Skip to main content

Kailan Ba?

"Habulin mo ang happiness mo..." eto ang tag-line ng pinakabagong commercial ng isang sikat na brand ng multivitamins. Sa unang tingin, isa itong magandang pilosopiya sa buhay. Bakit nga naman hindi natin gawin ang mga bagay na nakakapagpasaya sa atin pero siguro sasabihin din ni pareng Bob Ong na hindi naman ganoon kasimple iyon lalo't minsan ka ng nadapa, nasugatan at nasaktan.

Darating at darating sa buhay ng tao kung saan wala tayong magagawa kung hindi maghintay. Kahit ang mga nauuna sa karera ay napipilitan din maghintay sa dulo ng finish line dahil hindi siya pwedeng sabitan ng medalya hangga't hindi natatapos ang lahat ng kalahok. Lahat tayo may hinihintay or minsan na rin naghintay, ang mga fans ni Bob Ong naghihintay ng kanyang pinakabagong libro, ang mga manginginom sa kalye hindi na makapghintay sa bakbakang Pacquiao at Hatton at ang ilan hindi na rin makapaghintay sa pinakabagong pelikula ng Harry Potter Series na the Half-Blood Prince. Kahit alam natin ang nakatakdang petsa sa mga nasabing pangyayari, hindi pa rin natin maiwasan mainip.

Para sa akin, may tatlong uri ng paghihintay. Ang paghihintay ng isang nakatakdang pangyayari, paghihintay sa isang bagay na alam mong darating ngunit hindi alam kung kailan ito mangyayari--at syempre ang pinakamahirap sa lahat ay ang paghihintay sa isang bagay na alam mong hindi naman darating. Isang katangahan itong maituturing subalit bakit maraming tao ang pinipiling maghintay sa wala? Isa itong choice na mahirap gawin at intindihin, pero minsan higit pa sa bagay na hinihintay nila. Ang mahalaga sa paghihintay ay ang hindi matatawarang paniniwala nila sa bagay na iyon.

Una kong narinig ang kanta na ito higit dalawang taon na ang nakakaraan. Nasa punto ako ng buhay ko noon kung saan tinanong ko ang sarili kung dapat ba akong maghintay sa isang bagay na alam ko naman hindi mangyayari. Dalawang taon na ang lumipas, pero eto ako naghihintay pa rin. Isang desisyon na naging dahilan para masaktan ang ilang tao, at syempre ang sarili ko. Pero, tulad ng sinabi ko kanina, isa itong choice.

Darating din siguro ang araw kung saan makakalimutan ko rin may hinihintay pala ako,sa totoo nga eh mas hihintay ko na ang araw na iyon kesa sa ano pa man pero hindi pa iyon ngayon. Naghihintay pa rin ako.


Ang kantang ito ay isang original composition ni Jephone Petil. Siya ang pinaka-unang Artist of the Month sa aking Pinoy-Youtube blog at isa lamang ito sa kanyang magagandang original compositions. Sana tulungan niyo ako i-promote ang blog na iyon at ang mga Pinoy-Youtube Artists.




Comments

  1. isa ako sa mga naghihintay sa lahat ng nasabi, nghihintay din ng tawag para mkapagtrabaho,tawag na hndi ko alam kung drating pa. minsan nakakasawa maghintay,nakakainip,nakakawalan ng gana.

    ReplyDelete
  2. Nakakainip maghintay sa mga bagay na alam mong hindi talaga darating. Kung mangyayari man 'to, ito'y isang conincidence lang..Ako man ay naghihintay ng isang bagay na para sa akin imposibleng mangyari..

    ReplyDelete
  3. Hari ng Sablay, tama minsan nakakainip ito pero hintay pa rin tayo ng hintay. siguro kc alam natin it's worth it.

    Ruphael, siguro lahat tayo may ganoong hinihintay. salamat nga pala sa pagdaan

    ReplyDelete
  4. kung 100 percent sure tayo hindi darating, definitely hindi tayo maghihintay. naghihintay tayo tayo bcoz we are hoping, kahit 1 porsiyento lang, na matutuloy pa rin ang pagdating nito.

    at that point, tayo na ang makakapagsabi if the wait is too long, kung darating pa nga ba o hindi na, or patuloy pa rin tayong maghihintay.

    (nalito ako dun ah!)

    ReplyDelete
  5. Enjoy lang bawat minuto ng buhay, habang naghihintay gumawa ng mas mahahalagang bagay...

    ReplyDelete
  6. "Darating din siguro ang araw kung saan makakalimutan ko rin may hinihintay pala ako,sa totoo nga eh mas hihintay ko na ang araw na iyon kesa sa ano pa man pero hindi pa iyon ngayon."

    Sapul ako dito bro...

    nice post:D

    ReplyDelete
  7. ang hirap talaga mag hintay, nakaka relate ako sa entry mu :(

    ReplyDelete
  8. minsan sa paghihintay sa isang bagay nakakaligtaan na nating mapansin na may mas maganda pang bagay kesa sa hinihintay natin...
    kelangan lang siguro natin maging "sensitive" sa mga bagay-bagay pra maramdaman na hindi tayo dapat mag-risk ng bongga sa paghihintay sa isang bagay..lalu na kung wala nmng kasiguraduhan sa paghihintay dito..:)

    ReplyDelete
  9. ganun naman talag dapat. habulin ang hapiness. kasi kung hintay ka lang ng hintay eh walang mangyayari

    ReplyDelete
  10. Mulong, kahit medyo nakakalito na-gets ko. lols! tama kahit siguro .5 percent lang eh aasahan pa rin natin at maniniwala pa rin tayo.

    LordCm, goood way to took at it. Gumawa ng iba habang naghihintay.

    Deth, sapul ba? sori kung nabukulan. hehehe thanks

    Kox, nakakarelate? baka relatives tayo? ano Daw? hehehe ate mo pala si kitchie, hindi kpa niya napapakilala sa akin. lols

    Jenskee, (ang hirap gayahin ng name mo) kahit naman alam natin iyong gagawin eh makulit talaga tayo minsan at iyong mali pa rin ang ginagawa.

    JoshMarie, that's the point. Kaya mahirap maghintay sa wala kasi walang mangyayari. lols.

    ReplyDelete
  11. pls visit my blog
    barttolina.blogspot.com
    tnx!

    nice post :)

    ReplyDelete
  12. Dumating ako sa puntng to, ang kaso, umabot ng taon.. At sa loob ng mahabang paghihintay na yun alam kong may natutunan ako.. Maraming struiggles pag naghihintay ka sa isang bagay na hindi ka sigurado kung darating ba o kung mangyayari ba ang inaasahan mo..

    Pero naghintay ako, and it's worth it naman.. Alam ng Diyos malamang na handa na 'ko.. Sinubukan lang malamang ako ng Diyos.. at hindi ako bumitaw..

    Kaya sobrang naka-relate ako sa post mo..
    Kung minsan may mga pagkakataong tayo na mismo ang dapat maghanap ng "happiness".. hindi na ito hinihintay. Depende lang talaga sa sitwasyon at pagkakataon.. hehe

    Di na ko Maubusan, sensya na..

    Cheers Marlon! Kung di ka pa nkapag comment di pa ko mkakadalaw eh noh.. hehe, sensya na..

    ReplyDelete
  13. Dylan, Na-miss kita dito ah? hehehe hindi rin naman ako ganun kadalas napupunta sa blog mo or kahit kaninong blog. (wala sa sarili) pinipilit ko lang magsimula ulit.

    Pareho din iyong nangyari sa akin, It's been years but still eto pa rin, hahaha tanga diba? maraming pagkakataon na rin akong pinalampas dahil sa hindi pa rin ako bumitaw, pero ayoko na eh. Ewan. ang gulo. kapag siguro naging handa ko na ikwento maiintindihan na ng tao kung saan ko hinihugot ang lungkot na to. lols

    ReplyDelete
  14. Kahit anong meron... Enjoy na lang....

    For me, 'yun lang naman talaga ang dapat gawin e!

    ReplyDelete
  15. Lionheart: I agree, dapat talaga dapat ayon gawin. kaso paano? heheh ayon ang mahirap sagutin.

    ReplyDelete
  16. ako kahit naghihintay at umaasa sa hinihintay kong darating eh...pinapasaya ko muna ang sarili kahit sa mumunting bagay...nagbibisi-busyhan.
    para kapag nandyan na ang hinihintay ko(kung ano man yun heheh), di ko namalayan eh..ganon pala katagal akong naghintay.

    ReplyDelete
  17. Meryl, That's really a sound idea at nasubukan ko na yan, I worked really heard, did things to occupy my thoughts and to spend my time however after everything's said and done. Somehow, i found myself where i started. Salamat sa mga ideas.

    ReplyDelete
  18. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  19. Hi pareng Marlon, Medyo nakakarelate ako sa topic mo. Ngayon ay naghihintay ako sa wala. Sayang noon kasi napalala ko lang ang lahat dahil sa pagmamadali na nauwi ang lahat sa hindi magandang pangyayari na halos ang buhay ko ay malagay sa panganib. Ang pagmamahal na inakala ko ay pangmatagalan ay nauwi sa isang desisyon na biglaan na ikinasira ng pagsasamang iningatan ko higit pa sa buhay ko. Ngayon naghihintay ako na bumalik ang taong minahal ko. Na kahit sana ay maging kaibigan nalang ay tiyak na magiging maligaya ako. Gaya nga ng iyong nasambit, masaket na maghintay sa isang bagay na hindi ka tiyak kung darating. Umaasa ako na lahat ay magiging maayos. Dumating man ito o hindi alam ko sa puso ko na siya lang ang sinisigaw nito hanggang sa huling pintig nito. Ang totoong pagmamahal ay nakapaghihintay, hindi ito minamadali.

    ReplyDelete
  20. Jumong, thanks for sharing this story. Maraming factors why we sometimes make decision or why we sometimes have to make a decision na baka pagsisihan natin sa huli. We all make mistakes, one way or the other things will happen. Just face them i guess. I hope everything works fine for you. Nalungkot tuloy ulit ako. lols

    ReplyDelete
  21. haahaah astig ang post!! IDol n kita!!wohooo

    ReplyDelete
  22. what a cool mantra to live by! 30 seconds lang din yung kanta? immeem is really frustrating lately. they're not allowing full streaming...

    ----

    indeed, death comes like a thief in the night. very sudden and unpredictable...

    I'm so sorry about your Uncle and your Lola. Diabetes is a scary disease but it can beprevented or maintained...

    thanks...

    ReplyDelete
  23. isa sa pinakayaw kong gawin ay ang mag hintay, nakakabagot kasi siya at talagang nakakabanas. siguro dahil nakakaborred lalo na kung wala kang ginawa habang naghihintay. lalo na kung naghihintay ka sa wala. Nakakasar di ba? pero sometimes u dont have a choice!

    ReplyDelete

Post a Comment

WhAt Do YOu Say?

Popular posts from this blog

MIDNIGHT DJ-What are you most afraid of?

Ano ang una mong naiisip kapag umuulan kahit mataas ang sikat ng araw? Nagpapasintabi ka ba mga engkanto tuwing mapupunta ka sa kagubatan? Ano ang agad pumapasok sa iyong isipan kapag nabanggit ang Balete Drive? Kilala mo rin ba ang anak ni Janice? One of the many interesting things about the Philippine Culture is the fact that the wide majority of the population believes in the supernatural be it local myths, scary creatures,ghost stories or even things as basic as the "pamahiins". Some may even argue that this is a bit odd considering that we are a predominantly catholic nation where creatures like that don't exists in our Bible, but on a deeper thought, is that really a contradiction? I notice that much of the urban legends I grew up with actually is connected to our faith in one way or the other. One good example is the story about the "Tiyanaks", you know...usually unborn and victims of abortion, these babies turns into monster to seek revenge and kill peo...

I STUMBLED UPON

Halos alas-tres na ng umagA ng makita ko ito habang naglilikot sa internet. Pinaglalaruan ko kasi iyong stumble upon at sa pamamasyal, maliban sa mga photoshop related things. Eto nakita, ultimate wala lang ang mga ito pero some of it are really interesting. Here you go. A rat can last longer without water than a camel. Your stomach has to produce a new layer of mucus every two weeks or it will digest itself. The dot over the letter "i" is called a tittle. A raisin dropped in a glass of fresh champagne will bounce up and down continuously from the bottom of the glass to the top. A female ferret will die if it goes into heat and cannot find a mate. I know some people like that! A duck's quack doesn't echo. No one knows why. A 2 X 4 is really 1-1/2 by 3-1/2. During the chariot scene in "Ben Hur," a small red car can be seen in the distance. On average, 12 newborns will be given to the wrong parents daily! That explains it! Donald Duck comics were banned from F...

Kwentong Barbero

Nakarinig ka na ba ng kwentong barbero? Kahapon matapos ang humigit kumulang apat na buwan, muli na naman naitanong sa akin ng isang barbero ang tila ba script na paulit-ulit natatanong sa akin tuwing ako ay nagpapagupit; Mamang Barbero: “Putulin ba natin iyong patilya mo?” Dahan-dahan akong lumingon sa aking likuran tila ba isang eksena sa isang ma-dramang pelikula at sa oras na magtagpo ang aming mata (actually naka-salamin siya) ay binigkas ko ang palagi kong sagot, "Sige po!," Hindi ko pers taym magpagupit pero maraming pers taym ang experience ko kahapon. Sa kauna-unahang pagkakataon ay imbis na ako ang dumayo sa barber shop o parlor, ako iyong pinuntahan ng barbero. (sosyal lols!). Perstaym ko rin maputulan ng patilya gamit ang isang orihinal na labaha. Perstaym akong gumawa ng blog post dahil sa isang barbero. lols! Kilala si manong barbero dito sa amin bilang "the Wandering Barbero" dahil wala siyang sariling pwesto. Tulad ng karamihan, bata pa ako meron ak...