February 2, 2009

One More Chance-When love ends, how long should you hold on?

"She loved me at my worst, you had me at my best and you chose to break my heart..."


My own trailer/summary or whatever version of ONE MORE CHANCE
Watch it, It's Sulit! Libre eh!


Sa pagpapatuloy ng aking "theme" ngayong buwan dito sa Perspektib. Naisipan kong mag-feature ng ilang pelikula, kanta, tula at kung anu-ano pang bagay na may tama pagdating sa usapang pag-ibig. Uumpisahan ko ito sa isang pelikula.

Pelikula. Isa sa isang magandang paraan ng pagsasayang ng oras ay ang manood ng pelikula at para sa mga loveless, broken-hearted at hopeless romantic na tulad ko. Isa sa pinakamabisang paraan para patayin ang sarili ngayong buwn ng mga puso ay ang manood ng mga romantic movies tulad ng ONE MORE CHANCE. Ilang ulit ko na rin napanood ang pelikula at talagang napakalakas ng tama nito sa akin dahil sa maraming dahilan. Una na rito ay ang hindi ko matapos-tapos na pagninilay-nilay kung sino ba ang mas kyut. Ako oh, si John Lloyd. Ano sa tingin mo?


Hindi ko na babanggitin na hindi ko maiwasan isipin ang babaeng hanggang sa kasalukuyan ay patuloy ko pa rin minamahal tuwing nakikita ko si Bea Alonzo. She looks a lot like her. PROMISE! Pero, siguro pwede ko na lang din siyang isipin bilang si Bea,--isang bituin na hindi ko kayang abutin.

Hindi katulad ng sa maraming pa-tweetums movie. Ang pag-ibig sa totoong buhay ay hindi palaging natatapos sa happy ending at happily ever after. At sa aking mababaw na obserbasyon, karaniwan sa mga pinakasikat na love-story movies ay hindi nagtatapos sa kasalanan ni bidang lalake at ni bidang babae. Ilan sa halimbawa ang TITANIC at ang klasik na Romeo and Juliet. Hindi lang pumatok ang mga nasabing pelikula hindi dahil sa ang bidang lalaki ay si Leonardo DiCarpio (Crush ng bayan noong titanic era) kung hindi dahil mas marami ang taong nakaka-relate sa sad endings. Sad stories gives a very human touch to our insanely wonderful dreams and fairytale hopes. Sa pamamagitan ng mga kwentong tulad nito ay muli tayong napapa-alalahanan na hindi ganito ang totoong buhay.

When love ends, how long should you hold on?

I've heard the saying, that whenever you feel like giving up, think of the reason why you held on for so long and that leads me to think what reason could that be. What is that reason so great that I am still, unfortunately unable to let go. Why is it that I'm holding on even if i think about it, I already have every reason to give up and not a single one that tells me to stay? Why do I always choose that road that always brings me back where I started? Why can't I go and take the other one so I can finally move on? Why is it that I'm back to you when there is someone else willing to love me unconditionally? Have I become so stupid that I don't choose the obvious rightful thing to do or is it just that my heart loves you too much that it refuses to listen to everyone including myself. No matter how much I like to blame this heart for loving you too much. I just can't.

My heart is no longer mine, it already belongs to you.



Related Posts :



12 comments:

jhosel said...

haha. napanood ko na din ang ONE MORE CHANCE. yea. its good. salamin nga ng madaming love stories. minsan mas matamis ang pag-ibig dahil sa mga dinaanan nitong challenges. sa tingin ko walang perfect relationship. kahit kanino man. pero ang nagpapalast ng relationship eh ang sincere na pagmamahal ng dalawang tao sa isat-isa.

When love ends, how long should you hold on? di ko din alam. pero hanggat nandyan pa din ang love sa puso mo para sa kanya, hindi mo siya lubusang makakalimutan. siguro nga ganyan ka powerful ang love. at sabi nga sa over-used nang kasabihan. kung kayo, e di kayo. all you have to do is have faith in your love.

yan lng masasabi ko. di ko din alam e. haha. lol.

Marlon said...

Jhosel, perhaps too much faith is also bad and like what derek ramsey said. sometimes, people needs to break-up so they can grow up.

salamat sa pag-comment!

cyndirellaz said...

tama, kung sa tingin niyo wala ng dapat ipag laban why continue AT yung titanic at romeo and juliet kahit sad ending feeling ko sa langit na lang sila magkakatuluyan ^^

Dhianz said...

hey marlon... first time every koh yatah magkokoment sa page moh... hey luv dat movie! "one more chance"... napanood koh palah sa theatre... yeah iyak tlgah akoh nang todo... gusto koh ren yang linyang yan... ""She loved me at my worst, you had me at my best and you chose to break my heart..."... tapos ang naalala koh laging linya ni bea... 'ung walah nah silah ni llyody... "sanah akoh na lang ulet..." graveh sobrang kakaiyak at very touchin' ang movie and syempre luv d' ending kc silah.. i'm actually a fan of their movies... magaling ang chemistry nilang dalawah... sayang nga lang nde sa real life... showbiz lang tlagah... titanic naman... asar akoh nung namatay si jack!.. hehe... 'ung movie nah yan thousand times koh atah napanood.. nde nakakasawa... yeah...

hmm... when love ends how long you should hold on? ... ang hirap when love ends... i guess para ma-stop 'ung sakit gotta let go all d' memories that u two had together... hirap kc kapag naiisip moh nasasaktan kah... sendalin ang how long you should hold on... well i guess don't hold on... 'ung nga... gotta let go.. but d' funny thing is... i guess kapag may dumating na someone na muling nagpatibok nang puso moh... nde nah ramdam ang sakit sa past... para na lang silang strangers na dumaan sa buhay moh... at i guess pasalamat cuz that became the way para makilala ang bagong tao sa buhay moh... well syempre sana lang eh sya na nga 'ung bibigay ni God para sa buhay moh... somethin' like dat... wehe...

salamat palah sa pagdaan minsan sa mansyon koh... lolz.. mansyon eh noh... ingatz den marlon d' cutie blogger... =)

GODBLESS! -di

Chyng said...

Hi Marlon!

Everyone's favorite yan, even my boyfriend appreciated it. Im not fan of romantic movies, pero exemption to!

At bakit si john Lloyd naman ang drama mo ha?
(--,)

=supergulaman= said...

ahehehe...maganda yan..napanood ko na yan...pero maganda talaga...mas maganda sa "memories of bali"...ahehehe... :)

Marlon said...

Dhianz, so you are finally here..thanks for the comment. Yup! I must admit, kahit ako ay isang lalake I find their movies really good, I will actually feature more in the comings posts...and also some other artista's, Hopeless romantic ang drama ko, atska kasi kapag nakakapanood ako bigla ako nasa mood magsulat...

Also, you know what they say, some things are easier said than done.

Chyng, nice to see you here again, niwey, Si Lloydi kasi hanggang ngayon hindi ko pa rin mapagtanto kung sino ba mas kyut sa aming dalawa! lols...Yup, i agree it's among the top of my list

Supergulaman, hindi ko pa napapanood iyong Memories of Bali, but i've heard some things about it. I'll try to look for it. salamat ulit sa pagdaan.

PUSANG-gala said...

one of my favorite local movie------nakarelate kami nung gf ko that time kasi nasa breaking point na nun relationship namin----through this---you will learn that at the end of the day----you just have to pick somebody----commit yourself---and try to make the relationship work----

Marlon said...

Pusang Gala, Salamat at umabot ka rito sa iyong pagala. lols...Very nice point! You know what they say, sometimes, love is just not enough. You need more than that for a relationship to work. Apir!

kalyo galera said...

maganda yung movie na yan
kasama ko ung EX ko nung manuod nyan
di ko napigilan mangilid ang luha ko.
kasabay nadin non ung sakit ng mata ko, kasi nasa harap kami ng malaking screen ng sinehan
:D

nasasaktan tayo, dahil kaylangan natin matuto :D

Marlon said...

Kalyo Galera, salamat sa pag komento, oo tama i guess that's a good way of putting it but kelangan ba talaga para masaktan muna bago matuto? mai-untog ko nga ulo ko sa pader para matuto ako sa math. lols!

Racess Gungon said...

watch pinoy tv show here pinoy-fans.org

or download our android application here pinoy-fans android app

LIKE US : Facebook

Post a Comment

WhAt Do YOu Say?

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin