February 27, 2009

TAD-TAG Plus!

9 comments

Medyo busy si Mr. Perspektib sa isang project na inaasahan kong lalabas (sana) sa unang araw ng Marso. Subalit ako ang nasorpresa habang ginagawa ko itong post na ito noong biyernes ng gabi ng biglang nawala iyong internet connection ko. Wala akong kamalay-malay PINUTULAN pala ako ng SMARTBRO ng connection. DAMN YOU SMARTBRO!...to be continued na lang ang kwento ko tungkol sa internet tutal singit lang naman to dito. Anyway, hindi ko sasabihin na may lalabas akong bagong blog--"VIDEO blog" para may surprise factor sa oras na matapos ko ang preparations.

Sa ngayon, magbabayad muna ako ng maraming utang at kasalan sa kapwa ko blogista. Marami kasi akong nakabitin na tag and with this post I am hoping that I can hit three birds with one stone. Isang dambuhalang bato para siguradong sapul lahat. lols!

Let me start with Izangel A.k.a "The Wandering Princess" tag: The Honesty Crap este Honesty Scrap Award.


Matapos kong gawin Girlfriend si Kitchie sa "MEET MY NEXT GIRLFRIEND" at buwagin ang Eraserheads sa "MEMORIES WITH THE ERASERHEADS" posts ay medyo naiilang at nakabalot pa ang mukha ko sa bayong na tulad noong sa mga MAKAPILI noong panahon ng hapon sa kahihiyan. Nag-aalangan tuloy ako tanggapin ang tag na ito ngunit dahil noong isang buwan pa ito. Sige na nga...


Image Hosted by ImageShack.us

Eto ang rules:

When accepting this auspicious award, you must write a post bragging about it, including the name of the misguided soul who thinks you deserve such acclaim, and link back to said person so everyone knows he or she is real.

Choose a minimum of 7 blogs that you find brilliant in content or design. Or improvise by including bloggers who have no idea who you are because you don’t have 7 friends. Show the 7 random victims’ names and links and leave a harassing comment informing them that they were prized with “Honest Weblog.” Well, there’s no prize, but they can keep the nifty icon. List at least ten honest things about yourself. Then, pass it on!

Simple lang pala itong tag, kelangan ko lang magmayabang. Diyan yata ako magaling pero dahil parang nakagawa na ako ng hawig dito sa "SAMPUNG-SUMPONG" kaya itataas ko pa ng level ang yabang ko. Kumbaga sa electric fan. Number 3 na ito at naka-steady pa sayo.

Naisip ko rin na bagay na rin dito ang TAG ko mula kay Aisa with these rules:

1. List the names that you are called by and name the people who calls you by these name.
2. Tag other people to do the same thing, paste the link of your entry on their guess book.

So pagsabayin ko na? Aisa and Izangel?

BABALA: Siguraduhing mag-isa ka at walang ibang tao sa paligid para kung sakali mabaliw ka sa katatawa oh di kaya'y sa inis ay wala kang ibang taong masasaktan at walang ibang makakarinig sa ingay ng mura mo. Mahirap man maarok ang sasabihin ko ay puro ito katotohan at pawang katotohan lamang. So help me God.

Legend:

Italicized words with quotation marks are names that I am called (Aisa's tag)
Sentences with numbers before the first word are things about me (Izangel's tag)
Everything else is part of the post (Obviously)



1) Bukod sa ka-kyutan ko,isa sa pinaka-unang napapansin sa akin ay ang aking height. Ako ay bente-dos anyos na ngunit ako ay 7 ft 2 inches lang (kapag nakatayo ako sa lamesa na 3 ft ang taas). Sa unang tingin, ako ay isang object of wonder, fun or jokes subalit sa masusing pagkakakilanlan, ako ay isang BIG-TIME, "Small but Terrible" ang pangalan ko sa mga taong lubos na nakakakilala sa akin. Ang pinakahuling tumawag sa akin niyan ay ang kasalukuyang ambassador ng America sa Pinas na si Kristie Kenney noong bumisita kami sa kanyang Official Residence dito sa Forbes Park Makati.

2) Sa isang call center sa Ortigas ako unang nagtrabaho. Tandang-tanda ko pa ang gulat sa mukha ng aking job-interviewer ng makita niyang ako pala ang nagmamay-ari ng resume na hawak niya. Muli niyang binasa sa harap ko ang aking mga inilagay sa resume' na tila ba may halong pagdududa. (First job ko kasi, isa pa akong undergrad kaya naman wala akong nagawa kung hindi magmayabang sa aking achievements para matanggap).

ETO ANG EKSENA:

Interviewer: So you're Marlon? 20 yrs old? No Job Experience, and you're still an Undergraduate? Are you sure you did all these because we do background checks.

Ako: Yes, I am 20 yrs old though I'm as tall as 7 or 8 yr. old, I don't have any previous job experience because 3) I am still at school taking up Bachelor of Science in International Relations Majoring in Diplomacy--which is mostly the sum of all my influences thus far, 4) I'm an AFS-YES scholar, an exchange student who at 17 was chosen to be part of the first batch of young ambassadors from all over the country to be represent the Philippines in an exchange program aimed at building bridges of understanding among nations through exchange programs on the grassroots level--us the students and the youth. It was funded and spearheaded by the U.S Dept of State and Congress. I stayed there for a year, lived with an American host family and I actually earned my high school diploma in Michigan. During my year, I participated inter-schools Quiz Bowls and I guess I was the only foreign national on those competitions just like when I served as the chairperson in the Michigan Youth Leadership Forum when we sat down with Michigan Senators discussing bills that would be beneficial for people with Disabilities in the whole state. Prior to that. 5) At the same year, I was in the top 10 of an International Writing Contest where over 50 countries participated....etc ( I cited everything I put on my resume which was 3 page long without skipping a beat and ended with something like this) My achievements, if it should tell you anything above anything else, 6) I hope tells you how determined and hardworking I am as a person and I am confident that if i put my mind into something, I know I can do it. Yes, I am as tall as an 8 yr old, I am still an undergrad and I don't have any previous job experience but I know I can do this...


Interviewer: (Smiling) You're hired!



Whews! Oh..Ilan na iyong nabanggit ko sa taas ah...ang yabang ko talaga, kung kaya mo pa at hindi ka pa natatangay ng hangin basa pa....

So ayon na nga, nagsimula na akong magtrabaho sa call center kung saan tinawag nila akong... "Mr. Wow Call" at "Berdugo". Kung ang inaakala mong ginagawa lang sa call center ay sumagot ng tawag at magsabi ng "Thank you for calling ________(account name/company) How may I help today at pagkatapos ay Goodbye na...nagkakamali ka." Ang madugong bahagi ng calls ay iyong between the opening and closing spiel. Lalo sa account na tulad ng napasukan ko kung saan puro billing issues ang problema ng customer. Duguan talaga ng ilong at tenga ang laban lalo't galit na galit si Mr. Customer bakit mataas ang bill niyang hindi naman niya binabasa. Dahil rin dito ay meron mga metrics ang call centers lalo't sa Quality Assurance ang pag-uusapan. Random ang monitoring ng calls at pwede kang bumagsak sa bawat calls ngunit dahil sa natural akong madaldal, makwento at magaling mag-paikot ng isyu (salamat sa aking debating experience) ay madalas mataas ang iniiskor sa QA. 8o points ang passing score ng QA ngunit kapag maganda talaga ang call mo na namonitor ng QA ay binibigyan ka ng tinatawag na WOW POINTS para maging WOW CALL ito. Mr. Wow call ako dahil madalas akong may ganito. Dalawa lang ibig sabihin noon. Magaling akong mambola at parati akong may extra-cash. WOW TALAGA! Muntik ko rin makalimutan na "Marvin" ang tawag ng mga customer sa akin sa phone kahit ilang ulit ko sabihin na Marlon ang pangalan ko, eh sa huli "Marvin" pa rin tawag nila sa akin.

7) Dahil rin siguro sa madalas kong WOW calls, isang buwan matapos ang akong maging regular ay naisali na ako sa mga QA! Ibig sabihin hindi na ako tumatanggap ng tawag, sa halip ako ay nagmomonitor na ng mga calls. Berdugo ang tawag sa akin bilang QA dahil ako ay mahigpit sa aking scoring. Dahilan kung bakit ako naging QA at Mr. Wow call ay dahil sa pagbibigay ko sa atensyon sa pagtulong sa customer. Kahit kung pakikinggan ang tawag ko ay magmumukha itong pambobola, sa totoo malinis at by the rules ako mag-assists ng customer. Hindi tatawag si Mr. customer ng walang kelangan at wala siyang problema kaya naman ginagawa ko talaga ang lahat ng pwede para matulungan ito ng hindi ako lumalagpas sa company guidelines. I bend the rules, I don't break them. Bilang berdugo, maraming agents ang naging takot at ilang sa akin dahil daw sa kawalan ko ng pakikisama. Ang totoo, sa palagay ko ay I am doing everyone a favor sa pagsisigurado kong wala sa company ang mga hindi karapat-dapat dahil sila ang dahilan kung bakit bumababa ang standard ng customer service sa Pinas--isa sa industriyang inaasahan ng napakaraming pamilya at ng bansa lalo na ngayong may krisis sa mundo. Maraming call centers ang nagsasara dahil sa mga agents na walang ginawang matino sa pagtanggap ng tawag ng customer. Kung magpapatuloy iyon ay naniniwala akong mawawala ang advantage nating pinoy sa outsourcing Industry lalo't maging ang Korea, Thailand, Malaysia at maging ang higanteng China at India ay pinagbubuti ang pagtuturo ng Ingles sa kanilang sistema ng edukasyon.

At dahil napag-uusapan ang sistema ng edukasyon, nakakahiya man aminin ngunit pagdating sa eskwela marami rin akong ibang pangalan. "Kuya Marlon" na ang tawag sa akin ng mga estudyante ng high school kung saan ako nagraduate mula ng magbalik ako mula sa Amerika. 8) Kinakailangan ko ulitin ang 4th year ko dahil part ng pagiging exchange student ko ang bumalik sa dati kong school para maibahagi ang mga natutunan at magturo sa mga "nakababata". Hindi ko alam kailan nagsimula pero isang araw halos lahat na ng makita ko Kuya ang tawag sa akin maging ng iba nating kapwa blogista tulad ni Cutter Pilar. 9) 22 yrs old pa lang ako. Kahit medyo bata na lang ako, bata pa rin iyon. Sa eskwela, natawag na rin akong "Walking Encyclopedia of Philippine History" ng mga fans ko noong pinagharian ko ang Philippine History Quiz Bee Competitions sa buong Maynila mula noong first year hanggang sa nag-retire ako noong 4th year.

10) Katulad noong iba sa itaas, nabanggit ko na rin dati sa blog na minsan na rin akong na-feature sa Wish Ko lang ng GMA-7 noong ako ay nasa 2nd year High-School pa. Dahil rin dito ay tinawag ako minsan ng kung sino-sino sa kalyeng nakakaalala sa akin bilang "Uy! si Wish Ko Lang"


Eto Tag naman sa akin ni Pam ( Friendster Bulletin Style)

A- Attached or Single? – ATTACHED but single
B- Best Friend? – Geltic
C- Cake or pie? – American Pie
D- Day of choice? - EVERYDAY!
E- Essential item? – Brain
F- Favorite Color? – BLACK
G- Gummy Bears or Worms? – Max na pula
H- Hometown? – MANILA!!!
I- Indulgence? - ok na lang, hindi ko alam ibig sabihin nito
J- June or July? – July
K- Kids? – I don't mind making them,
L- Life is not complete w/o – Me
M- Marriage date? – Basta sabay sa b-day ko para tipid
N- Number of magazine subscriptions – wala download lang ako e-books ng economists at natgeo
O- Orange or apple? - An apple a day kips the orange away!
P- Phobias? – Heights!
Q- Quotes? – "quotes"
R- Reason to smile? – kapag may picture taking!
S- Season of choice? – winter!
T- Tag people - My entire blogroll
U- Unknown fact about me – I'm actually cute.
V- Vegetable? - yuck!
W- Worst habit? – addictive
X- Xray or ultrasound? - wahaha? bakit?
Y- Your favorite foods? – balat ng manok, taba ng bangus,
Z- Zodiac sign - Capricorn


Normally, you should tag people as well but since I'm not normally and the fact that all of you are probably done with all these. Gagawa ako ng bagong tag!

Simple lang ang rules, gagawa ako ng kwento pero hindi ko ito tatapusin. Ang challenge ay ituloy ang kwento sa inyong blog post using the last sentence that the person who tagged you used on their post. Pwedeng ituloy o tuluyang ilayo ang kwento. Pwedeng seryoso o kalokohan. Kayo na bahala. Paano game na?


Musmos pa si Moymoy ay Palaboy na siya sa kalye ng Maynila. Isang taon siya ng maging ulilang lubos matapos tambangan ang mga magulang niya ng mga militar dahil miyembro ang mga ito ng New People's Army o NPA. Eto rin ang dahilan kung bakit isa rin siyang NPA sa kasalukuyan--No Permanent Address. Wala siyang kinagisnan magulang na nagturo sa kanya ng GMRC ngunit sadyang mabait at masipag si Moymoy. Balang araw ipinangako niya sa sariling ang mga salitang napanood niya lamang sa telebisyon ng kapitbahay at ito ay ang "Bukas luluhod ang mga tala".

Dala ng hirap ng buhay ay kahit minsan hindi pa siya nakakatikim ng pagkain na paborito niya lamang sa amoy---ang lechong manok. Ilang beses na rin siyang natukso na magnakaw mula sa Baliwag diyan sa kanto ngunit parati siyang nauunahan ng takot--hindi ng konsensya kung hindi ng mala-dragon tahol ng asong si bantay. Tanghaling tapat noon ngunit hindi pa rin nagkakasya ang kinikita niya mula sa Adsense account niya upang may ipambili ng pagkain. May sakit noon si bantay kaya dinala siya sa beterinaryo, busy ang lahat ng tao sa Baliwag kaya naman naisip iyang magnakaw ng lechong manok subalit napaso siya ng hawakan ang noon ay umiikot pang manok. Lingid sa kaalaman niya na sa hindi kalayuan ay may nagmamasid sa kanyang bawat kilos.

Hanggang dito na lang ang kwento ko at ang kakatayin ko sa tag na ito ay ang lahat ng blogistang sa palagay nila kaya nila ang challenge na ito. Kapag hindi niyo to ginagawa. Hindi na tau bati.







February 23, 2009

THE LEGEND OF THE ERASERHEADS

17 comments



My 2nd Practice Video Of ADobe Premiere Pro
ERASERHEADS TRIBUTE







If I would be given a chance to bring anything along with me from the 90's, I'd only choose between two things--my childhood and the Eraserheads.

I've been listening to the music of the Eraserheads since as far back as I can remember. I distinctly remember seeing my older brother just outside our house playing songs from "Songhits" who at the time were still in his teens. I always sit next to him to watch because my fingers were still too short, and my grip still too soft to play the guitar chords. and even as a kid I've decided someday that I too, will play some of E-Heads songs on the guitar.

I remember numerous occasions when my brother and I used to fight over his songbook collection of the Eraserheads. I was just in the stage when I was mastering my reading skills and among the first things I read were things about the Eraserheads and their lyrics. It was easy to read and understand so I was able to memorize them verbatim. Before, my teenage years Eraserheads was just that for me. A band whose songs sounded good when played on the guitar and lyrics which are easy to read and memorize.

Soon, cassette tapes were replaced by CD's and of course among the first things we bought were the CD version of the E-heads Albums and amazingly enough the songs sounded different to me...not just because of the technical standpoint but because I was already in high school at the time which meant that I have matured. I was at the phase when I started to have strong bonds of friendships "barkadas" just like what their lyrics implies, I started having some love problems--exactly like what they say in songs. Sometimes, I even listen to their songs to find answers in situations because I find it amazing that the lyrics accurately describes what I was experiencing at the time and that the simple words actually have profound meanings. Now, I don't only read or memorize the songs--I actually understood it.

The Eraserheads also played a major role in overcoming my homesickness while I was in Michigan for my exchange year, It was around Christmas time and I was already half-way through my one year stay in the U.S. I think around December was the peak of my longing to go back home here in Manila not only because it was Christmas Season but also because this was the time when me and "perslab" decided not to talk or communicate for awhile. Despite of the beautiful White Christmas I had, I still couldn't help thinking about how things were doing back here in the Philippines. In my attempt to overcome homesickness, I searched the web for things that would remind me of home, I listened to Philippine Radio Stations online where I heard the Eraserhead's version of "Manila" by the Hotdogs. Right after that, I purchased the Eraserheads Anthology Album Online and had it delivered to me in the States. I was still a dummy back then about downloading things from the Internet, I spent a good amount of money for it to be delivered as quickly as possible but because it was peak season for gifts and shipments, it still took a while for me to receive it. As soon as it came two weeks later, I went straight to my room, laid in my bed, turned the volume way up, closed my eyes and as soon as the music played--somehow I felt I was home. I haven't spoken in Filipino for months already and I felt so relieved to be able to do it again--even more I did it shouting and singing my heart-out along with the music of the ERASERHEADS.


Image Hosted by ImageShack.us

The ERASERHEADS is hailed to be the best Pop Rock Band in recent history. "The Beatles of The Philippines" is what they are fondly called and just like me, millions more out there look-up to them. They're the band that everyone else is measured up against--the standard of OPM Rock Bands and artists of different genres have performed E-Head hits and in 2006 the country's best bands paid tribute to the band with "ULTRA-ELECTROMAGNETIC JAM" (Underground rumors has it that there will be an ULTRA-ELECTROMAGNETIC JAM 2). Also, just recently, ERASERHEADS is re-introduced to the new generation with the McDO commercial "First Love" feat Huling El Bimbo. Fanatics, now awaits the FINAL SET CONCERT on March 7, 2009.


"Lift your head, baby don't be scared of the things that could go wrong along the way, you'll get by with a smile, you can't win at everything but you can try."









MYX'S 4-Part DOCUMENTARY SPECIAL ABOUT THE ERASERHEADS "GUSTO MO BANG SUMAMA"
It is about Eraserheads' Story as told by Ely, Buddy, Marcus, and Raymund and the people around them from the band's early days up to their demise and the Last Reunion Concert.
A Must See for all E-Heads FANS that's why I compiled it here from youtube.





Matatapos ba ang post ko ito ng walang kalokohan?

Pinilit kong pag-samahin ang mga kanta ng eraserheads sa isang sulat. lols!

LONG LIVE THE ERASERHEADS!

Dear Kim,

I find it hard to believe. Minsan sa tindahan ni Aling Nena, nakita kita sa isang magasin. Kamukha mo si Paraluman at ang galling-galing mong sumayaw, mapa-boogie man o cha-cha. Tatlong oras na akong nagpapa-kyut sa’yo, hindi mo man lang napapansin ang bagong t-shirt ko. Pasensya na, kung ako ay hindi nagsasalita, hindi ko kayang aminin ang aking nadarama. Sampung buwan, na akong hindi natutulog, hindi mapakali, magdamag hinahanap, nababaliw tuwing naalala ang tamis sa aking mga labi.

O'pare ko, meron ka bang maipapayo? Kung wala ay ok lang. kailangan lang ay iyong pakikiramay. Mahal ko si Toyang, T.L ako sa kanya, pagkat siya ay simple lamang.

REPLY:

Hey Jay,

Huwag mo nang itanong sa akin, hindi ko rin naman sasabihin. Huwag kang matakot, makapangyarihan ang pag-ibig na hawak mo sa iyong kamay.

Ikaw pala ay kaliwete? Gusto mo bang sumama? gusto ko matutong mag-drive. Kung may problema ka, magsuot ng maskara, buksan mo ang iyong mata ang iyong mundo ay mag-iiba. Hindi mo ba nakikita, ako ay lumilipad at nasa alapaap na?


With A smile,

Kim



"In a world where everybody hates a happy ending story, it's a wonder love can make the world go round..."

February 22, 2009

Memories With The Eraserheads

10 comments



WARNING: THIS POST CONTAINS INFORMATION ABOUT THE ERASERHEADS NEVER BEFORE PUBLICIZED UNTIL NOW.

Marami na ang nasasabik sa pinakaabangang "THE FINAL SET REUNION CONCERT" ng Eraserheads na ilang ulit ng muntik hindi matuloy dahil sa insidente noong unang concert. Pinakakahihintay ang nasabing event dahil sa milyong fans na nabitin sa muling "pagkakabuo" ng Eraserheads matapos ang biglang pagkawatak-watak nito bago pa man matapos ang dekada kung saan sila namayagpag. Hanggang sa ngayon tanong pa rin sa karamihan bakit nga ba tila nabura ang pagsasamahan ng banda?

Lingid sa kaalaman ng marami na ang ERASERHEADS sa mga araw ng kasikatan nito bilang banda ay binubuo ng limang miyembro. Ang tanging apat na miyembro na kinilala ng kasaysayan at ng publiko ay sina Ely Buendia, Marcus Adoro, Buddy Zabala, at Raymund Marasigan ngunit hindi man lang nabigyan ng pagkakataon ang ika-lima at totoong nagpasimula ng banda--si Marlon, ang inyong lingkod:

(Ang Huling El Bimbo na naririnig sa background ay ang original DEMO TAPE I created and entrusted to Ely)

Christmas Party noon, napadaan ako sa klasrum ni Ely Buendia kung saan nakita ko siyang inaawit ang "Manila" ng the Hotdogs. Nagkataon naghahanap ako ng isang vocalist o isang taong aawit sa sinulat kong kanta at napagdesisyonan kong kausapin si Ely kung willing ba siyang mag-trial record kasama siya para masubukan kung babagay sa kanya ang kanta. Sinabi sa akin ni Ely noon na hindi naman talaga niya hilig ang pagkanta at napilitan lang siya noon sa klasrum ng kanyang barkada. Ipinilit ko ang tape at dahil sa aking pagiging matiyaga, isang araw ay pumayag din siyang pakinggan ang tape. Kinuha niya ito sa akin at sinabing pakikinggan dahil nagmamadali siya noon papasok sa klase.

Matapos ang araw na iyon, ilang linggo ko rin hindi nakita si Ely. Sumuko na lang ako at naisip na baka kinuha lang niya iyong tape sa akin para manahimik na ako. Napagdesisyonan ko noong iwan ang musika at mangibang bansa para sumapi sa isang NGO. Isang araw bago ako umalis ay nakita ko sa bulletin board ng Kalayaan Dorm sa UP Diliman na naghahanap si Ely ng bandmates. Sumunod nga noon ay ang pagkakilala niya kila Buddy at Raymund. Hindi nagtagal dumagdag na rin si Marcus at nabuo nga ang pangalang ERASERHEADS mula sa papel na pinagbalutan ko ng tape na ibinigay ko kay Ely.

Lumipas ang ilan taon bago ako umuwi sa Pilipinas, Laking gulat ko ng marinig ko ang Huling El Bimbo sa radyo ng taxing sinasakyan ko noon mula sa airport. Hindi pa uso ang internet noon kaya naman hind ganoon kadali makabalita dito sa Pinas. Madalas akong nasa mga lugar na hindi naabot ng kahit anong uri ng komunikasyon habang ako ay nasa missions kaya naman wala akong kamalay-malay na ginamit rin pala ni Ely ang aking tape. Nagkontak kung muli si Ely through their manager dahil kaklase ko ito noong nasa UP pa ako. Kinausap ko si Ely at agad siyang humingi ng tawad sa hindi pagpapaalam sa akin. Upang makaiwas sa kaso, at iskandalo sa panahon ng kanilang kasikatan. Naisip ni Ely isali ako sa banda bilang pianists. Hindi sumang-ayon ang tatlo pang miyembro na sina Buddy, Marcus at Raymund dahil sa maganda na nilang status noong panahong iyon. Kumalas si Ely habang naninindigan na nararapat din ako bigyan ng credit sa aking musika. Nabuwag ang banda sa nasabing insidente matapos ang pictorial kung saan kinuha ang litrato sa itaas ng post na ito.

Kasalan ko kung bakit nabuwag ang eraserheads, at kasalanan ko ang post na ito dahil nasayang ang oras mo sa pagbasa nito. lols!

NOTE: Ang post na ito ay kathang isip lamang (halata naman diba?) maging ang larawan sa itaas.

Ang post na ito ay isa lamang pre-post para sa aking Bonggang TRIBUTE POST SA E-HEADS. Ayun, seryoso na kasi may film showing, music, essay, intermiision number, commercial, at powerpoint presentation pa.




February 20, 2009

MEET MY NEXT GIRLFRIEND

23 comments


Matagal ko na rin pinag-iisipan kung dapat na akong magkaroon ulit ng GF at matapos ang mahaba, masalimuot, masusi, at malokong pag-iisip. Napagdesisyonan ko na ang susunod kong GF ay si Anna Katrina Dumilon Nadal na mas kilala niyo sa pangalan na Kitchie Nadal.


Actually, nabuo ko na rin iyong love story namin.

Babala: ang mga sumununod na eksena maging ang litrato ay kathang isip lamang , Bawal ang mainggit at magselos. Ang mga sumusunod na tagpo ay naganap one year mula ngayon.

Sikat na ang blog kong Perspektib sa buong Pinas, sa katunayan nga noong nakaraan Sabado lang ay na feature si Mr. Perspektib himself sa show na "Kapuso Mo: Jessica Soho" dahil sa launching ng una kong Libro. Marami na akong nakilalang artista at ilang celebrities na rin ang libreng nag-eendorse ng blog ko. Isang araw may na-receive akong email mula sa manager ni Kitchie Nadal na nakikipag-deal sa isang advertising campaign for her latest album. Willing daw siyang ma-feature ng libre 3rd t-shirt na lalabas sa market.

Lingid sa kaalaman ng manager nila ay isa akong big fan ni Kitchie kaya naman hindi ko na pinalampas ang pagkakataon.

At eto na nga ang t-shirt Design na aking nagawa endorsed by Kitchie.







Ako rin mismo ang kumuha ng mga litrato dahil may nag-donate na sa akin ng Nikon D60. Madalas ang aming naging pagkikita dahil sa pictorials at design brainstorming kaya naman hindi naiwasan maging close kami like this------>


Naging masaya ang aming working relationship at hindi namin namalayan lumipas ang panahon hanggang sa dumating ang huling araw namin magkatrabaho.

Ang launching ng T-shirt design, during the presscon.

Reporter: Marlon, Ano naman masasabi mo kay Kitchie bilang isang artist?

Ako: Well, she's the best! I've always been a big fan but now after working with her I must say, She's simply the best.

Reporter: Kitchie, same question...

Kitchie: Hindi lang pala puro pag-papa kyut alam niya. Magaling pala talaga siya.

(crowd laughing)

Reporter Follow up Question: When are you leaving for your U.S Concert Series?

Kitchie: Right after this One. I'll fly to Chicago.

Reporter: Paanong naiiba si Kitchie sa mga artist na nakatrabaho mo before?

(Napangiti ako sa tanong at dahan-dahan humarap kay Kitchie)

Marlon: It's a difficult question, but I must say that the biggest difference is that while I'm working with her, I didn't feel like I was working, I had the best time of my life with her and

I think...

No...Actually,

I am sure that I've fallen in-love with her.

(Isang malakas at mahabang aaaawwww....ang narinig sa buong kwarto at biglang umulan ng tanong para kay Kitchie, Bumulong siya at muling tinawag ng kanyang manager reporter na huling nagtanong sa)

Bumulong siya at muling tinawag ng kanyang manager ang reporter na huling nagtanong sa kanya:

Reporter: When are you leaving for your U.S Concert Series?

Kitchie: Indefinitely...

(Nagkataon lang pareho iyong naganap sa Notting HILL hehehe)


Aking napagtanto na kagabi lang na hindi lang pala crush ang nararamdaman ko para sa kanya at swak naman siya sa lahat ng hinahanap ko sa isang babae. Medyo marami at mababaw ang aking "qualifications" pero ito ang mga hinahanap ko sa isang babae.

1. Kahit Mayaman Basta Maganda.

Kaya ko naman kalimutan ang katayuan sa buhay ng kahit sinong babae. Ok lang kahit mayaman siya basta maganda ok na iyon. Pasok si Kitchie sa category na ito, maraming hindi nakakapansin pero si Kitchie Nadal (para sa akin) ang isa sa pinakamagandang celebrity sa Pinas'. Hindi man ito pansinin at ganoon ka-striking sa unang tingin ay siguradong masusundan at masusundan ang pagtingin mo sa kanya. Distinct ang kanyang beauty at hindi siya nakakasawang tignan. Ganoon talaga siguro ang mga tipo ko dahil sa mga minahal kong babae ay mas nauna ko pang nakita ang magagandang bagay sa kanila bago pa man ang magandang nilang mukha.

2. Matalino.

Hindi naman sa pagmamayabang pero matalino akong tao (kahit hindi halata) kaya naman gusto ko sa isang babae eh iyong nasa "level" ko. Ang bestfriend ko ang unang nag-introduce sa akin ng idea na ang bawat tao may "level" at kadalasan iyong mga taong ka-level mo eh iyong mga taong madali mong napapakisamahan o nakakasundo. Isa pang paraan ng pagpapaliwanag ng "level" ay ang kasabihang "birds of the same feathers flock together because they are the same kind of birds?" tama ba iyon? Anyway, mahalaga kasi sa kahit anong klaseng relasyon ang pagkakaroon ng certain level of understanding. Dito pumapasok din ang aking pangatlong "qualification"

3. Good Communication Skills.

Madaldal akong tao, makwento, at palaging maraming sinasabi kaya naman mahalaga para sa akin na ang next GF ko ay magaling makipag-communicate para naman tuloy-tuloy ang kwentuhan. I prefer iyong mga magaling mag-english dahil minsan hirap din may mga bagay na hindi ko masabi sa tagalog at SUPER extra points kapag may foreign accent (ang kyut, kyut kasi pakinggang sa tenga).

Syempre, pasok ulit dito si Kitchie pati na rin sa number two. Sobrang talented siya at matalino sa pagawa ng mga kanta in both Tagalog and English at meron siyang kakaibang accent both sa pagsasalita at sa pagkanta. Kapag naririnig ko siya mag-english eh palageng may naiiwang ngiti sa aking mukha na nawawala lang kapag naligo na ako.(Kaya minsan hindi ako naliligo ng ilang araw bihira lang kasi ako ngumiti ng ganoon)

4. Magaling Kumanta

Ito na siguro ang pinakamahirap sa lahat ng "qualifications" ko dahil hindi lahat ng tao ay biniyayaan ng magandang boses kahit na dito sa Pinas na maraming magaling. Kahit na bawat class yata na napasukan ko laging meron isang taong magaling kumanta eh hindi pa rin sila pasok doon sa iba kong gusto, minsan pa nga lalaki iyong singer sa klase (yuck!).

Pero bakit ba dapat magaling kumanta? Simple lang, mahilig ako magsenti at magsoundtrip pero madalas nalowbat ang CP ko kaya naman maganda na iyong may reserba, Isa pa..mas maganda ata pakinggang iyong mga love songs from the person you love. naks!

Wala na sigurong aastig pa sa moment na kinakantahan ka ni Kitchie Nadal habang nakahiga kayo sa damuhan tapaos nakitingin kayo pareho sa langit nag-aabang ng wishing star na hindi mo naman na kelangan dahil wala ka ng hihilingin pa sa oras na mangyari iyon.

5. Mahal ako.

Simple lang ang qualification na ito at siguro hindi ko dapat pang ipaliwanag. (dito lang bagsak si Kitchie)


May ilan siguro na pwedeng magsabi na iyong mga qualification ko na yan ay masyadong mataas, o di kaya'y masyadong mababaw pero ayon sa aking track record sa pag-ibig ay mas madalas na hindi ko rin naman iyan nasusunod. Sabi nga nila, ang mga "QUALIFICATIONS" at IDEAL GUY OR GIRL sa isip natin ay hindi naman talaga nag-eexist sa totoong buhay dahil isa lang naman dapat talaga ang mahalaga. Dapat lang mahal mo siya dahil sa oras na mangyari iyon. Wala ka ng hahanapin pa.


BILANG ENDING SA POST NA ITO...AT INTRO SA SUSUNOD. ITO ANG LIGAYA BY KITCHIE NADAL:





February 18, 2009

MY NEW BLOG ROLL!

59 comments

TO ALL CUTE BLOGGERS: (Pa-kyut man o Kyut Talaga)

I've been receiving a lot of request for the CUTE BLOGGER ID and to make it easier for me to grant those requests, Kindly send me the picture you'd like to be on your ID along with your URL, QUOTE or Tagline(If not already included or too long for the ID)

My Email Address is: myperspektib@yahoo.com
Password: (syempre! akin lang iyon)

This is free! For now...(susunod piso isa na iyan lols!)
In return, a link back and/or post about the ID would be nice. Thanks and Spread the pa-CUTENESS! (ID's are created during the weekends so the best time to check your ID is during Sunday or Monday.)

Mr. Perspektib

MY BLOG ROLL

Leave a Comment for X-Links



CLICK HERE FOR THE 300x200 image resolution (actual size)

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin