Skip to main content

The Happy B-Day Post!

January 13, 1987. 8,037 days ago. Sa araw na iyan ako pinanganak at diyan unang umiyak dahil pinalo ako sa pwet. (kayo din siguro) Dahil sa araw na iyan, kabilang ako sa year of the rabbit at isa akong capricorn. Nag-try ako mag-research kung anong pinakamagandang nangyari sa araw na yan sa kasaysayan pero wala na atang hihigit pa sa katotohanang pinanganak ako sa araw na iyon. (Oh, walang aangal b-day ko)

Dalawang pagkakataon lang sa buong buhay ng tao kung saan puro maganda ang sasabihin nila sayo. Iyong una ang b-Day mo, (ako b-iday ko ngayon so alam na) at pangalawa iyong madalas nating nakikita sa balita. Kapag namatay ka na.Wag niyo na hintayin mamatay ako bago niyo pa simulan ang mga pagsasabi kong gaano ako kabait, ka-sweet,ka-kyut at paano ako nakatulong sa iba, paano ako naging inspirasyon at example at kung gaano niyo ako kamahal. Sayang, pag patay na ako hindi ko na maririnig. Kahit joke!joke! go lang!

Medyo nakakahiya man aminin, pero medyo matanda na ako. Dalawang dekada at dalawang taon na ako nabubuhay at sa palagay ko hindi ako makakatagal ng ganito kung hindi sa lahat ng tumulong, tumanggap at gumamit sa akin. hahaha

Balak ko gumawa ng seryosong post kaso wag na, umiyak pa ako. so gagamitin ko na lang ang post as a tenk you message:

Una sa lahat, salamat sa pamilya ko, sa mga magulang ko at higit sa mama ko na nasa langit na. Kung hindi mo ako iniluwa siguro hindi ko ma-realize na kelangan pala ako ng mundo. Si ate at ke kuya dahil nung bata ako ay lagi nila ako pinapasingit sa paglalaro ng Family computer kahit alam kong masama ang loob nila noon dahil ang linya lagi nila mama sa kanila "Pagbigyan niyo na ang bunso". Salamat pa rin.


(Napansin mo rin, ako pinakacute sa amin tatlo?)


Sa mga naging paaralan kaklase at aking mga guro.

Noong kinder kung saan ako nag-aral diyan sa Barangay Kasilawan sa Makati. Kahit wala akong maalala masyado maliban dun sa kaklase kong iyak ng iyak at ayaw magpaiwan sa nanay niya. Un pala gusto lang daw niya magdasal at doon ko nakilala si Darylle Dalmacio, isa sa mga maituturing na best friend for life (Tol! miss na kita). Salamat.

(I know, bata pa cute na diba?)
Sa Sta. Ana Elementary School kung saan ko iginugol ang anim na taon ng buhay ko. Dito ko nakilala ang mga kaibigan at kaklase hanggang ngayon malaking bahagi ng buhay ko. Salamat kahit lagi kami hinahabol ni Marita at parang palage na lang kami nahuhuli ni Mrs. Elvira Rocal gumagawa ng kalokohan, (Rocal ba iyon?) Salamat dahil diyan ako unang nakakita ng palaka tuwing matatapos ang malakas na buhos ng ulan. salamat at naimulat mo ako sa lahat ng kalokohan at ipinakilala mo sa akin ang mga masters nito. Ang aking mga seatmates. DAVID GALLARDO, DARYLLE DALMACIO, DANIEL GARCIA, CHARLES EDMOND BALLARAN, At syempre si MARK IAN BATIS. hahahaha MGA TOL, nasaan man kayo, PA-KISS! Salamat sa Sta Ana kasi dito ako unang nagka-crush, CATRINA BALANO, MIKAELA KHRISE VEIGE O. SION, OO, Naging crush ko kayo. wahahahahahahaha Salamat sa Sta Ana kasi dito nabuo ang JUDGE. Justice etc...(Sinong nakakaalala?) hahaha Kyut!

Salamat sa Sta. Ana at masustansyang pagkain na mabibili mo lang sa tray (may tatak pinoy seal) at juice na iniinom sa basong hindi namin masyado nahugasan dahil puro laro ang inaatupag namin. Salamat ke Bb. Filipinas Cacho dahil ni minsan hindi niya kami pinagduduhan kung bakit kapag HEKASI kami naghuhugas ng baso. ang haba na ata ah...gang sa susunod na kwento about sa STA ANA. Salamat sa memories.


(pinilit lang ako sumali diyan kasi buong grade 1 yan ampf!)


Salamat sa pagbibigyang kahulugan sa salitang "over-populated". Salamat at naipadama mo ang tunay na ibig sabihin ng "tropikal na klima" Ms. Flores, salamat sa pagpapaintindi sa amin na hindi naman pala ganun kahalaga ang MAPEH dahil kahit wala ka palagi, pwede naman kami maging masaya. VILLAMOR salamat dahil kung hindi dahil sayo hindi mabubuo ang PAROKYA NG GELTIC. Isang barkadahan wala ng mas astig pa. Salamat ke Perslab, kung hindi dahil sayo. hindi ko maiintindihan ang ibig sabihin ng "That's what friends are for" Salamat din dahil kahit hindi ko inaasahan sayo rin pala mangagaling si 2ndlab at maging si MS. U na sobrang kulit pero masarap kung magmahal. Muli, gang sa susunod na kwentong Villamor. Salamat.


My 2nd High School Graduation (OO! twice ako nag-grad)

Birds of the same feathers are the same kind of birds (barkada ko)


AFS,Salamat at ipinakilala mo sa akin ang MUNDO. Kung hindi dahil sayo siguro ako ay isa na lang statistic na kabilang sa dahilan kung bakit mahirap ang Pilipinas. Salamat sa pagpapa-experience sa snow, at pagpasyal sa mga lugar na kahit sa panaginip masyadong malayo. Salamat sa pagpaparinig ng mga kyut na accent ng lahat ng nakilala ko. Salamat.


Talk about Silaw (exchange students)




(hindi yan styro at hindi rin yan Star City)

Sa LYCEUM, at LDS

Kahit nagsisimula pa lang ang kwento natin masasabing ang kwento ay walang patutunguhan kung hindi puro ligaya. Salamat at ipinakilala mo ang Isnaberang may British Accent at gusto siyang tawagin as Her Royal Highness, Kay Jayce na isa sa mga pinaka-astig na nakilala ko, kay Mark na Ka-B-day ko, HAPPY B-Day! Dahil sayo may nakilala akong hindi marunong tumawid OO, ikaw iyon abbie. At dahil sayo nalaman ko hindi lahat ng anak ng politiko may body guard. Dahil sayo, nakilala ko ang astig na manunulat na si Hans, at kay kate na mas malalim pa sa akin.

Salamat Sa LDS, sa pagpapa-alalang palaging may dalawang panig ang sa isang kwento at walang topic and hindi pwedeng pag-debatihan ng mga kabataang walang magawa. Salamat sa pagmumulat sa problema ng mundo at salamat sa pagbibigay halaga sa mga maaring solusyon dito.

(Opo debater ako, hindi lang halata at OO, kyut talaga ako)

Sa TP AT ACS AGENTS, SUPS, MC'sat ACM'S:

Salamat sa pagbibigay ng mga aybags, salamat at dahil sa inyo lalo akong naging adik sa kape. Salamat sa mga na-ipundar ko. hahahaha. Salamat dahil natutunan ko pano maging call center agent na hindi tumatanggap ng tawag. Salamat sa pagbibigay ng pagkakataong i-resolve ang issue ng customer. wow!MC, salamat dahil hind mo masyadong pinapansin iyong "Haduken" kung hindi naman kelangan. Salamat Sa CM na paupo-upo lang at sa pag-set nila ng unreachable metric goals. Sa team ko, nasaan na kayo? kunwari pa kayong ayaw na sa call center. Naku! hahaha...

(hindi malabo mata ko, pa-kyut lang)

Sa mga new found friends sa blogosphere, sana hindi tayo magsawa sa pagbisita at pagbigay buhay sa mga makabuluhang blog post. Marahil alam niyo bilang blogger at tuwa at ligaya kapag nakakabasa ng mga bagong comments sa post na pinaghirapan mong isulat--isinulat hindi iyong paste mo lang. Tandaan niyo lang, lahat ng naniniwalang kyut ako, kyut din! Gawin natin kyut ang mundo, parang smiley lang. hehehehe Sa mga pinagbigyan ko nito salamat sa pagtanggap at sana makita ko ito sa inyong pahina! MABUHAY ANG MGA CUTE!






Uhm, kanina lang ng simulan ko to wala ako maisulat ngayon kelangan ko pa pigilan ang sarili ko. Naisip ko bigla sobrang ganda at dami na pala ng nangyari sa pamumuhay ko dito sa mundong ibabaw. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ma-excite sa blog post ko at age 50 or 75 kung saan dinidikta ko na lang sa apo ko iyong isusulat.

SALAMAT SA LAHAT NG BUMATI!

Nagmamahal,

Marlon Celso


(P.S sa mga hindi ko nabanggit wag kayo mag-alala hindi ko kayo nakalimutan, hindi ko lang kayo maalala MAGKAIBA IYON. wala pang 1 month ang blog ko, maisusulat ko rin kayo nagmamadali lang talaga dahil mag-comerxal na daw sabi ni direk)

Comments

  1. kapatid, napadaan din lang po. asteeg blog mo. naki-link na :-)

    ReplyDelete
  2. bday mo ba ngayon?

    happy bday ha... naway pagpalain ka ng panginoon sa iyong kaarawan... ;-)

    ReplyDelete
  3. Noldie, salamat sa pagdaan.

    Yhen1027, Opo, b-day ko ngayon. Hindi lang halata. hahahaha

    ReplyDelete
  4. ISANG MAKABULUHANG KAARAWAN!

    ReplyDelete
  5. ha?!january ka rin pala! january din ako! ilang araw lang pagitan natin ah. I'm on the 17th. this saturday! hehehe, happy birthday marlon!

    many blessings for you!

    ReplyDelete
  6. happy birdei marlooooon celsoooooo :D mas matanda ka pala sakin ng 11 mos and 2 days... ayos... KUYA! :D

    ReplyDelete
  7. maligayang kaarawan...walangya ang haba!

    kung artista ka at nagpapasalamat ka sa habang nasa SOP, pagkatapos ng isang production number, malamang off the air ka na nagpapasalamat ka pa rin hehe.

    hapi berdey!

    ReplyDelete
  8. hahaha.. kasunod si mulong umeeplal lang din po!

    hapi bertdey nga pala.. baka makalimutan ko pa.. wii wish yu e meri krismas end e hapi bertdey...

    ang haaaaaba ng post mo ahhhh nagkandaduling ako sa pgbabasa...

    pero infairness.. makabuluhan... may mga lumang litrato pang ksama.. pinaka peyborit ko yung ngtatapos ka sa kinder ba yun? yung mukang naka-abito na may nakapatong na mangkok sa ulo?

    hehehe.. maganda.. parang BATI post ito sa sobrang dami ng binati mo... hehee

    peace.. cute ka nman eh kaya ok lang na ikritiko ka.. lols kitakits at HAPPY BIRTHDAY ULIT!

    ReplyDelete
  9. Happy Birthday Marlon haba ng sinulat mo diko na binasa c: Thanx for the visit too c:

    ReplyDelete
  10. hapi bedi kyutest blogger on earth!

    salamat nga pala sa pgbisita at pgbgay komento sa mga posts ko. ikaw lng tlaga ang masipag mgcomment dun. hihi. salamat. :)

    mabuhay ang mga kyut!

    ReplyDelete
  11. wow dami pala nateng may bday ng january ah! magkasunod kayo ng papa ko, sya jan 12 naman.. si damdam din na blogger jan 13 naman bday nya.. ahihi ang saya saya naman!!!

    HAPI HAPI BDAY POW!!! WISH U ALL THE BEST & HAPINESS IN LIFE!!!

    mwuaah

    GODBLESSYOU...

    ReplyDelete
  12. Kwentulang Marino, Cutter Pillar, Pam, Khuletz, izangel, iceah, kosa, at mulong, salamat sa inyong pagbati!

    Pabayaan niyo na next time makabuluhan na ulit iyong post ko.

    wahahaha

    ReplyDelete

Post a Comment

WhAt Do YOu Say?

Popular posts from this blog

MIDNIGHT DJ-What are you most afraid of?

Ano ang una mong naiisip kapag umuulan kahit mataas ang sikat ng araw? Nagpapasintabi ka ba mga engkanto tuwing mapupunta ka sa kagubatan? Ano ang agad pumapasok sa iyong isipan kapag nabanggit ang Balete Drive? Kilala mo rin ba ang anak ni Janice? One of the many interesting things about the Philippine Culture is the fact that the wide majority of the population believes in the supernatural be it local myths, scary creatures,ghost stories or even things as basic as the "pamahiins". Some may even argue that this is a bit odd considering that we are a predominantly catholic nation where creatures like that don't exists in our Bible, but on a deeper thought, is that really a contradiction? I notice that much of the urban legends I grew up with actually is connected to our faith in one way or the other. One good example is the story about the "Tiyanaks", you know...usually unborn and victims of abortion, these babies turns into monster to seek revenge and kill peo

I STUMBLED UPON

Halos alas-tres na ng umagA ng makita ko ito habang naglilikot sa internet. Pinaglalaruan ko kasi iyong stumble upon at sa pamamasyal, maliban sa mga photoshop related things. Eto nakita, ultimate wala lang ang mga ito pero some of it are really interesting. Here you go. A rat can last longer without water than a camel. Your stomach has to produce a new layer of mucus every two weeks or it will digest itself. The dot over the letter "i" is called a tittle. A raisin dropped in a glass of fresh champagne will bounce up and down continuously from the bottom of the glass to the top. A female ferret will die if it goes into heat and cannot find a mate. I know some people like that! A duck's quack doesn't echo. No one knows why. A 2 X 4 is really 1-1/2 by 3-1/2. During the chariot scene in "Ben Hur," a small red car can be seen in the distance. On average, 12 newborns will be given to the wrong parents daily! That explains it! Donald Duck comics were banned from F

Kwentong Barbero

Nakarinig ka na ba ng kwentong barbero? Kahapon matapos ang humigit kumulang apat na buwan, muli na naman naitanong sa akin ng isang barbero ang tila ba script na paulit-ulit natatanong sa akin tuwing ako ay nagpapagupit; Mamang Barbero: “Putulin ba natin iyong patilya mo?” Dahan-dahan akong lumingon sa aking likuran tila ba isang eksena sa isang ma-dramang pelikula at sa oras na magtagpo ang aming mata (actually naka-salamin siya) ay binigkas ko ang palagi kong sagot, "Sige po!," Hindi ko pers taym magpagupit pero maraming pers taym ang experience ko kahapon. Sa kauna-unahang pagkakataon ay imbis na ako ang dumayo sa barber shop o parlor, ako iyong pinuntahan ng barbero. (sosyal lols!). Perstaym ko rin maputulan ng patilya gamit ang isang orihinal na labaha. Perstaym akong gumawa ng blog post dahil sa isang barbero. lols! Kilala si manong barbero dito sa amin bilang "the Wandering Barbero" dahil wala siyang sariling pwesto. Tulad ng karamihan, bata pa ako meron ak