"Habulin mo ang happiness mo..." eto ang tag-line ng pinakabagong commercial ng isang sikat na brand ng multivitamins. Sa unang tingin, isa itong magandang pilosopiya sa buhay. Bakit nga naman hindi natin gawin ang mga bagay na nakakapagpasaya sa atin pero siguro sasabihin din ni pareng Bob Ong na hindi naman ganoon kasimple iyon lalo't minsan ka ng nadapa, nasugatan at nasaktan. Darating at darating sa buhay ng tao kung saan wala tayong magagawa kung hindi maghintay. Kahit ang mga nauuna sa karera ay napipilitan din maghintay sa dulo ng finish line dahil hindi siya pwedeng sabitan ng medalya hangga't hindi natatapos ang lahat ng kalahok. Lahat tayo may hinihintay or minsan na rin naghintay, ang mga fans ni Bob Ong naghihintay ng kanyang pinakabagong libro, ang mga manginginom sa kalye hindi na makapghintay sa bakbakang Pacquiao at Hatton at ang ilan hindi na rin makapaghintay sa pinakabagong pelikula ng Harry Potter Series na the Half-Blood Prince. Kahit alam natin ...