhan. Tila kanilang nalilimutan na NASA DIYOS ANG AWA, NASA TAO ANG GAWA.

    ReplyDelete
  23. Neto, Salamat sa pagbisita. Good thing that you said that. Kahit anong mangyari as long as we know how to tolerate each others belief then we should all go along. Wag lang mag-ober the bakod kasi that's when conflict starts.Salamat sa paniniwala sa mga kyut. Feel free to grab the badge!

    Rehabman, salamat at napadaan ka. Also, good point. Sabi nila the reason why pinoys daw ay may matinding paniniwala kasi mahirap tayo. We tend to be hopeful kasi nga naman nasa worst condition na. Hindi siguro natin ma-imagine kung paano pa magiging worse. (i elaborated more on this point sa post ko Dr. Pepe in Perspektib) baka kapag may oras ka daan mo. Salamat!

    ReplyDelete
  24. nice blog.il use it 4 our research paper in fil.

    ReplyDelete
  25. Monique, thanks for the drop. Yup, you can use it if you want to fail. lols!

    ReplyDelete
  26. im so bless sa ilang taon na akong namamanata sa itim na nazareno...sa wakas nahawakan ko din ang lubid nya....di ko lang nahawakan na hila ko pa....iba pala ang feeling pag andun kana..mararamdaman mo talaga ang SPIRIT.. GRABE ANG KILABOT NA NARAMDAMAN KO..,WALANG HUMPAY ANG LIGAYA KO...MAGPAPASALAMAT AKO SA 6 NA TAON KUNG HIWALAY SA ASAWA DI NYA AKO PINABAYAAN..ANG DAMING BLEASING NA BINIGAY NYA

    ReplyDelete

Post a Comment

WhAt Do YOu Say?

Popular posts from this blog

MIDNIGHT DJ-What are you most afraid of?

Ano ang una mong naiisip kapag umuulan kahit mataas ang sikat ng araw? Nagpapasintabi ka ba mga engkanto tuwing mapupunta ka sa kagubatan? Ano ang agad pumapasok sa iyong isipan kapag nabanggit ang Balete Drive? Kilala mo rin ba ang anak ni Janice? One of the many interesting things about the Philippine Culture is the fact that the wide majority of the population believes in the supernatural be it local myths, scary creatures,ghost stories or even things as basic as the "pamahiins". Some may even argue that this is a bit odd considering that we are a predominantly catholic nation where creatures like that don't exists in our Bible, but on a deeper thought, is that really a contradiction? I notice that much of the urban legends I grew up with actually is connected to our faith in one way or the other. One good example is the story about the "Tiyanaks", you know...usually unborn and victims of abortion, these babies turns into monster to seek revenge and kill peo...

I STUMBLED UPON

Halos alas-tres na ng umagA ng makita ko ito habang naglilikot sa internet. Pinaglalaruan ko kasi iyong stumble upon at sa pamamasyal, maliban sa mga photoshop related things. Eto nakita, ultimate wala lang ang mga ito pero some of it are really interesting. Here you go. A rat can last longer without water than a camel. Your stomach has to produce a new layer of mucus every two weeks or it will digest itself. The dot over the letter "i" is called a tittle. A raisin dropped in a glass of fresh champagne will bounce up and down continuously from the bottom of the glass to the top. A female ferret will die if it goes into heat and cannot find a mate. I know some people like that! A duck's quack doesn't echo. No one knows why. A 2 X 4 is really 1-1/2 by 3-1/2. During the chariot scene in "Ben Hur," a small red car can be seen in the distance. On average, 12 newborns will be given to the wrong parents daily! That explains it! Donald Duck comics were banned from F...

Kwentong Barbero

Nakarinig ka na ba ng kwentong barbero? Kahapon matapos ang humigit kumulang apat na buwan, muli na naman naitanong sa akin ng isang barbero ang tila ba script na paulit-ulit natatanong sa akin tuwing ako ay nagpapagupit; Mamang Barbero: “Putulin ba natin iyong patilya mo?” Dahan-dahan akong lumingon sa aking likuran tila ba isang eksena sa isang ma-dramang pelikula at sa oras na magtagpo ang aming mata (actually naka-salamin siya) ay binigkas ko ang palagi kong sagot, "Sige po!," Hindi ko pers taym magpagupit pero maraming pers taym ang experience ko kahapon. Sa kauna-unahang pagkakataon ay imbis na ako ang dumayo sa barber shop o parlor, ako iyong pinuntahan ng barbero. (sosyal lols!). Perstaym ko rin maputulan ng patilya gamit ang isang orihinal na labaha. Perstaym akong gumawa ng blog post dahil sa isang barbero. lols! Kilala si manong barbero dito sa amin bilang "the Wandering Barbero" dahil wala siyang sariling pwesto. Tulad ng karamihan, bata pa ako meron ak...