February 7, 2009

Friends In-Love

"Oh Yes, kaibigan mo ako, kaibigan mo lang ako...That's all I ever was to you, your bestfriend"



(2nd Vid ko ito at mas palpak pa doon sa una lols)ENJOY!


Nakaka-relate ako sa mga ganitong kwento, I should know how hard at kasarap ang ma-in love sa iyong kaibigan dahil ang dalawa sa babaeng minahal ko ng todo ay parehong malapit na kaibigan. It's about time ikuwento ko na si Perslab na nagkataong mag-birthday sa Feb. 11. lols!


Klasmeyt ko si perslab mula pa noong elementarya, Aktwali noong una hindi kami ganoon ka-close bago dumating ang high-school. Madalas kasi kaming magkalaban pagdating sa mga honors sa eskwelahan pero dahil din dito madalas kailangan namin lagi magkasama sa mga training, contest, school programs at kung anu-ano pang activity. Nagpatuloy ito hanggang high-school pero hindi katulad sa elementarya, wala na iyong sense of competition sa pagitan namin. Ang closeness namin ay hindi na by chance kung hindi masasabi kong ito ay naging by choice.

Magka-pareho kami sa halos lahat ng bagay, pareho kami ng humor, ng trip sa pinapanood sa t.v., librong binabasa at trip sa mga sinusulat. Kaya rin namin basahin ang isa't-isa kaya naman kahit hindi na sinasabi, alam na agad kung may problema. Hindi mabilang ang common friends namin pero masasabi ko na iba iyong level ng closeness namin dahil maraming bagay na kaming dalawa lang iyong nakakaintindi at nakaka-alam sa bawat isa at safe ko rin sabihin na siya ang bestfriend kong babae.


Pare-pareho lang ang bawat araw na dumadaan sa amin. Madalas namin inaasar ang bawat isa sa kung sino-sino sa school.Sa chemistry ang unang klase sa bawat araw magkatabi na kami agad at imbis makinig sa guro ay panay lang ang aming kwentuhan na kung minsan paulit-ulit lang. Minsan kapag hindi mapigilan ang ang tawanan namin ay madali kaming napapansin ng guro dahil sa harap kami ng table niya naka-pwesto at sa halip na tumigil ay ngingitian lang namin ito. Kapag bad mood si titser, eh imbis tignan ay bigla kaming tinatawag nito para mag-recite at imbis tulungan ang bawat isa ay ang maririnig mo sa background ay ang bungisngis noong hindi tinatawag sa aming dalawa sabay bulong ng, "lagot ka"!. Kapwa naman kaming magaling mag-paikot ng salita kaya kahit hindi kami nakikinig ay nagmumukhang alam namin iyong pinag-uusapan.

Lumipas ang mga araw at buwan at maging taon na ganoon lang kami hanggang isang araw nagalit siya sa akin ng todo at ilang buwan niya rin ako hindi kinausap, kahit tignan ako hindi niya magawa at kahit anong gawin ko sadyang hindi niya ako naririnig. Hanggang sa ngayon hindi ko pa alam kung ano iyong dahilan bakit siya nagalit sa akin ng ganoon. Ilang buwan din niya nakayang mawala ako sa buhay niya pero ako, bigla kong naisip na hindi ko pala kayang wala siya, doon ko naisip na siya na pala ang buhay ko.

Ako iyong tipo na hindi humihingi ng tawad kung sa palagay ko wala naman akong kasalanan pero ganoon na lang ang pag-sorry ko sa kanya. Ilang araw, marahil linggo din iyong para niya ako mapatawad matapos ang ilang beses kong pag-sorry thru letters, sa mga kaibigan at kahit hindi pa uso noon ang unli at nauuso pa lang ang text ay sinubukan ko pati ito. Pinatawad niya lang ako ang hindi niya mapigilan tumawa sa pag-sorry ko sa kanya ng harapan.

Everything went back to normal--almost everything that is. From then on...I never looked at her the same way I did before. Gusto ko man isipin na everything went back to normal, hindi na talaga maikakaila na nag-iba na ang pagtingin ko sa kanya.

Hindi ko alam kung kailan o paano ito nagsimula pero ang alam ko lang, isang araw nagising na lang ako na mahal na kita.


Ayun mismo ang sinabi ko sa kanya ng magtapat ako sa kanya sa text. Torpe pa kasi ako noon, at kahit magastos pa noon ang cellphone lalo't estudyante pa ako, ayun lang ang paraan para masabi ko sa kanya iyong nararamdaman ko. Doon lang namin napag-uuspan iyong mga ganoon bagay. Parang ayaw ko na nga pumasok kinabukasan noon kasi ayaw kong makita iyong reaksyon niya noon. Wala akong magawa dahit kahit anong gawin ko ay magkikita at magkikita talaga kami at bigla ko na lang naisumpa ang alphabetical sitting arrangement dahil lahat ng klase magkatabi o magkalapit kami. Mabuti na lamang at hindi siya katulad ng karamihang babae na iiwas na lang sa oras na malaman nila iyong nararamdaman mo. Hindi naman ako nanligaw, or maybe I did hindi lang halata pero mahalaga ginawa kong malinaw sa amin iyong sitwasyon. Wala naman masyadong nagbago sa samahan namin maliban lang sa minsang ilangan dahil sa mga kaklaseng nakakaalam na palagi kami inaasar. Kuntento na ako sa set-up namin. Masaya akong kahit sa simpleng paraan ko ay napaparamdam kong mahal ko siya at palagi akong masaya kung magkasama kami pero talagang iba kung maglaro si tadhana.

ANG DESPEDIDA

August 3, 2004--Ang gabi ng aking despedida, bago ako umalis noon para maging exchange student sa America at isang buong taon din ako mawawala. Graduate na ang batch ko sa oras na umuwi ako kaya naman kung may pagkakataon pa akong sabihin sa kanya ang lahat--eto na iyon. Ito ay ang gabing sa unang pagkakataon ay inamin ko, hindi lang sa harap niya kung hindi sa harap ng lahat ng ka-batch at klasmeyts namin kung gaano ko siya ka-mahal. Hindi ko alam kung nagkataon lang pero sabay sa lakas ng buhos ng ulan ay ang iyakan hindi lang siguro sa aking paalam kung hindi pati sa mga sinabi ko noong gabing iyon. Ang naalala ko lang sa mga sinabi ko ay kahit ako ang aalis--ako pa rin iyong maghihintay sa araw na mahalin niya rin ako at kahit aalis ako at lalayo, maiiwan ang puso ko sa kanya. Hindi ko talaga makakalimutan na sa oras na magkahiwalay kami, out of nowhere bigla kaming may narinig na radyo na tumutugtog ng "Somewhere Down The Road". Inisip ko na lang siguro nga, hindi pa ito iyong panahon namin.

Buong taon habang nasa Amerika ako, tuwing Sabado at Linggo ng umaga (gabi dito) ay gumigising ako ng maaga para makapag-online at makapaghintay na baka naka-online din siya. Sa chat at emails kami nakakapag-usap kadalasan. Sa ganitong paraan din niya sinabi sa akin na handa na siyang bigyan ang sarili niya ng pagkakataon mahalin ako at dahil sa sinabi niyang iyon ay napuno ako ng pag-asa at mas naging mabilis lumipas ang isang taon.

Pero, masyadong matagal talaga ang isang taon. Sa pagitan ng mga pag-uusap namin ay mga pangyayaring hindi inaasahan. Ang dating ako na madalas niyang nasasabihan ng lahat ay nasa kabilang panig ng mundo. Wala ako kung kailan lubos niya akong kailangan. Naging malapit at hindi inaasahang nahulog siya sa lalaking itinuturing ng marami bilang "the perfect guy". Kahit siguro andun ako, eh wala talaga akong sinabi sa lalaking pangarap ng maraming kababaihan at simula ng marami at hindi malilimutang hidwaan. "The Perfect Guy" who knew how to play the field very well at kahit siya ang ugat ng lahat ay wala pa rin makuhang sisihin siya. (Hindi siguro tamang magsalita pa ako ng kahit ano tungkol sa kanya.) Syempre katulad ng ibang pinaasa or should I say umasa sa pagmamahal niya ay nasaktan si Perslab at sa gitna ng kaguluhan nahinto ang komunikasyon namin. Nagkaroon lang ulit kami ng contact noong tumawag ako sa B-day niya at ng matanggap niya ang casette tape na ipinadala ko. Ni-record ko dito ang lahat ng gusto ko sa kanyang sabihin tulad ng hindi ko na pag-asa na mahalin niya pa ako at naiintindihan ko siya at tanggap ko na ang lahat ng nangyari. Kung hindi ako nagkakamali, sinabi ko rin doon na uuwi ako na parang walang nangyari dahil kakalimutan ko na at iiwan ang ang sama ng loob sa Amerika.

Lumipas ang ilan pang buwat hanggang dumating iyong araw na umuwi na ako dito sa Pinas. Siya ang kauna-unahang taong naka-alam na andito na ako. Nakatatak sa utak ko iyong number niya kaya naman kinabukasan muling kaming nagkita at sa bahay ng barkada ko, nagkaroon kami ng pagkakataon makapag-usap. Napagkasunduan na lang namin kalimutan ang lahat. Ayos na sana pero ilang araw matapos iyon ay unti-unti siyang nagparamdam na handa na niya akong mahalin. Hindi na iyon kasama sa plano ko pero dahil mahal ko pa siya noon. Naging kami, pero hindi ito nagtagal ng isang buwan for three reasons.

Una, She hasn't completely moved on.

Ikalawa, She loved me but not enough, nauunahan siya ng takot at hindi niya natagalan ang pressure ng magulang niya. Hindi niya ako naipaglaban.

Ikatlo, Ako ang dahilan. Sa standard ng mundong ginagalawan natin. Isang Sumpa kapag ako ay nagmahal at minahal dahil matinding pressure, paghihirap, hard choices at maraming confusions ang kasunod noon. Hindi sapat na mahal din ako ng isang tao, dahil sa oras na aminin niya iyon sa sarili niya ay dapat handa rin siyang talikuran ang "tama" sa mata ng lahat.

Masaya na ngayon si Perslab sa piling ng isa sa mga barkada ko at totoong masaya ako para sa kanila. Masyado ng matagal ang kahapon para alalahanin ko pa iyon at nangyari naman ang gusto ko para sa kanya at iyon ay para siya ay maging masaya. Ako naman, natuto na ulit magmahal at kahit hindi ko pa rin nakukuha ang happy ending ko ay patuloy pa rin naman akong naniniwala sa pag-ibig.

Wala na atang mas magandang paraan para ako ay turuan ng tadhana tungkol sa pag-ibig kung hindi ang naging istorya namin ni perslab. Marahil, kaya tayo may "first" love ay dahil hindi palaging sa unang beses na titibok ang puso mo ay siguradong masusuklian ito.

Si Perslab, tinuruan ako na ang pag-ibig dumarating ng hindi inaasahan, ang pag-ibig minsan nasa harap mo na hindi mo lang napapansin, ang pag-ibig kahit malayo pwede pa rin maging totoo, ang totoong pag-ibig nakakapaghintay, ang pag-ibig pwede itong ibigay ng walang kapalit, ang pag-ibig pwede kang saktan ng paulit-ulit pero sa huli pipiliin mo pa rin magmahal ng paulit-ulit dahil kahit minsan mo pa lang naramdaman ito alam mo, sulit ang lahat ng sakit sa oras na makita mo ang iyong one true love. A ng pag-ibig hindi lagi nagtatapos sa paraang gusto natin dahil ang tadhana may mas magandang ending para dito.


This song is one of the best when it comes to Falling in Love with a friend Theme.



What would you do if I told you that
All that I do is think of what we had
What would you do if I'm not the friend I used to be
Well, at least, not to me

REFRAIN 1
'Cause I can't get over all the times you stay
Get crazy, jealous every time you're away
Now I'm someone different from the one you knew
Had nothing to feel for you, to feel for you

CHORUS
What do I do
I keep calling out your name
What do I do
I got no one else to blame
What do I do
Every time I hold your hand, it's not the same
What do I do
I think I fell in love with you

What can I do, what can I say
Everything keeps changing every night, every day
Every word so diff'rent, every touch so real
Every glance and every look reveals the way I feel

REFRAIN 2
No, it's never ever gonna be the same
When we hug for warmth from the cold of the rain
Yet I'm not gonna move on, not gonna change
Though I find it hard to say, baby

[Repeat CHORUS]

BRIDGE
I don't know what to do
I'm fallin' more for you
Baby, please tell me...

[Repeat CHORUS]

CODA
Ooh oh
What do I do


Related Posts :



15 comments:

jEn said...

hmm..kaka-relate ako dito ah..mahirap yang sitwasyon na yan...

jeniffer said...

ayos ah, hanep sa video..mahirap talaga mainlove sa kaibigan, lalo na kung ang batas nyo sa tropa ay "WALANG TALO TALO"...

♥Allysia♥ said...

Hmmmm. Maybe there's someone out there w/c God has really intended for you. and THE SONG IS REALLY NICE. =)

=supergulaman= said...

takte! ahaha...may naalala ako sa movie na yan... takte ka!.... yan yung movie namin noong paakyat kami ng tagaytay...and that was 1999...4th year high school ako dun, fieldtrip, yan yung nsa screen ng bus na sinasakyan namin...ayoko mag-elaborate baka mabasa to ng grasya...pero kinalimutan ko na yun part na yun...pero baka minsan maikwento ko...kaso malaki ang selos ng grasya kasi dun...iyakin pa nmn ang grasya... :)

Marlon said...

Jen and jennifer, both of you are right, mahirap talaga iyong ganun but you see, in the end it's worth it.

Allysia, thank sa pag add at sa pagkoment, glad you also liked the song. It means a lot to me. It's just perfect in the situation.

Super G. Hindi naman to kelangan malaman ni grasya eh. lols! wahahahaha. Sikreto lang natin to. hahahaha.

jhosel said...

hay. mahirap talaga. minsan kasi ang nipis ng borderline ng friendship at love. at minsan din nasisira ang friendship dahil sa nagkahulugan kayo. pero maganda kung yung friendship ay tumuloy na talaga sa true love. may friend ako, nagkatuluyan sila ng bestfriend nia. ang maganda sa kanila dahil si friends sila, parang buddy ang turingan nila, kahit mag-asawa na sila ngayon.

at sa first love naman. dito mo matutunan ang lahat tungkol sa pag-ibig. after ng first love mas nagiging mature ka at ready para sa susunod na relasyon. hay. dibale, pag may first love. meron din namang 'one, true and last love' na darating at the right time.

whew. tama na ito.. sige, god bless!

PaJAY said...

Nasa bandang gitna na ako....

I shall return..

lolz...

Skippyheart said...

hmm, sweet naman nitong post na ito!

Btw, thanks for visiting my site and for your tag. =)

Marlon said...

Jhosel, it's like what they say, mahalaga sa kahit anong relasyon ang pagkakaibigan higit pa sa pag-ibig, kasi kapag tumanda na kayo ang friendship niyo na lang ang matitira. sabi nila yun ah. lols!

Pajay? bakit nahuli ka ba ng boss mo? lols! salamat sa pagdaan.

Skippyheart, thanks for the visit as well.

=supergulaman= said...

ahehehe...alam naman yun ng grasya...kaso ayaw ko naman ulit-ulitin ang eksena na yun na alam kong makakasakit sa kanya.. :)..nung mabasa nya ang kwento ni cielo..tumawag sya at sinabi... "namimis mo?"... pero biro nya lng nmn yun... pero khit papano may dating yun... :)

Marlon said...

Super G...hahaha yah i know what you're saying. I've been there myself. lols! it's never a good idea to talk about ex...lols!

izangel said...

nakz! iba talaga pag perslab. binabalik balikan noh? hihihi... ang ganda ng kanta.ngayon ko lang narinig yan. hmp. :)

jeszieBoy said...

hala. 9 yrs old ako nung kasikatan ng movie nato. pero naalala ko pa yun. namiss ko tuloy ang kabataan ko.

nice blog btw! i lab it! :]

jeszieBoy said...

at dail isa ito sa mga malulupit na blog, i'm following! :]

Marlon said...

Izangel, ahaha mabuti naman at nagustuhan ni musicfreak ang kanta. lols! thanks for the drop!

JeszieBoy, thanks for the comment and the compliment. Yes, totoy pa rin ako ng mapanood ko iyan. lols!

Post a Comment

WhAt Do YOu Say?

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin