Skip to main content

The Missing Link

Ala, halos isang buwan na rin pala ulit mula ng huli akong mag-post dito sa aking blog. Bakit nga ba parang missing-in-action ako lagi? May tag pala ako from Pam at may award from Ka-Blogs wala man lang akong kamalay-malay. 84 in-all na pala ang members ng Pinoy Cute Bloggers at higit sa lahat may bago na namang "something" sa blogosphere? Ang hindi lang ata nagbago eh iyong ka-kyutan ko?

Aktwali, hindi naman ako totally nawawala sa blogosphere dahil kahit papaano ay nagagawa ko naman masingit ma-check man lang ang blog ko at minsan kapag may sobrang oras at hindi pa ako masyado inaantok ay napapadaan at sumisilip naman ako sa inyong mga pahina. In fact, kailan lang eh naka-attend na ako sa kauna-unahan kong bloggers event na wala naman talaga akong plano puntahan kung hindi lang dahil sa ate ko na gustong-gusto makita si Dingdong Dantes. (Congrats nga pala sa winners ng Nuffnang/Goldilucks You're the 1 contest) I-deny ko sanang nagpunta ako doon kaso may nakakita daw sa akin sa T.V. kaya wala akong lusot. Pero no joke, it was a good event over-all at kung ganito ang mga bloggers event eh hindi ako mag-aatubili na pumunta ulit kahit hindi ako natulog sa buong araw na iyon.

So asan na iyong PICTURES?

Sorry po, sa sobrang excitement ni Ate ko ay nadala niya iyong charger ng camera, iyong battery pero naiwan niya iyong actual camera. Ang galing diba? Pero siguro talagang sinadya iyon ng tadhana kasi kapag ipinagtabi nga naman kami ni Dingdong sa litrato eh baka malito kayo kung sino iyong artista sa aming dalawa.

Tama na, hindi ako nanalo ng laptop kaya tama na iyong exposure nila sa blog ko. (bitter hehehe)

Limitado na ang oras ko sa pag-blog ngayon dahil sa trabaho at ilang extra-curricular activities pero hindi ibig sabihin noon ay mawawala na ako dito. Sabihin na lang natin naghahanda lang ako sa isang surprise.

Nahihirapan kasi ako mag-update at mag-sulat ng sa tuwing umuuwi ako ng bahay, masyadong mainit na ang panahon at natutunaw ang utak ko, kahit ilang kape ang tirahin ko sa trabaho eh talagang antok pa rin ako pag-uwi at kahit willing naman ako i-sacrifice ang ilang oras sa halos 10 hours kung tulog araw-araw eh siguro hindi pa ako ganoon kahanda iwan ang higaan ko.

Uhm, madaming chismis at gulo sa blogosphere? Buti na lang wala ako sa tuwing nangyayari ang mga ito tulad na lang ng narinig kong isyu noon sa mga kababayan nating OFW at ngayon naman ay ang kwento ni "anonymous" na kilala naman nating lahat kung sino. Limited pa lamang ang aking nakalap at kung pwede lang sana hindi ko na malaman iyong buong detalye sapagkat hindi ko mapapangakong mananatili akong mabait. I didn't blog to get myself into these kind of things but I won't remain silent lalo't alam kong may mali.

Weekends at marami akong oras ngayon dahil wala akong extra-curricular activity so eto na ako...hop! hop! hop!


Comments

  1. nice. muling nag balik si kuya :) daming chika noh? hahaha.. mabuhay ang mga kyut! lols =)

    ReplyDelete
  2. Kox, hehehe uu nga, present ulit ako at susubukan bumalik ng todo. hehehe ang hirap kasi kumita ng pera. kelangan may pambayad ng internet. lols

    ReplyDelete
  3. Hi Marlon!

    I'll be very happy if you could visit me at www.theagonyofelsa.co.nr !

    I'll be waiting. ;)

    ReplyDelete
  4. Grabe, lahat tayo busy from the blog world. gah. hahaha! Daming pwedeng i-kwento pero poor time management hahaha!

    ReplyDelete
  5. hhaha, ayun at bumalik ka rin, kaytagal mong nawala. akala ko naging OFW ka na rin gaya namin. Nice to have you back!

    ReplyDelete
  6. Hehehe :D Inaabangan ko pa naman yung post mo...

    Maligayang pagbabalik at sana sa susunod na event makasama na kami, at madala mo na ang digicam mo :D

    ReplyDelete
  7. ang hirap ng ganyan :( pero sana maging maayos din :) |Playgroup Singapore

    ReplyDelete
  8. This is the precise weblog for anybody who needs to seek out out about this topic. You notice so much its almost arduous to argue with you. You positively put a brand new spin on a subject that's been written about for years. Nice stuff, simply nice!

    ReplyDelete
  9. Well with your permission let me to grab your feed to keep updated with forthcoming post. Thanks a million and please continue the rewarding work.

    ReplyDelete

Post a Comment

WhAt Do YOu Say?

Popular posts from this blog

MIDNIGHT DJ-What are you most afraid of?

Ano ang una mong naiisip kapag umuulan kahit mataas ang sikat ng araw? Nagpapasintabi ka ba mga engkanto tuwing mapupunta ka sa kagubatan? Ano ang agad pumapasok sa iyong isipan kapag nabanggit ang Balete Drive? Kilala mo rin ba ang anak ni Janice? One of the many interesting things about the Philippine Culture is the fact that the wide majority of the population believes in the supernatural be it local myths, scary creatures,ghost stories or even things as basic as the "pamahiins". Some may even argue that this is a bit odd considering that we are a predominantly catholic nation where creatures like that don't exists in our Bible, but on a deeper thought, is that really a contradiction? I notice that much of the urban legends I grew up with actually is connected to our faith in one way or the other. One good example is the story about the "Tiyanaks", you know...usually unborn and victims of abortion, these babies turns into monster to seek revenge and kill peo...

I STUMBLED UPON

Halos alas-tres na ng umagA ng makita ko ito habang naglilikot sa internet. Pinaglalaruan ko kasi iyong stumble upon at sa pamamasyal, maliban sa mga photoshop related things. Eto nakita, ultimate wala lang ang mga ito pero some of it are really interesting. Here you go. A rat can last longer without water than a camel. Your stomach has to produce a new layer of mucus every two weeks or it will digest itself. The dot over the letter "i" is called a tittle. A raisin dropped in a glass of fresh champagne will bounce up and down continuously from the bottom of the glass to the top. A female ferret will die if it goes into heat and cannot find a mate. I know some people like that! A duck's quack doesn't echo. No one knows why. A 2 X 4 is really 1-1/2 by 3-1/2. During the chariot scene in "Ben Hur," a small red car can be seen in the distance. On average, 12 newborns will be given to the wrong parents daily! That explains it! Donald Duck comics were banned from F...

Kwentong Barbero

Nakarinig ka na ba ng kwentong barbero? Kahapon matapos ang humigit kumulang apat na buwan, muli na naman naitanong sa akin ng isang barbero ang tila ba script na paulit-ulit natatanong sa akin tuwing ako ay nagpapagupit; Mamang Barbero: “Putulin ba natin iyong patilya mo?” Dahan-dahan akong lumingon sa aking likuran tila ba isang eksena sa isang ma-dramang pelikula at sa oras na magtagpo ang aming mata (actually naka-salamin siya) ay binigkas ko ang palagi kong sagot, "Sige po!," Hindi ko pers taym magpagupit pero maraming pers taym ang experience ko kahapon. Sa kauna-unahang pagkakataon ay imbis na ako ang dumayo sa barber shop o parlor, ako iyong pinuntahan ng barbero. (sosyal lols!). Perstaym ko rin maputulan ng patilya gamit ang isang orihinal na labaha. Perstaym akong gumawa ng blog post dahil sa isang barbero. lols! Kilala si manong barbero dito sa amin bilang "the Wandering Barbero" dahil wala siyang sariling pwesto. Tulad ng karamihan, bata pa ako meron ak...