May ilang oras din akong nakatulala ngayong araw habang ako ay nababalutan ng dilim. Sa hindi kalayuan wala akong ibang natatanaw kung hindi ang tila sumasayaw na ilaw na nagmumula sa kandilang maningning. Apoy na kaysarap tignan ngunit hindi pwedeng hawakan. Kagandahang tulad ng iba ay maglalaho rin at hindi magtatagal ay babagsak sa kawalan.
Teka..Eto ba ang epekto ng brownout? Na-bored lang ako talaga siguro kaya naman naghanap ako ng gagawin. Paano ba naman brownout na hindi ko pa man nauubos iyong kape ko. So tumingin ako sa ref, pati na rin sa right. Hindi nagtagal nakita ko iyong camera ko tapos nag-test shoot sabay biglang na lowbat. Badtrip ngayon naman meron na akong gagawin bigla naman siya nalowbat. Napalingon kasi ako sa collection ng ate ko ng ONE PIECE ACTION FIGURES at iyong dalawa kong Naruto Collectibles habang nakikinig ako ng awiting Iris sa cellphone. Dinampot ko sila isa't-isa at oh lalalala...
(LOWBAT AT MEDYO NAGLOLOKO ANG s7000 cam ko kaya ang mga susunod na larawan ay kuha lang ng isang VGA CAMERA PHONE)
One Piece Sa Dilim
MONKEY D. LUFFY
TONY TONY CHOPPER
CYBORG FRANKY
USOPP THE LIAR (a.k.a SOGE KING)
NICO ROBIN
PORTGAS D. ACE
BROTHERS
NARA SHIKAMARU
HYUGA HINATA
Maliban sa instant anime' pictorial na yan, medyo nagawa rin akong mapag-isip kung paano tayong mga tao kadalasan natin nababalewala iyong mga bagay na parating nandian lang. Tulad ng simpleng kuryente, sa araw-araw nating pagamit hindi natin napapansin kong ano talaga iyong tunay nitong halaga hanggang sa isang iglap bigla na lang ito mawawala. Malungkot lang hindi lang ng nawawala bumabalik tulad ng kuryente.
ahahaaha. one piece talaga ah. mas gusto ko ang naruto! :D
ReplyDeletegoodluck sa brownout.. sarap maglaro ng tagu-taguan pag brownout... :)
Wahahaha Mas trip ko rin Naruto, actually si Shikamaru.hahaha ok din one piece hands down din. Taguan ba? sali ako.
ReplyDeletehi..oh eto ha visit ako sa latest post mo..alam mo napansin ko sa photos mo magaling ka sa lighting. may talent ha, hehe. san ka natuto? paturo naman o, hehe.
ReplyDeletehi Pam, wahahahaha natatawa ako sa comment mo. Kung alam mo lang kung ano yang "lighting na yan" hahaha ayan po ay unting liwanag mula sa siwang ng aming bintana. tsamba, tsamba lang po iyan hindi ko alam kung paano ko siya ginagawa. I am actually wondering what if my i used my actual camera hindi iyong cp, (eto may post processing, i simply converted it to B&W kasi maraming noise as expected sa VGA CAM with the lighting in consideration. Dark kasi) I wish i could help you, but i am sure you know more than i do, i just go by what i see, I once said to somebody that with pictures, as long as it looks good to you. Then it is good. Bonus na lang iyong nagugustuhan din siya ng iba.) Salamat you are able to rekindle the "photographer" in me. Salamat, Salamat, let me know kapag up na pics mo ah.
ReplyDeletehahaha...
ReplyDeleteartistic!!!
galing ah!!
ako pagbrown-out tulog lang ako eh...
Aian, i actually thought of doing that. Kaso maingay kanina, iyong pamangkin kong b-day mo ata Jan. 11, they celebrated it today. Habang brownout. hahahaha
ReplyDeletethe artsy part provided by the siwang ng bintana. ahaha salamat.
oo nga eh, alam mo noong bumagyo sa amin, naaalala mo pa ba si milenya? bagyo yun, wag mo ng pagisipan.. hehe! ayun 2 wiks nawalan ng kuryente at noong nagkaroon, sabay sabay lang naman ata nagsigawan ang buong neighborhood!! hay pero in fairness sa ibang bansa like sa hk di nagbro- brown out! astig ^^ sa amin kasi sa cavite, pag walang kuryente, wala na din tubig,,, hayz!!!
ReplyDeleteLumalabas pala ang iyong "lalim" at pagiging krieytib kapag madilim.
ReplyDeleteBehind all the photos shared, I could see a very reflective Marlon.
Apir sa kapwa-kyut!
yup.. luphet napaka creative ha.. gustong gusto ko ang black and white photography so consider na 'yan na master piece :D
ReplyDeletegustong gusto ko yung panimula mo so luphet..
I love your blog na :D
\m/
ang galing! astig! hehe
ReplyDeletemga epekto naman tlga ng walng ilaw oh.. :p
Hi there!
ReplyDeleteCyndirellaz, syempre naman naaalala ko si milenyo, siya iyong muntik ng magdala ng bubong namin sa himpapawid.
Revsiopao, Hindi lang po ang lalim ang lumalabas sa akin kapag madilim. Marami pang iba, hahahah joke lang po. Tama ka, ako ay isang malalim at reflective na tao. mahilig ako magmumuni, kahit gusto ko itago, lumalabas siya talaga. Salamat sa muling pagdaan. Congratz sa siopawan mong 1 month old na?! ako din malapit na mag 1 month! I will add your link soon after this,
Otep, salamat at natutunan mo ng mahalin ang aking blog, wahahah tinamaan lang ako ng brownout kaya ako nakapagsulat ng ganun. Style mo iyon diba? ASTIG ka sa ganun eh. I also like Black and White Photography but mostly kapg tao ang subject, kasi dramatic effect niya. Makulay din kasi ang mundo kaya minsan ko lang siya gamitin.
Jop, Salamat sa muling pagbisita. Maraming himala kapag walang ilaw. lam mo na yun. hahaha
hahahaha, kala ko nga flashlight gamit mo dahil brownout!
ReplyDeletethanks for that tip marlon, really appreciate it. kapag nanalo sa photography thing ibig sabihin may talent di ba! hehehe.
sana magkaroon ka na ng cam na gusto mo. you know I'm glad I know someone from the blogging world who share my interests, hehe. so salamat din!
uy, claim ko pala yung cute pinoy badge! pano ba?
ReplyDeleteHi Pam, Same here it's good to have a fellow photo enthusiast. Like what i said before, i guess they just thought i was cute that's why i won. hahaha it's only a school thing so i couldn't say na "may Talent" ako dahil hindi naman pro iyong mga kasali. I was just doing a homework yah know. hehehe i just visited your blog. GREAT SHOT. I like to pursue photography but it's not on the top of my priorities. (Kaya unti lang pictures ko kahit 17 yrs old pa ako ng mag-start mag-shoot) I want to get a new laptop too para mas masarap magsulat at magblog kahit balik ako work. hehehe
ReplyDeletejust send me an email for the code on the badge. ciao!
wow..gusto ko yung cute badge..wahaha.. ASA..
ReplyDeletenice nman.. trip ko pareho yang one piece at naruto..antagal maglabas ng bagong episode ng one piece eh.. eniweys, add kita na sa link q ha.. salamat sa pagdalaw..balik ka po..weee..anime
yay! ang galing naman! love ko one piece at naruto. hmp.
ReplyDeleteei, kahit hindi ako cute,salamat po ng marami sa cute badge. ahaha.
tc.
Neto at Izangel, salamat sa pagbisita at pagkomento, salamat din at nagustuhan nio iyong badge. Feel Free to grab it.
ReplyDeleteNeto, i agree antagal nung bagong episode, badtrip nga. Gusto ko na makita si brook. yohohoho..!
Izangel, kyut ka rin. if you believe! hahaha
haha.. c brook.. ang kalansay,, kelan ba ilalabas yung bago??tsk3??
ReplyDeletehi marlon, I think dahil sa wordpress yun kasi may mga certain scripts hindi supported by wordpress. kakainis nga eh. hmp..im still working on my blogspot..
ReplyDeleteparang mas madrama yata kapag cellphone ang gamit sa photography. parang scandal lang ang dating! hehe...
ReplyDeleteang galing-galing!