Skip to main content

Ang Batang si Mon-Mon


Minsan madarama mo kay bigat ng problema
Minsan mahihirapan ka at masasabing “di ko na kaya”
Tumingin ka lang sa langit
Baka sakaling may masumpungan
Di kaya ako’y tawagin
Malalaman mong kahit kailan


Hawak-kamay
Di kita iiwan sa paglakbay
Dito sa mundong walang katiyakan
Hawak-kamay
Di kita bibitawan sa paglalakbay
Sa mundo ng kawalan




Ang kantang ito ni Yeng Constantino ay isang inspirasyon para sa marami. Sa musika pa lang at lyrics siguradong mapapakanta ka na at marahil dahil sa mensahe nitong ramdam ng karamihan na may problema, hindi makakaila na isa ito sa pinakamadalas inaawit kapag gusto mong humugot ng inspirasyon. Wala na sigurong mas babagayan pa ng kantang ito, kung hindi ang batang si Mon-mon.





Bigla akong nahiya sa aking sarili ng mapanuod ko si Mon-mon, isang bata na tila ipinagkaitan ng pagkakataon mabuhay ng normal. Mabuhay ng katulad ng karamihan at matamasa ang mga bagay na sa ordinaryong tao ay balewala. Hirap magsalita, hirap ngumiti pero nakakahanga na sa mata niya, makikita mo ang tuwa at hindi mapantayang ligaya. Tumayo ang balahibo ko sa aking napanuod katulad at naramadaman ko muli sa sarili ang parehong pakiramdam ng minsan kong mabasa ang sikat na pahayag ng pinakasikat na Deaf and blind Person sa buong mundo na si Hellen Keller ang mga salitang...










"Life is Beautiful".








Bilang isang taong meron rin isang kapansanan, nais ko rin sana mailagay ang sarili sa parehong pananaw katulad ng batang si Mon-mon at ni Hellen. Nais ko sanang makita rin ang mundo sa kanilang mata na tila ba walang problema, at kung meron man ay siguradong lilipas at magdaraan din ito.


Isang bagay sa mga napansin ko maikling panahon pa lamang ng aking pag-iikot sa blogosperyo na karaniwan paksa o tema na aking nababasa ay ang mga problema natin sa buhay. Maging ako, sa pagsusulat ko idinadaan ang aking pagrereklamo at katulad ng nabanggit din ng ibang blogger. May ilang ulit na rin akong nakapag-isip na maigi pa siguro hindi na lang ako pinanganak. Gusto kong maniwala sa kasabihang "Everything Happens for a Reason" kahit parang minsan pakiramdam ko walang sasapat na dahilan sa aking mga problema. Siguro lahat ng nangyayari may dahilan, ang problema lang...hindi lahat ng dahilan kaya mong intindihin o di kaya'y baka sadyang mahirap lang ito tanggapin.

Nakakahanga pagmasdan ang hirap, ngunit determinadong pag-awit ni Mon-Mon, tila ba para sa kanya ang mga salitang naisulat ni Yeng na hindi napigilan ang sarili lumuha. Paanong isang bata ay may ganun katinding pag-asa? Hindi ba't nagkaroon ng ibang kahulugan ang mga salitang "Minsan nahihirapan ka, at masasabing...di ko na kaya" ngunit sa halip na bumitaw ay lalo mong nakikita ang pagnanais niyang higpitan ang paghawak niya sa buhay. Minsan siguro kapag handa ka ng bumitaw sa bigat ng mga problema at handa ka ng bumitaw, palagi lang isipin ang dahilan bakit nagawa mong kumapit ng ganun katagal.


Siguro nga dahil bata pa si Mon-mon at hindi niya pa nararanasan ang mga totoong problema ng buhay kaya para bang napakasaya niya at tila hindi siya nauubusan ng pag-asa pero sa isang banda, hindi ba mas lalo siyang kahanga-hanga dahil kahit ang isang batang napagkaitan ng pagkakataon makipaglaro, makapagsalita ng tuwid, marahil makapag-aral at mangarap ng normal na buhay ay patuloy siyang nakatawa?

(Full Video at YouTube)

Comments

  1. sabi nga inosente sila...pero hanggang kelan kaya?

    pero tama ka, kung sila eh inspiradong mabuhay, dapat mas lalo tayo!

    ReplyDelete
  2. this is an eye-opener to most of us...
    grabeh thanks for sharing...

    @ abe caracas.... agree ako sa point muh talaga, but we must also make a difference for them in any way we can and not pity them but admire the way they tend to survive...

    ReplyDelete
  3. Mulong, salamat sa muling pagbisita. Tama ka sa sinabi mo. Dapat tayo ay pumulot ng inspirasyon sa kanila

    Antoine Greg, salamat din sa pagbisita. Exactly, people with disabilities don't want pity. What we want is acceptance and a chance to prove ourselves. If there's a reason why some people ends up with disabilities, i believe it is to teach us not to give up and also to fight no matter what the circumstances, as well as to make us appreciate things we normally take for granted.

    ReplyDelete
  4. napanood ko 'yan. God bless that kid.

    - tenco

    ReplyDelete
  5. i'd watched this. napa-iyak ako, and i hate crying pero hindi talaga napigilan. I was touched, i like the song and i like yeng but i never thought na mapaiyak ako ng isang kanta.

    Hannah Montana|Ugly Betty Episodes

    ReplyDelete
  6. byter, salamat sa pagdaan at iyong pagkomento. Ang mga tulad nian ang dapat natin hugutan ng tamang inspirasyon

    ReplyDelete
  7. kung minsan, nasa tao talaga yan, kung magpapatalo sila o hindi, kung magiging taong may kapansanan lang ba sila o magsusumikap na mabuhay ng normal. ako, magpanggang ngayon ay hindi aware ang buong seminaryo at syempre, karamihan ng mga kaibigan ko na bingi ang kaliwang tenga ko simula bata pa ako, dahil ni minsan ay di ko ginamit na excuse ang aking pagiging bingi kung di ko man naunawaan o narinig ang mga usapan. pinilit kong mabuhay ng normal, at hayan na nga, abot kamay lang ang pangarap.
    God bless, marlon!
    alam mo bang kapangalan mo ang best friend ko?
    teka nga pala, nag-invite kang mag-add sa blogroll. matagal na kitang na-add pero hanggang ngayon eh wala ang ngalan ko sa blogroll mo. last monday lang ako nagpost ng article so at least nandyan yun. invitation ba talaga yun from you o linkfishing ka lang?

    ReplyDelete
  8. Salamat sa iyong pagbisita at pagcomment. Tama ka sa sinabi mo na nasa tao ang desisyong kung pipiliin niyang sumikap at paglabanan ang kanyang kapansanan, at sana mapatawad mo rin ako dahil hindi ko agad nailagay iyong site mo sa list ko, sobrang nakakalito kasi sa dami ng site na aking napuntahan at ilang beses rin ako nag-change ng lay-out sa may mga links talagang nawala ng hindi ko sinasadya. Mahirap mag-keep track, bilang pagbawi ay ilalagay ko ang site mo on both of my blogs, SALAMAT!

    ReplyDelete
  9. pasali!

    i admire helen keller, bata ba lang ako non.
    pinabasa kasi samin yung storya nya when i was in grade 4. inspiring talaga.

    sana maipamahagi pa yung storya nya at ang iba rin ay mabigyan ng inspirasyon at ssabihin na rin nating idolo.

    ReplyDelete
  10. Xianstoics, salamat at napadaan ka. hehehe you are right, bata pa rin ako marinig ko ang kwento niya at talagang inspiring sila.

    ReplyDelete
  11. isang magandang halimbawa nga ang batang si monmon na kahit nahihirapan patuloy pa rin ang buhay. thankful pa rin tayo kahit may mga problema eh at least bingyan tayo ng normal na buhay para kaya nating malampasan lahat... nice post!

    ReplyDelete
  12. Mon, I couldn't agree more, maraming salamat at nagustuhan mo ang post.

    ReplyDelete

Post a Comment

WhAt Do YOu Say?

Popular posts from this blog

I STUMBLED UPON

Halos alas-tres na ng umagA ng makita ko ito habang naglilikot sa internet. Pinaglalaruan ko kasi iyong stumble upon at sa pamamasyal, maliban sa mga photoshop related things. Eto nakita, ultimate wala lang ang mga ito pero some of it are really interesting. Here you go. A rat can last longer without water than a camel. Your stomach has to produce a new layer of mucus every two weeks or it will digest itself. The dot over the letter "i" is called a tittle. A raisin dropped in a glass of fresh champagne will bounce up and down continuously from the bottom of the glass to the top. A female ferret will die if it goes into heat and cannot find a mate. I know some people like that! A duck's quack doesn't echo. No one knows why. A 2 X 4 is really 1-1/2 by 3-1/2. During the chariot scene in "Ben Hur," a small red car can be seen in the distance. On average, 12 newborns will be given to the wrong parents daily! That explains it! Donald Duck comics were banned from F

MIDNIGHT DJ-What are you most afraid of?

Ano ang una mong naiisip kapag umuulan kahit mataas ang sikat ng araw? Nagpapasintabi ka ba mga engkanto tuwing mapupunta ka sa kagubatan? Ano ang agad pumapasok sa iyong isipan kapag nabanggit ang Balete Drive? Kilala mo rin ba ang anak ni Janice? One of the many interesting things about the Philippine Culture is the fact that the wide majority of the population believes in the supernatural be it local myths, scary creatures,ghost stories or even things as basic as the "pamahiins". Some may even argue that this is a bit odd considering that we are a predominantly catholic nation where creatures like that don't exists in our Bible, but on a deeper thought, is that really a contradiction? I notice that much of the urban legends I grew up with actually is connected to our faith in one way or the other. One good example is the story about the "Tiyanaks", you know...usually unborn and victims of abortion, these babies turns into monster to seek revenge and kill peo

You're The 1, Goldilocks!

"One day in your life, you'll remember a place...someone touching your face, you'll come back and look around" -One Day in Your Life Michael Jackson I guess glancing through old photos on a rainy afternoon with that song playing on the background is all took for me to act on this impulse to write this post. After all, I've been feeling a bit sentimental these past few days perhaps because I know that "one day" in my life is once again drawing near. I have nothing but great memories of my childhood and if there is one person whom I know I should be thanking right now--it's my mom. I am the "bunso" in the family and was often the object of jealousy from my "Ate" and "Kuya" because I was a "Mama's Boy". I guess it can't be helped given that I was different, maybe she felt that I needed the attention more than my older siblings who were 7 and 9 years old already when I was born. Also, I think the fact that