Sabi sa balita, bahagi daw ng climate change ang pag-ulan sa kalagitnaan ng summer. Ganoon din ang sabi nila noong nakaraang panahon ng pasko kung saan naitala ang pinakamalalamig na araw. Bago iyong pag-ulan nitong mga nakaraan araw, nanaginip ako ng gising na nakabalik ako sa Michgan kapiling ang snow dahil sa sobrang init. Dumaan iyong Earth day, gusto ko sana magsulat ng post tungkol doon.
Hindi ko nagawa, hindi ko magawa.
May napanood akong episode ng OFW Diaries, naisip ko siguro ganoon din ang napagdadaanan mga kapwa ko blogisting nasa ibang bansa. Ang mga 'expats' kung tawagin. Kahit hindi naman ako technically naging OFW, natikman ko ang hirap paano malayo sa sarili mong bansa at dahil dito gusto ko sumulat ng post para sa kanila.
Hindi ko nagawa, hindi ko magawa.
Sa balita, paulit-ulit kong naririnig ang Charter-change, higit pa sa katotohanang bahagi iyon ng interes ko, gusto ko sana magsulat ng isang artikulo para sa lahat ng maliligaw sa blog ko. Gusto ko malaman nila bakit kelangan natin makialam, makibalita sa isyung ito at hindi sa kaso ni Ted Failon.
Hindi ko nagawa, hindi ko magawa.
Nagbalik na ang LRF sa Online, bilang si Sphinxs syempre natuwa ako ng malaman ko iyon. Ilang ulit akong nagsimula ng isang sulat na gusto ko sanang marinig ng mga listeners tulad ng dati kong ginagawa pero, hindi ko ito mabuo.
Hindi ko nagawa, hindi ko magawa.
Ilang ulit akong nagpalit ng lay-out sa isang linggo. Gumawa ng disenyo, bumuho ng sariling site, nag-aral ng html at ng kung anu-ano pang kailangan para magawa ang proyektong ito. Subalit tuwing darating ako sa punto kong saan ako mag-design ay humihinto ako. Hindi ko ito nagawa, hindi ko magawa.
Ang mga bagay lang na nagawa ko nitong mga nakaraang linggo ay mga bagay na hindi ko kinakailangan mag-isip, kahit pagbisita at pag-komento sa ibang blog ay hindi ko masyadong nagagawa dahil sa tuwing ako ay nagbabasa ay na-stimulate ang utak ko para mag-isip. Ayoko mag-isip dahil sa tuwing nangyayari ito ay hindi ko maiwasan magtanong sa sarili ng mga bagay na kung tutuusin ay alam ko naman ang sagot. Nahihirapan lang ako tanggapin na ang pinakamagandang dapat kong gawin ay ang isang bagay na hindi ko gustong gawin. Dahil dito, wala na akong ginawa kung hindi manood ng kung mga korean movies,ng One Piece, ng Knockout at ng Naruto (SuperG kailan iyong subbed version ng Bonds?) Nakakalungkot man isipin na ang panonood na laman ng mga ito ang nakakapagpatawa at nakakapagdala ng ngiti sa akin.
Buffering...kahit sino man mahilig manood ng kahit ano online, marahil ang salitang ito ang pinaka-nakakainis na salita na maari mong makita. Ang buffering ay nagaganap kapag nagloload ang palabas na pinapanood mo dahil inabutan ng palabas ang pre-loaded parts nito. Dahil dito, hindi maiwasan maging putol-putol ang takbo ng iyong panonood. Para kang nakasakay sa isang kotse na pahinto-hinto sa tuwing may red light. Sa halip na patuloy at mabilis ang iyong pagdating sa iyong patutunguhan ay napipilitan kang huminto.
Sa ngayon, ang salitang buffering ay marahil ang pinakamainam na salita para i-describe ang takbo ng buhay ko ngayon. Hindi ako makatuloy dahil may mga bagay na tapos na, pero paulit-ulit akong napipilitan balikan para tuluyan akong makaabante.

Normal lang ung nangyayari sayo pre...hindi naman pwedeng lage kang nasa hinaharap...minsan kelangan mong huminto at balikan ang nakaraan para magawa mo kung ano man ang dapat mong gawin para sa hinaharap...
ReplyDeleteHintayin ko ung sinabi mo sa isang entry ko tungkol sa OFW, kelangan mo lang i-promote ung mangyayaring event...ipagkalat sa lahat ng blogista ang event at anyayahan silang sumuporta sa pagkakalat ng kaganapang ito...salamat ng marami pre...
dami mu plang gus2ng gawin..interesting din lahat ng un..sna magawa mu na!
ReplyDeletenaku ang buffering ay nakakalungkot talaga! imbis na pa2loi 2loi ang pinapanood o pinapakinggan,, bibitinin ka pa! waahh!!
aw! naka relate ako dun sa huling talata! [tagalog na tagalog!] haayy..parang ganyan din buhay ko! haha..d ako makaabante dahil hilig kong lumingon ng lumingon! haha..
kaya mu rin mka move on!! Go!
LordCM, Wag ka mag-alala tungkol diyan sa expats ang susunod ko ng post. salamat din sa encouragement.
ReplyDeleteGhera, ano nga ba ulit ibig sabihin ng talata? hahaha nakakainis ang buffering..ayun. Sana nga hindi lang move on, move forward. lols!
nakakabitin kapag may lumabas na "buffering..." nakakainis at kadalasan kapag naiirita ka na, pinipindot nalang yung close button para mawala na yung "buffering...."
ReplyDeletePero kapag binigyan nang pagkakataon ang buffering ay matatapos din at sa wakas ay matatapos din ang iyong sinimulan.
patience lang ang katapat niyan aheheheks....
There are plenty of tasks to be accomplished and there is enough time for us to attend to it. Take one step at a time, prioritize things according to your likings, but don't procrastinate because the time you have wasted will never be recovered.
ReplyDeleteAnd when you feel that the road to success is still far ahead, don't give up - take a rest and look back and see the distant from where you came from, and you may say to yourself that you have achieved so much and and you lost counting your blessings, and more are waiting for you along the way.
hindi mo nagawa, hindi mo magawa pero kaya mong gawin....
ReplyDeletepagkatapos ng matagal na buffering....ngiti naman ang ending..
nice choice of word to describe your life... love it...
ReplyDeletetama ba si lord cm, may mga oras talaga na kailangan mag buffer na muna tayong mga tao. hindi naman pwedeng tuloy tuloy lang tayo... we have to stop for a while and think again
ReplyDelete